Mga Kategoryang Archives: Uncategorized

22-0403 Ang Kumikislap Na Pulang Ilaw Ng Tanda Ng Kanyang Pagdating

Lahat ng Nakasakay,

Maluwalhati ang Diyos, sa araw na ito na kinabubuhayan natin. Tayo’y nakikinig sa isang Mensahe na napatunayan na, sa pamamagitan ng pagkilos mismo, na si Jesus Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman. Ginawa Nito mismo ang siya ring mga bagay na Kanyang ginawa noong Siya’y narito noon sa lupa; pinagaling ang maysakit, natalos ang mga diwa na nasa pag-iisip, ipinakita ang mga bagay na magaganap, nagbangon ng patay, at sa tuwina, Ito’y sadyang ganap mismo.

Inanod na ng tubig ang lahat ng lupa na nasa ibabaw ng bundok. Wala nang natira kundi Bato. May mahiwagang Sulat sa Bato, kaya ipinadala ng Diyos sa atin ang Kanyang dakilang propeta para ipaliwanag ang Sulat sa Kanyang Nobya. Ngayon ang Biblia’y ganap na ipinaliwanag na.

Dinala Niya ang Kanyang dakilang anghel sa ibabaw ng bundok at inilagay ANG TABAK NG PANGINOON SA KANYANG KAMAY. Tinagpas pagkatapos ng Kanyang anghel ang ibabaw ng bundok na ’yun at iniangat ito. Sa loob nun ay may puting bato, na parang batong granito na walang nakasulat.

Ibinilin niya sa atin na tumingin Dito habang siya’y paparoon sa Kanluran. Siya’y iniangat pagkatapos sa kalagitnaan ng Pitong Anghel at bumalik at inihayag sa atin ANG LAHAT NG HINDI NASUSULAT SA BATO.

“Ito ang Aking lingkod. At tinawag Ko siya na maging isang propeta sa kapanahunan, para pangunahan ang mga tao gaya ng ginawa noon ni Moises. At siya’t pinagkalooban ng kapamahalaan, na magagawa niyang ang kanyang bigkasin ay magkatotoo.” O parang ganoon, gaya ng ginawa noon ni Moises, na nagsalita para magkaroon ng mga langaw. At alam natin ang tungkol sa mga squirrel, at kung ano pa, at ang mga bagay na nangyari. Hayan po si munting Hattie Wright sa likod diyan, sa palagay ko’y alam n’yo na ang nangyari doon sa kanyang bahay.

Si W-I-L-L-I-A-M M-A-R-R-I-O-N B-R-A-N-H-A-M ay lingkod ng Diyos na Kanyang pinili para pangunahan ang Kanyang Nobya sa panahon ngayon. Siya ang laman na Kanyang pinili para makapangusap sa atin gaya ng ginawa Niya noong Siya’y pumarito noon sa laman 2000 taon na ang nakararaan. Bawat Kasulatan ay nagpapatunay Rito. Inihahayag Ito ng bawat Kasulatan. Ngayon ay may ganap na kasiguraduhan na kamit natin ang TUNAY NA KAPAHAYAGAN kung sino Siya NOON, sino Siya NGAYON at kung sino tayo NGAYON: na Kanyang piniling pinakasisintang Nobya.

Batid natin na tayo’y nasa Kanyang sakdal na Kalooban sa pamamagitan ng pananatili sa Kanyang Salita. Ito’y nagdadala mismo ng kagalakan at kasiyahan. Imposible para mailahad sa salita lamang kung anong ibig sabihin nito sa atin.

Batid natin sa tuwina sa kaibuturan ng ating puso at kaluluwa na may kung anong bagay na kakaiba roon. Alam natin, kahit noong nasa kasalanan pa tayo, na may kung anong bagay roon na hindi natin maipaliwanag, pero Ito’y naroon mismo. Ngayon ay ALAM na natin. Hindi tayo nakaranas ng tulad nito noon, na wala nang pag-aalinlangan, wala nang pagaagam-agam, wala nang pangunguwestiyon, haya’t Ito’y nakaukit na’t nakasulat na sa ating kaluluwa. MALUWALHATI ANG DIYOS!!

Tayo ang henerasyon na hindi lilipas hangga’t ang lahat ng mga bagay na ito’y maganap. Tayo ang henerasyon na nakikita ang apostasiya na nagaganap mismo sa harap ng ating mga mata. Ang panahon ay napipinto na talaga. Ang kumikislap na pulang ilaw ng Kanyang Pagparito ay narito na. Ang huli Niyang babala ay nangyayari na.

Nasa buong paligid na natin ang kamatayan at pagkawasak. Tayo’y nabubuhay na sa Sodoma at Gomorra. Hayan ang kalaswaan, kasalanan, na ang puso ng tao’y nanlulupaypay sa takot, mga bomba atomika, gitgitan sa pagitan ng mga bansa, at sa buong panahon na ito ay lumalakip tayo sa isa’t isa at nakaupo na magkakasama sa Makalangit na mga dako habang ang Diyos Mismo’y sinasabi sa ating, HUWAG MATAKOT, KAYO ANG AKING PINAKASISINTA. Walang anumang bagay ang mangyayari sa inyo. Panatilihin n’yo lamang na ang mga puso n’yo ay umaalab sa kaibuturan n’yo habang Ako’y nakikipag-usap sa inyo sa daan at nagsasaysay sa inyo, na KAYO ANG AKING NOBYA.

Halikayo at makiisa sa amin sa Linggong ito nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, dahil may ingay na nagaganap. Ang preno ay umaapak na. Ang pulang ilaw ay nagsisimula nang kumislap. Kung umaasa kayo na umalis kasama namin, siguraduhin n’yong isasantabi n’yo ang supot na ’yan ng mani, ihihinto ang inyong pakikipagkuwentuhan, ihahanda ang inyong mga maleta, at maghahanda o kayo’y maiiwan, dahil siya’y humihinto sa bawat lokal nang kaunting sandali lamang. Siya’y paparating na para ipangusap ang: Ang Kumikislap Na Pulang Ilaw Ng Tanda Ng Kanyang Pagdating 63-0623E.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na dapat basahin bago ang Mensahe:

Sn. Mateo 5:28 / 22:20 / ika-24 na Kabanata

2 Timoteo ika-4 na Kabanata

Jude 1: 7

Genesis ika-6 na Kabanata

22-0327 Pagtayo Sa Siwang

Minamahal na Matatapat,

Itong nakaraang ilang linggo’y ang pinaka maluwalhating panahon sa buong buhay natin. Isa ito sa pinaka mahalagang bagay na makiisa kasama ang Kanyang Nobya sa buong mundo, na nakikinig sa Diyos na inihahayag ang Pitong Tatak.

Ano itong nagkakaisa tayo na pinakikinggan natin nang sama-sama lahat?

“Sa loob ng piramide na iyan, mayroong maputing Bato na hindi naisulat.” Iyan ang dahilan kung bakit kailangan kong tumungo sa kanluran, upang iugnay sa Mensahe ng mga Anghel na ito, upang bumalik dito upang ihayag Iyan sa iglesya.

Kinailangan niyang pumunta sa kanluran para umugnay sa 7 Anghel, para bumalik upang ihayag sa atin kung ano ang bagay na ’yun na hindi naisulat; pero ngayon, sa pamamagitan ng Kapahayagan, ay inihayag sa atin at ibinibigay sa atin ang Pananampalataya ukol sa Pag-agaw.

Napapakinggan na natin ang Mga Mensaheng ito nang buong buhay natin, pero ngayon ang mga ito’y nahahayag nang di katulad noon; ngayon ang araw mismo, ngayon ang panahon. Nakikita natin at napapakinggan kung ano ang bagay na Kanyang sinabi sa atin na mangyayari, kapwa sa mundo at sa Mensahe na ito, at ito’y nahahayag na sa ating mga mata mismo.

Ang ating ika-7 mensaherong anghel ba’y isa lang sa mga propeta gaya ng mga propeta noong lumang panahon? Hindi, siya’y tinawag sa mas mataas pang katungkulan kaysa sa lahat ng mga propeta bago siya. Dahil Ito’y ang Anak ng Tao na inihahayag ang Kanyang Sarili sa laman ng tao kagaya ng ginawa Niya 2000 taon ang nakararaan. Ang ating propeta’y tinawag para PANGUNAHAN ANG NOBYA patungo mismo sa ating bagong Tahanan, na pagkatapos ay kanyang ihaharap tayo sa Panginoon.

Sinabi niya sa atin na ang kanyang pagmiministeryo’y tumitipo sa buhay ni Moises nang ganap. Habang si Moises ay nasa kanyang paglalakbay na sinusundan ang Haliging Apoy, may mga kalalakihan na tumayo’t kinompronta siya. Ang mga kalalakihan na ito’y tinawag din palabas at nasa kanilang daan din patungo sa lupang pangako. Hinamon nila si Moises sa pagsasabi na masyado daw niyang iniaangat ang kanyang sarili; hindi lang naman daw siya ang banal na tinawag, sila rin daw ay mga banal at marapat din silang makapangaral.

Sinabi niya na sila’y mga banal na kalalakihan, at tunay naman na may bagay sila na gagawin, pero ang tinawag ng Diyos ay SIYA, SI MOISES, ISANG TAO, para pangunahan ang mga tao.

Sila’y may kani-kanilang puwesto. Sila’y pinahiran. Ginagawa nila ang bagay na katawagan nila’t pagkakaordena sa kanila na gawin na pagsasabi sa mga tao na, “makinig kay Moises”, pero naghangad sila na magsabi ng HIGIT PANG BAGAY, O IPALIWANAG ANG BAGAY NA SINASABI NI MOISES. Hindi sila nasasapatan na ituro lamang ang mga tao na makinig kay Moises. Ang nais nila’y pangunahan ang mga tao. Nais nilang gumawa ng higit pang bagay, o ibang bagay, kaysa sa kung ano ang inatas sa kanila na gawin.

Kung mayroon kayong pagdududa sa inyong isipan kung sino ang ating propeta, o kung ano ang pagkatawag sa kanya na gawin, inaanyayahan ko kayo na tumungo ng kanluran para tumanaw sa bulubundukin na ’yun na ang Diyos Mismo’y nagpamalas ng walang hanggang tanda sa lupa, sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng ating propeta, B-R-A-N-H-A-M, doon sa bundok na ’yun.

Kayo ang Nobya ni Jesus Cristo. Kanyang pinili at itinalaga na kayo noong una. Ang Kanyang Salita ay nabubuhay at nananahan sa inyo. Kayo ang nabubuhay na Salitang nagsalaman. Ipinagkaloob Niya sa inyo ang Kapahayagan ng Kanyang Salita. Walang kapangyarihan si Satanas sa inyo. Ang Pananampalataya na ’yun ukol sa Pag-agaw ay nabubuhay at nananahan sa inyo.

Pinangungunahan ng Espiritu Santo ang Kanyang Nobya sa pamamagitan ng Kanyang natatanging inilaang daan para sa panahon ngayon, ang Kanyang Salita mismo na binigkas ng Kanyang ika-7 anghel na propeta. Ang propeta na ’yun ay ang ating pastor.

Ipinangako sa atin ng ating pastor na anumang bagong teyp na mensahe’y manggagaling unang-una mula sa imbakang Kamalig, hanggang sa baguhin Ito ng Panginoon. Dahil doon nga gagawin ang nakaimbak na mga teyp.

Tinuruan din niya ang kanyang katulungang pastor na si Kapatid na Neville, at ngayon dahil sa Kanyang Biyaya, ay ako na, kung ano ang mga gagawin natin sa simbahan.

Idinadalangin ko na tulungan Mo ang aming mahal na pastor, si Kapatid na Neville. Gawin siya, Panginoon, na puspos ng biyaya at puspos ng kapangyarihan, at may kaunawaan, na kunin nawa niya ang naimbak na Pagkaing ito at pakainin ang mga cordero ng Diyos.

Ang mga teyp na ito ay para sa kanila na mga tinawag para pagpastulan ng propeta. Kung nais ninyong pakinggan ang GANITO ANG SABI NG PANGINOON, halikayo at pakinggan kasama namin nang Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, ang: Pagtayo Sa Siwang 63-0623M, habang pinakikinggan natin ang inimbak na Pagkain na inilaan para sa Nobya.

Sisimulan natin ang Mensahe sa talata bilang 27.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan

Mga Bilang 16: 3-4

22-0320 Ang Ikapitong Tatak

MENSAHE: 63-0324E Ang Ikapitong Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nobyang Matapat,

Gaya nang binuksan niya ang ikapitong tatak, nagkaroon ng katahimikan sa langit nang kalahating oras

  • Heto ang Pitong magkakasunod na Kulog, sunud-sunod: isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, sadyang ganap na bilang. Pitong Kulog na magkakasunod, na binigkas, hindi…sadya ngang—ngang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, na magkakasunod. Pagkatapos, hindi Yun maisusulat ng Kalangitan. Walang nalalaman ang Kalangitan tungkol Dito, wala mismo, dahil walang nagaganap na anuman. Panahon ‘yun ng pamamahinga, sadyang dakila ‘yun, na anupa’t, itinago Itong lihim mula sa mga Anghel.
  • At noong bigkasin ng pitong kulog ang kanilang mga tinig, akin sanang isusulat…May bagay na sinabi. Hindi lang ‘yun ingay. May bagay na sinabi. Kanya na sana itong isusulat.
    …at nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit na sinasabi sa akin,…
    Tumingin kung saan naroon ang mga tinig, haya’t sa mga Kulog. Hindi sa Langit; sa lupa! Ang mga Kulog ay hindi binigkas mula sa kalangitan. Ang mga ito’y binigkas mula sa lupa.
  • Bilang na pito, ang ganap na bilang ng Diyos. Pito mismo na sunud-sunod. Pitong mga kulog ang binigkas nang sunud-sunod na lakip-lakip, na nagmistulang may binabaybay silang isang bagay.

Ang mithi ng ating puso ay maging tunay na anak na lalaki o anak na babae ng Diyos; ang maging handa sa Kanyang parating na Pag-agaw. Kaya kinakailangan nating tanungin ang Panginoon: “Ano ba ang magbibigay sa Nobya ng Pananampalataya ukol sa Pag-agaw na kinakailangan nito”?

  • Naniniwala ako, na sa pamamagitan ng Pitong Kulog ay mahahayag sa huling mga araw upang paglakip-lakipin ang Nobya para sa pananampalataya ukol sa pag-agaw.
  • At Pitong Kulog, sa mismong kapahayagan dito ni Jesus Cristo, ito’y isang hiwaga. Hindi ba’t sinabi ng Biblia na Ito’y ang “kapahayagan ukol kay Jesus Cristo”? Bakit, mayroong natatagong hiwaga, kung ganoon, ukol Dito. Hum! Ano ba Ito? Naroon Ito sa Pitong Kulog na ito. Dahil, akma na sanang isusulat ni Juan, at may isang Tinig na bumaba mula sa Langit, ang nagsasabi, “Huwag mong isulat Ito. Kundi, tatakan Ito. Tatakan Ito. Ilagay Ito sa likuran ng bahagi ng Aklat.” Kinakailangan Itong mahayag, Ito’y ang hiwaga.

Ang Espiritu Santo ba, sa pamamagitan ng pagmiministeryo na ito, ay ihahayag sa Kanyang Nobya ang Kapahayagan ng Pitong Kulog na magkakaloob sa kanila ng pananampalataya ukol sa Pag-agaw.

  • Ngayon ang mensaherong ito ng Malakias 4 at Apocalipsis 10:7 ay may gagawing dalawang bagay. Una: Ayon sa Malakias 4 ay Kanyang ipananauli ang mga puso ng mga anak tungo sa mga magulang. Ikalawa: Kanyang ihahayag ang mga hiwaga ng pitong kulog sa Apocalipsis 10 na mga kapahayagang nakapaloob sa pitong tatak.
  • Ang Mga Tatak na ito’y nasa likurang bahagi ng Aklat. “At sa panahon na ang ikapitong anghel ay magpapatunog, lahat ng mga hiwaga na nasusulat sa Aklat ay matatapos.” At agad-agad ang Aklat, na bukas at nasusulatan sa loob, ay isinarado, “Ang mga hiwaga ng Diyos ay matatapos.” At ito ang mga hiwaga ng Diyos: ang pag-alis ng Iglesya, at lahat ng iba pang mga bagay. “Ang mga hiwaga’y tapos na.” Kapag ang ikapitong anghel ay patutunugin ang bawat hiwaga, ito’y tapos na. Ibunsod nga sa sinuman, ang anumang bagay na ito. Hindi mabibigo ang Salita ng Diyos.

GANITO LANG ITONG KASIMPLE:

Ang hiwaga sa pamamagitan ng Pitong Kulog ay magbibigay sa Nobya ng Pag-agaw sa Pananampalataya. TANGING ang Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang Ikapitong anghel na Mensahero, ay ihahayag ang PITONG KULOG sa Nobya.

Kung nais mong mahayag sa iyo ang Pitong Kulog, pagkalooban ka ng Pag-agaw sa Pananampalataya, wala nang ibang paraan para tanggapin ang kapahayagan na ‘yun kundi ang kunin Ito mula sa tanging pinatotohanan na Tinig para sa ating panahon; hindi mula sa akin, hindi mula sa inyong lokal na pastor, ebanghelista, o guro, kundi mula sa pastor para sa buong mundo, sa pamamagitan ng PAGPINDOT NG PLAY.

Halikayo, at pakinggan ang lahat ng mga hiwaga na mahayag; tanggapin n’yo ang Pananampalataya ukol sa Pag-agaw at punuin ang inyong Ilawan ng Langis, Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin ang Diyos na Kanyang inihahayag ang Sarili sa kasimplehan at ihahatid sa atin ang: Ang Ikapitong Tatak 63-0324E.

Bro Joseph Branham

Mga Kasulatan na kailangang basahin bago pakinggan ang Mensahe:

Deuteronomio 29:16-19

Unang Mga Hari 12:25-30

Ezekiel 48:1-7, 23-29

Mateo 24:31-32

Apocalipsis 7

Apocalipsis 8:1

Apocalipsis 10:1-7

Apocalipsis 14

22-0313 Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak

MENSAHE: 63-0324M Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nagpapahingang Nobya,

Ngayong araw na ito, binabasa ng mundo ang mga ulo ng mga balita ng kung anong nangyari sa mundo kahapon: Takot, Pagkataranta, mga Misayl, mga Bombang Nukleyar, Pagkawasak, mga Kasinungalingan, mga Pandaraya, mga Pulitika, Kamatayan.

Pero ang Nobya’y Pinipindot ang Play, at pinakikinggan ang Tinig ng Diyos na nangungusap sa Kanila at sinasabi: Puting mga Balabal, Pag-aaring Ganap, Predestinasyon, Stimulasyon, Kapahayagan, Katotohanan, Pag-agaw, Buhay na Walang Hanggan.

Huwag kayong matakot giliw, Ako’y kasama ninyo, bawat segundo ng araw-araw.Ito’y ang dakila Kong plano na sinasaysay Ko sa inyong lahat. Ngayon, masdan n’yo itong lahat na nalaladlad sa harap mismo ng inyong mga mata.

Sila: Ito ang pinaka masamang araw ng buhay namin; ang lahat ay maaaring magwakas bukas.

Tayo: Ito ang pinaka dakilang araw ng buhay namin; ang lahat ay maaaring magwakas bukas.

Ang Diyos ay may isang inilaang daan, ANG KANYANG SALITA. Ipinadala Niya ang Kanyang propetang anghel kalakip ang Kanyang Tinig para tawagin palabas ang Kanyang Nobya at pangunahan sila patungo sa kanilang Bagong Tahanan na Kanyang inihanda para sa kanila.

Kung ninanais n’yo ang siya ring kaginhawaan, kapayapaan, at kapanatagan ng loob na kamit namin; kung ninanais n’yo na pumaroon at mabuhay sa Tahanan na ’yun na Kanyang inihanda para sa Kanyang Nobya; halikayo at samahan kami sa Linggong ito nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, at pakinggan ang tanging inilaan ng Diyos na Daan para sa panahon na ito, at pakinggan ang Kanyang pinagtibay na Tinig na kukulog sa atin: Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak 63-0324M.

Kaunting pagsilip sa ulo ng mga paksa na mapapakinggan n’yo sa Linggo.

Ano ang maglalakip sa Nobya: Ang Salita.

Kanino dumarating ang Salita: Sa propeta.

Sino ang makalangit na tagapagpaliwanag ng Salita: Ang propeta.

Sino ang Tinig ng Diyos para sa inyo: Ang propeta.

Kaninong Salita tayo hahatulan: Sa Salita ng Diyos na ipinangusap sa pamamagitan ng: PROPETA.

Bro. Joseph Branham

22-0306 Ang Ikaanim na Tatak

MENSAHE: 63-0323 Ang Ikaanim na Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Mga Tupa ng Diyos,

Anong bagay pa ba ang hihigit, gaano pa ba tayo magiging higit na mapalad na mga tao, kaysa ang mapasa ating presensiya ang Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon?

Isipin n’yo lang ’yun. Ang presensya ng Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon ay nasa atin. Kanyang inihayag sa atin na TAYO’Y DUMATING NA. Nandito na tayo! Ang Kapahayagan na Kanyang ibinigay sa atin ay nanggagaling mismo sa Diyos. Yun ang Katotohanan. Tayo ang Kanyang piniling Nobyang Tupa.

Napapakinggan natin ang Kanyang mga liham ng pag-ibig linggo-linggo na sinasabi sa atin: “Aking minamahal na mga Tupa, Aking tinatawag na ang mga tupa. Hindi Ito mapagkikilala ng mga kambing, subalit mapagkikilala n’yo Ito. Kayo’y nanatiling tapat, sapagkat nakikilala Ako ng Aking mga tupa at sa iba ay hindi sila susunod. Kinakailangan na Aking pinatotohanang espirituwal na tandang Tinig LAMANG.”

Hindi kayo nakipaglaro o tumingin man sa iba; nanatili kayong tapat sa Aking Tinig. Kayo ang Mga Iyon na hinihintay Ko. Alam Ko na kayo’y nililibak at hindi nauunawaan, pero sinabi Ko sa inyo na Ako’y magbabalik para sa inyo kung kayo ay MANANATILI SA AKING SALITA, at nagawa n’yo. NGAYON AKO’Y PARATING NA PARA SA INYO gaya ng Aking ipinangako na gagawin Ko. Ang Salita na inyong iniinom ay parating para kunin kayo tungo sa Ating Bagong Tahanan.

Ang iba marahil ay walang kapahayagan na mayroon tayo at sinasabi na may tao tayong kinikilingan; o sumasamba sa tao at hindi sa ating Panginoon. Ganoon na lamang silang kabulag. Kung totoo ’yun, kung ganoon ang Nobya ni Cristo na nasa kabila ng tabing ng panahon ay mali rin pala.

Noong makita ng propeta ang Nobya na tumatakbo papalapit sa kanya at nagsasabi, “aming kalugud-lugod na kapatid”, kanilang niyakap siya at inilagay siya sa isang Mataas na Dako. Aba’t…ang NOBYA pala ni Cristo ay nagpapakita ng pagkiling sa propeta sa paglalagay sa kanya sa isang Mataas na Dako? Sinasabi n’yo ba na hindi dapat nila ginawa ’yun?

At pagkatapos din nun, lahat ng mga Nobya ay nakatayo roon suot ang kanilang puting balabal at biglang sumigaw, “Kung hindi ka humayo dala ang Ebanghelyo, wala sana kami rito.” Kung siya pala’y hindi humayo ay wala sana sila roon?

Pagkatapos may isang Tinig sa itaas na nagsabi na tayo ay hahatulan batay sa SALITA na ipinangaral sa atin, at pagkatapos ay kanyang ihaharap tayo sa Kanya.

Hindi sinabi ng Tinig na hahatulan tayo sa kung ano ang sinabi ng iba pa o kung ano ang paliwanag ng iba sa sinabi niya, bagkus ay sa kung anong sinabi niya. Pagkatapos kanyang ihaharap tayo sa Kanya.

Nais ko lamang kunin ang kalayaan at mangusap bilang kinatawan ng bahagi ng Nobya na kamit ang siya ring Kapahayagan na taglay ko, at sabihin ang nararamdaman namin. Kung tayo’y HAHATULAN, at ang ating WALANG HANGGANG DESTINASYON ay nakadepende sa Salita na ipinangusap ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang propeta, kung ganoon kinakailangan natin pakinggan LAMANG ang Salita na ’yun mula sa Tinig ng Diyos para sa panahon natin. Hindi tayo maaari, at hindi isasandig ang ating Walang Hanggang destinasyon sa kung ano ang paliwanag ng ibang tao, o sabihin ng ibang tao, bagkus ay sa kung ano ang SINABI NIYA. DAPAT LAMANG NATING PAKINGGAN ANG TINIG NG DIYOS, at si William Marrion Branham ang TANGING TINIG NG DIYOS…DIYOS MISMO ANG MAY SABI.

Kung nasaktan ko kayo sa pagsasabi n’yan, patawarin n’yo ako, pero, ramdam ko na kagagalitan ’yan, pero, ako ang Tinig ng Diyos para sa inyo.

Kaya masaya tayo at nagpapasalamat sa Diyos na ating ginagawa mismo kung ano ang ginagawa ng Nobya sa kabilang ibayo. Ang lahat ng Kaluwalhatian, Karangalan at Papuri ay mauwi sa ating ISA AT NAG-IISANG PANGINOONG JESUS CRISTO. Gaya ng sinasabi sa atin ng propeta ng Apocalipsis 22:9, sambahin mo ang Diyos…SINASAMBA NGA NATIN at iniibig Siya nang lubos.

Atrasado na ang panahon. Ang Mga Kasulatan ay sobrang bilis nang natutupad kaysa sa kaya nating basahin ang lahat ng nangyayari. Siya’y parating na para sa Kanyang Nobya dali-dali. Ang mundo’y naglalakip. Ang Nobya ay naglalakip. Ang kalagayan para sa katuparan ay nakahanda na para sa Pag-agaw.

Pinupuri natin ang Panginoon para sa mga kalalakihang tinawag-ng-Diyos na ipinapangaral ang Salita, pero mga ministro, ilagak n’yo ang Tinig na ’yun na kayo at ang inyong mga tao’y hahatulan unang-una. Tipunin n’yo ang inyong kaiglesyahan at pakinggan ang nag-iisang pinagtibay na Tinig ng Diyos na mangusap. Pindutin n’yo ang Play.

Iniimbitahan namin ang lahat na pumasok na sa Daong at maligtas kasama namin habang naglalakip tayo at pinakikinggan ang Tinig ng Diyos na ipinapangusap ang Mga Salita na sa pamamagitan nito ay tayo’y hahatulan, nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, at pakinggan ang Ang Ikaanim Na Tatak 63-0323.

Ito ang Pagkain ng Tupa para sa Mga Tupa ng Diyos. Walang idinagdag, walang inalis at walang ipinapaliwanag pa, sadyang puro at di-nahaluang PAGKAIN NG TUPA.

Bro. Joseph Branham

Exodo 10:21-23

Isaias 13:6-11

Daniel 12:1-3

Mateo 24:1-30

Mateo 27:45

Sn. Juan 10:27

Apocalipsis 6

Apocalipsis 11:3-6

22-0227 Ang Ikalimang Tatak

MENSAHE: 63-0322 Ang Ikalimang Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Isang Malaking Katawan ni Cristo,

Anong nagaganap ngayon? Ang Salita ng Diyos ay natutupad. Ang mga araw na matagal nang hinihintay ng Nobya ay nahahayag na ngayon sa harapan mismo ng mga mata natin. Ang mga paparating na araw na binabala ng propeta ng Diyos, ay narito na ngayon.

Isang Tatak ay nabuksan. Ano iyan? Isang hiwaga ay nahayag. Kita n’yo? At kapag ang isang hiwaga ay nahayag, kung magkagayo’y ang isang trumpeta ay tutunog. Ito ay magdedeklara ng digmaan. Ang isang salot ay babagsak, at isang kapanahunan ng iglesya ay nabuksan.

•        Rusya

•        Digmaan

•        Komunismo

•        Langis

•        Mga Salot

Kapag pupunta na roon ang Rusya para kunin ang langis na ’yun, magmatyag kayo.

Ang Rusya, komunismo, ay hindi makasasakop ng anuman. Hindi maaring magkakamali ang Salita ng Diyos. Ang Romanismo ang sasakop sa sanglibutan.

Pinipigilan ng Anghel ng  pagkawasak ang kamay ng Rusya, diyan sa mga bomba atomika; hanggang sa maglakip ang Iglesya nang sama-sama, at maging isang malaking Katawan ni Cristo. “Wala akong magagawang anuman hanggang sa dumating ka rito.” Oh, kung hindi ba’t isa ’yang pinagpalang katiyakan!

Ang Iglesya, ang Kanyang Nobya, ay lalakip na sama-sama mula sa palibot ng mundo bilang Isang Malaking Katawan ni Cristo, na nakikinig sa Diyos na nangungusap at inihahayag ang Kanyang Salita. Nakikita natin ang Salita na natutupad na sa mundo’t palibot natin, pero nakikita rin natin ang Salita na natutupad at nahahayag sa atin.

Tumatanggap tayo ng pagbabagong-sigla sa pamamagitan ng Kapahayagan na walang katulad dati habang ang mga propesiyang ito ay natutupad.

Ang mundo’y natataranta at natatakot. Sila’y nakaabang, nanonood at nababahala, ano kayang mangyayari kasunod? Ano kayang nakaabang sa kinabukasan? Ano kayang ibig sabihin ng lahat ng ito? Ang Rusya ba’y mananaig? Papaano na ang ekonomiya?

Samantala, ang Nobya’s PAYAPA. TAYO’Y MAY KAPAHINGAHAN, puspos ng Kanyang Espiritu Santo, nakikinig sa Kanya na nagsasalita sa pamamagitan ng Kanyang dakila’t malakas na anghel habang Kanyang sinasabi sa atin: Huwag kayong matakot sa anuman munti Kong kawan, kayo ang pinili Kong minamahal. Kayo:

Ang mga pinili bago itatag ang sanlibutan. Amen! At sila ay mga tapat sa Salita. Amen! Whew! Gusto ko ang isang iyan. “Tinawag na, pinili, bago itatag ang sanlibutan.” At pagkatapos, tapat sa Salita, sa kanilang pagpili, lahat ay pinasigla sa pamamagitan ng bagong alak at Langis, sadyang tumatakbo mismo sa tabi, bumababa upang salubungin siya. Alam nilang ang mga Kulog ang magpapaliwanag ng bagay para sa atin, malapit na malapit na.

Napagkikilala Niya na tayo’y tapat sa Kanyang Salita. Ginawa natin ito sa pamamagitan ng sarili nating pagpili. Ngayon tayo’y sadyang nakasakay mismo’t tumutugaygay, nalalaman na ibubunsod ng Mga Kulog ang bagay na ’yun sa atin malapit-lapit na, at Siya’y babalik at dadalhin tayo sa ating Bagong Tahanan.

Marami pa siyang ibig na malaman natin. May bagay na umaalab mismo sa kanyang puso na nais niyang sabihin sa atin. Hindi siya halos makapaghintay dahil alam niya na ito’y magbibigay sa atin ng Pagbabagong-sigla. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ipinahintulot Niya ang Kanyang propeta na makita tayo, na kanyang mga hirang, sa kabilang ibayo kasama siya. Ang sabi niya, “Noong makita ko kayo, lahat kayo’y nakadamit ng PUTING BALABAL.”

Tayo’y tinipon kasama siya. Ating binuhat siya at iniupo siya sa isang malaki’t mataas na bagay. Ang sabi natin sa kanya, “sa lupa, ikaw ang aming lider”.

Nasa ilang milyon tayo na tumatakbo papalapit sa kanya at niyayakap siya at tinatawag siyang “kapatid”. Bigla-bigla na lang may isang Tinig mula sa itaas na nangusap at nagsabi, “Ang mga taong ito’y ang iyong mga naakay na iyong inakay. Hahatulan ka sa bagay na sinabi mo sa kanila.”

Nagsalita ang propeta at nagsabi, “Kung ang grupo ni Pablo’y nakapasok, maging ang akin din, dahil ipinangaral ko nang eksakto ang siya ring Salita.” At lahat tayo’y sumigaw NANG SABAY-SABAY, NANG ISANG TINIG:

“Kami’y nakasandig Diyan!”

Purihin ang Pangalan ng Panginoon, tayo’y nakasandig sa bawat Salita na Kanyang binigkas sa pamamagitan ng Kanyang propeta. Tayo’y hahatulan sa pamamagitan ng Salita na ’yan. Tayo ang mga tagasunod ng propeta. Siya ang ating lider na nag-akay sa atin patungo kay Cristo. Lahat tayo’y nakasuot ng Puting mga Balabal. Hindi tayo nananangan sa anumang sabi-sabihin ng iba, o sa anumang bagay na sinasabing ganito-ganyan ito, tayo’y nakasandig mismo sa bawat Salita na kanyang sinabi.

Grabeng araw at panahon na kinabubuhayan natin, Nobya. Kung mapapakinggan n’yo ang mga balita ngayon, malalaman n’yo kung anong nangyari kahapon. Kung pipindutin n’yo ang Play, haya’t mapapakinggan n’yo kung anong mangyayari sa kinabukasan, at sa susunod na araw, at sa susunod, at sa susunod.

Tayo’y magsama-sama bilang Isang Malaking Katawan Ni Cristo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin: Ang Ikalimang Tatak 63-0322.  Wala nang ano kaya, wala nang aasa-asa, bagkus ay NALALAMAN n’yo mismo na kayo’y nakikinig sa purong GANITO ANG SABI NG PANGINOON mula sa Tinig ng Diyos para sa ating panahon.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na dapat basahin bago pakinggan ang Mensahe:

Daniel 9:20-27

Mga Gawa 15:13-14

Mga Taga-Roma 11:25-26

Apocalipsis 6:9-11 / 11:7-8 / 22:8-9

22-0220 Ang Ikaapat na Tatak

MENSAHE: 63-0321 Ang Ikaapat na Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Inistimulang Nobya,

Sa araw na ang Mensahe’y dumating, tayong lahat ay nagkakaisa, sa isang lugar, mula sa buong palibot ng mundo, nang bigla na lang may tunog mula sa Langit na gaya sa isang humahagibis na malakas na hangin. “Magandang umaga, mga kaibigan. Tumayo tayo para sa pansumandaling pananalangin.” Ang Espiritu Santo’y pinupuno ang lahat ng mga bahay natin at mga simbahan kung saan tayo nakaupo, sa Kanyang presensya.

Pagkatapos ang kapangyarihan ng Kapahayagan ng Salita ay nagsimulang magbigay sa atin ng istimulasyon sa kagalakan, istimulasyon sa kaluguran; ang istimulasyon na Ito’y pinagtibay, Ito’y pinatunayan, na tayo ang piniling kaibig-ibig na Nobya ni Jesus Cristo.

Tayo’y naghihintay nang may higit na pananabik para sa Pitong Kulog na bigkasin ang Kanilang mga tinig sa atin, dahil nalalaman natin ngayon, nang walang anino ng pag-aalinlangan, na tayo ang grupo na ’yun na pinanghawakan ang Salita ng Diyos. Tayo’y hihiwa at tatagpas sa pamamagitan Nito. Magagawa nating isara ang kalangitan, magagawa nating ipinid ito, o gawin ’yun, anuman ang nais natin. Ang kaaway ay mapapaslang sa pamamagitan ng Salita na nanggagaling mula sa ating bibig, dahil Ito ay mas matalas kaysa sa isang tabak na may dalawang talim. Maaari nga tayong tumawag nang sandaang bilyong tonelada ng mga langaw kung naisin natin. Anuman ang SABIHIN NATIN, ito’y mangyayari, dahil Ito ang Salita ng Diyos na nanggagaling sa bibig ng Diyos.

Magkakaroon tayo ng kumpleto’t, kataas-taasang pagkontrol sa lupa, dahil tayo’y maliit na diyos. Ang Diyos ang Diyos ng kalawakan, lahat ng dako, pero ang lupa’y mapapasa ating kontrol. Magagawa nating magsalita, magagawa nating magpangalan, magagawa nating magwika, magagawa nating pahintuin ang kalikasan, magagawa natin ang anumang nais natin; ito’y ang ating pamana na pinanauli.

Sasabihin ni Satnas, “Pero sila’y may sala!” Pero Siya’y sisigaw at magsasabi, “SILA’Y HINDI. Kanila nang ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at nakatayo sa harapan Ko na ganap na inaring ganap. Hindi Ko na ito maaalala pa. Sila’y lubos Ko mismong anak.”

Hindi ’yan sarili nating ideya, ni hindi ito ating sariling salita, bagkus ito’y ang KANYANG SALITA, KANYANG PANGAKO, dahil ang Diyos ay hindi nagbabago ng Kanyang plano ni ng Kanyang pamamaraan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Gumagamit Siya sa tuwina ng tao, at sinasabi Niya sa atin na tayo’y ang Kanyang lubos na pinanauli’t nahayag na Nobya na nananatili mismo sa Kanyang Salita.

Hindi tayo kailanman nakisama sa kung anong iba kundi sa Kanyang Orihinal na Salita lamang. Hindi tayo kailanman nakipagsapalaran, ni tumingin man lang sa kung anong iba, bagkus tayo’y nanatili sa Tinig ng Diyos, ang Nagsalamang Salita na naging laman, ang pinatototohanang Haliging Apoy, ang Anak ng Tao, ang Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Tayo ang Kanyang birheng Nobyang Salita.

Yamang binabanggit ang pagi-istimula sa pamamagitan ng Kapahayagan. Gaya ng ating kapatid na babae noon sa may Balon, hindi natin kailangang maghintay nang buong gabi o maghintay hanggang sa susunod na gabi, kamit na natin Ito mismo ngayon. Tayo’y Kanyang binhi. Ang Liwanag na ’yun ay suminag sa atin at may kung anong bagay sa kaibuturan na sumibol patungo sa isang bagong Buhay. Ngayon tayo’y nasa daan na na ipinapamalita sa lahat, “Nakamit na namin. Lahat ng haka-haka ay tapos na, ang Diyos na Mismo ang nagsasalita sa amin sa bawat Mensahe na naririnig namin, na sinasabi sa amin: ‘Kayo ang mga yaon na hinihintay Ko. Ngayon Aking dadalhin kayo sa Ating honeymoon. Aking ginawan kayo ng isang magandang Tahanan sa kung papaano n’yo kaluluguran itong lahat. Tayo’y gugugol nang walang hanggang na magkasama.”

Para sa atin, ang Katotohanan ng ipinangakong Salita ng Diyos ay pinatototohanan na’t nahayag na. Juan 14:12, Joel 2:28, Ikawalang Timoteo 3, Malakias 4, Apocalipsis 10. Tayo’y napupuno ngayon ng Langis at naiistimula.

Nais n’yo ba ng siya ring Istimulasyon na ito? Makakamit n’yo, pero may nag-iisang dako lamang na makakamit n’yo Ito. Kagaya noong si Jesus ay nasa kasalan noon at naubusan ang mga tao roon ng alak. Sila’y tunay na umiinom ng alak at binibigyan sila nun ng istimulasyon, pero ang PINAKAMAINAM NA ALAK ay nanggagaling direkta mula kay Jesus Mismo.

Halikayo at uminom ng Pinakamainam na Alak at tanggapin ang pinakamainam na Istimulasyon ng Kapahayagan kasama kami sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin ang: Ang Ikaapat Na Tatak 63-0321.

Maging handa mismo na malasing sa Espiritu Santong Alak.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na dapat basahin bilang preparasyon para sa pakikinig sa pangangaral na “Ikaapat Na Tatak” 63-0321.

Sn. Mateo 4

Sn. Lucas 24:49

Sn. Juan 6:63

Mga Gawa 2:38

Apocalipsis 2:18-23, 6:7-8, 10:1-7, 12:13, 13:1-14, 16:12-16, 19:15-17

Genesis 1:1

Mga Awit 16:8-11

II Samuel 6:14

Jeremias 32

Joel 2:28

Amos 3:7

Malakias 4

22-0213 Ang Ikatlong Tatak

MENSAHE: 63-0320 Ang Ikatlong Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Birheng Nobya,

Nitong nakaraan ay nananalangin ako at hinihiling sa Panginoon kung anong ipasusulat Niya sa akin at ipasasabi na sa kung anong paraan ay magiging isang pagpapala at isang pampatibay ng loob sa inyo, na Kanyang Nobya. Wala akong masabi, at hindi ako alam ang aking sasabihin. Pakiramdam ko’y hindi ako karapat-dapat na isulat man ang kaunting mga salitang ito na isinusulat ko, pero isang napakadakilang karangalan sa buhay ko ang gumawa ng anuman para sa Kanya.

Naniniwala ako na ang tiyempo ng pakikinig sa Pitong Tatak ay ganap na ganap. Nakikita natin ang dakilang plano ng Diyos na nahahayag at nalalantad sa harapan natin. Mensahe’t Mensahe’y nagiging dakilang Kapahayagan at Kapahayagan. Nakikita natin Siya na inihahayag ang Kanyang Sarili sa atin at pinangungunahan tayo. Batid natin na ginagawa natin nang eksakto ang bagay na ibinilin Niya sa atin na gawin, “ang manatili sa Salita.” Walang ibang mas hahalaga pang paraan para gawin ito kundi Pindutin ang Play.

Nararamdaman ko na ang pagtawag na inilagay Niya sa aking puso ay ang ingatan ang Mensaheng ito, ang Kanyang tinig, ang mga teyp na ito sa harapan n’yo sa tuwina; upang ipaliwanag sa inyo ang kahalagahan ng pakikinig sa mga teyp. Alam ko na hindi ko ito maiparating nang maigi, pero ALAM KO ako’y tama sa pagsasabi sa inyo na “Pindutin ang Play,” dahil hindi ko ito sariling mga hinuha, sariling ideya, ni hindi ko rin sariling mga salita, kundi ang Mga Salita ng Diyos Mismo na nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang ika-7 mensaherong anghel, na sinasabi sa atin:

Minsan kapag tayo ay nagbasa lamang, at, ngayon, maging napakaingat. At kapag kayo ay nagbasa, kunin ang mga teyp, makinig sa kanila ng talagang mabuti. Sapagka’t, makukuha n’yo iyan sa teyp, sapagka’t lagi nilang pinaririnig muli ang mga teyp na iyan, at sila ay talagang mabuti at malinaw. Kaya, makukuha n’yo iyan ng mas malinaw roon.

Gaya ng sinasabi ko na nang maraming beses noon, hindi ako kontra sa pagmiministeryo o anumang bagay na inilagay ng Diyos sa Kanyang Iglesya. Sasaliwa ’yan sa Salita ng Diyos kung ganoon. Naniniwala ako na sila’y pinahiran at tinawag ng Diyos. Pero ako’y naniniwala na ang pakikinig at ang paglalagay ng mismong Tinig ng Diyos sa harap ng kanyang mga tao ang pinakamahalagang bagay mismo na magagawa ng sinumang tao na tinawag ng Diyos.

Hindi sapat na sasabihin lang, “Sinasabi ko sa kongregasyon ko na i-play ang mga teyp.” Kung ikaw ay nananampalataya:

•        Wala nang hihigit na pahid kaysa sa pakikinig ng Tinig ng Diyos sa teyp.

•        Lahat ng Kapahayagan ay kinakailangan na manggaling sa Tinig na ’yun.

•        Ang Pag-agaw sa pananampalataya na kailangan natin ay manggagaling sa kung ano ang sinasabi ng Tinig na ‘yun.

Papaanong hindi nanaisin ng sinumang ministro ang makinig sa Tinig na ’yun, kasama ang kanyang iglesya, at magsasabi ng AMEN SA BAWAT SALITA?

Ang bawat isa’y dapat may bagay na sa pakiramdam nila’t sa paniwala nila’y ang PINAKAMAHALAGANG bagay na magagawa nila para maging Nobya ni Cristo. May bagay nga na kinakailangan na PINAKAMAHALAGA sa Diyos at Kanyang sakdal na Kalooban. Yun ba ang pagmiministeryo ng inyong pastor? An pakikinig sa ibang mga ministro? Hindi natin sinasabi na mali ’yan, hindi nga, at ’yan ay ganap na mainam batay sa Salita, pero naniniwala ba kayo na ANG PINAKAMAHALAGANG bagay ay ang pakikinig sa pinagtibay na Tinig ng Diyos sa teyp?

Kung ’yan ang pinaniniwalaan n’yo na PINAKAMAHALAGANG bagay na magagawa n’yo, kung ganoon bakit hindi nais ng ministeryo na mag-play at makinig sa PINAKAMAHALAGANG GANAP NA MENSAHE kasama ang kanilang mga kongregasyon?

Tanungin n’yo ang inyong sarili, o ang inyong pastor ng tanong na ito: Naniniwala ba kayo na ang sipi na ito’y totoo, o ito’y isang mali lamang at nagkamali lang ng pagkakaintindi si Kapatid na Branham, o nagtatangka siyang iyabang ang sarili niya?

Kita n’yo, tamang-tama kung anong magaganap ngayon! At, sa iglesya, ano Iyan? Ang nagkatawang-taong Salita na naging laman sa kalagitnaaan ng Kaniyang bayan muli! Kita n’yo? At ayaw nilang sadyang paniwalaan Ito.

Kung naniniwala kayo na ang sipi na ito’y totoo, at sa inyo ay TINIG NG DIYOS ito, ang Salita na nagsalaman, kung ganoon papaanong hindi makikita ng sinuman na WALA NANG MAS HAHALAGA PA sa pakikinig sa Tinig na ’yun.

Gumising kayo natutulog na birhen, alinman kayo sa kamit n’yo ang Kapahayagan na ito o kayo’y gaya sa sinabi niya: “sadyang ayaw paniwalaan Ito.”

Gaya ng sinabi sa atin ng propeta, tayo ang bagong Aklat ng Mga Gawa, ang bagong Sanga na ’yun, ang Kanyang mga Hinirang. Kaya tuloy, marami sa atin ang sa tingin nila’y pinangungunahan tayo ng Espiritu Santo ngayon bilang mga indibiduwal o pinangungunahan tayo sa pamamagitan ng pagmiministeryo, hindi sa pamamagitan ng Kanyang propeta.

May lubos na katotohanan dito, PERO itinama rin ito ng propeta, at inihayag sa atin ang katotohanan.

May kumausap sa akin dito hindi pa katagalan. Sabi, “Pero Kapatid na Branham…” [Napalunok si Kapatid na Branham—Pat.] Pasensya na po. Sabi, “Haya’t hindi na noong dumating na ang Espiritu Santo, wala nang Mga Anghel ang nangunguna sa iglesya, o nangunguna sa mga indibiduwal. Wala, na.” Sabi, “Ang Espiritu Santo na ang nangunguna sa atin.”

Isa ’yang maling pagkakaintindi sa pagitan ng Anghel at ng Espiritu Santo. MALI PO YAN, patuloy pa rin na pinangungunahan ng Mga Anghel ang Iglesya, at hanggang ngayon ay pinangungunahan pa rin ang Iglesya. Tama.

Pinangungunahan at pinapatnubayan ng Kanyang anghel ang Kanyang Iglesya. Lahat tayo’y may kanya-kanyang lugar at katawagan, pero ang anghel lang ang tanging mangunguna sa Nobya.

Pakinggan n’yo kung anong sinabi ng propeta ng Diyos tungkol sa lahat ng mga pagmiministeryo kumpara sa PAGTAWAG SA KANYA NA GAWIN ng Diyos,

Tulad na lamang ng isang tao na isang—isang teleponista, hindi siya eksaktong isang elektrisista. Maaari siyang makagawa ng kaunting trabaho niyan. At tulad, kung ang isang tao ay isang laynman, buweno, siya tiyak…Isang tao ay isang tagahukay ng butas ng poste, at hindi kailanman gumagawa ng anumang trabahong panglinya, mas makabubuting lumayo siya sa linya; ngunit maari siyang gumawa ng ilang gawain niyan o ilang bagay.

Ngunit kapag ang tunay na Bagay ay dapat nang ihayag sa huling araw, sa huling bahagi ng Iglesya, ay kapag sinabi ng Diyos na isusugo Niya sa atin, ayon sa mga Kasulatan. At sinaliksik natin iyan nang paulit-ulit at paulit-ulit, na inihula Niya na ang Espiritu ni Elias ay magbabalik sa ibang tao.

Kapag may kung sino na susubukang makipagtalo at sasabihin sa inyo, “may mas hahalaga pa sa pakikinig lamang ng mga teyp. Hindi naman sinabi ni Kapatid na Branham na mag-play ng mga teyp sa simbahan. Kinakailangan ng pagmiministeryo pa rin para pasakdalin ang Nobya;” o anumang bagay na maaaring sabihin sa inyo ng kung sino, na susubukan at pagdududahin kayo, at kesyo ang pakikinig sa pinagtibay na Tinig ng Diyos na nasa mga teyp sa loob ng inyong simbahan ay mali…

Tulad na lamang ng ilang taong nagsimulang, nagpipilit na makipagtalo sa inyo; kung alam n’yo kung saan tatayo, alamin kung ano ang pinaniniwalaan niya.

Kung sinasabi nila na naniniwala silang, “Ang Mensahe ay ang Salita. Si William Marrion Branham ang Ikapitong mensaherong anghel ng Diyos. Ang Mensaheng ito ang kanilang Batayang Ganap. Itong Mensaheng ito ang paghahayag ng Anak ng Tao sa sarili niya sa laman gaya ng Kanyang ipinangako na Kanyang gagawin…”

Ito’y tulad lamang ng pagkuha ng isang koneho at pakakawalan siya sa isang kulungan, at tinakpan mo ang lahat ng butas. Basta tumayo sa may tarangkahan; kailangan niyang bumalik. Iyan lang lahat ang mayroon doon. Kita n’yo? Kailangan niyang bumalik mismo sa may tarangkahan muli, pagka’t iyan lang ang tanging paraan na siya’y makalalabas. Ilalabas niya ang ulo niya rito, at halos mabali ang leeg niya; at pumunta sa banda roon, banda roon. Tumayo lamang at panuurin siya, at siya’y darating mismo pabalik. Kita n’yo? Iyan lang lahat.

Manatili kayo sa Katuruan na nasa Teyp. Sabihin n’yo lamang ang sinasabi ng mga teyp. Huwag n’yong iibahin ang isa mang Salita. Huwag kayong magdadagdag, o mag-aalis ng isang Salita. Ito’y Tinig ng Diyos para sa inyo. Ito ang Nagkatawang-taong Salita na nagsalaman. Ito ang Mga Salita na hindi nagkakamali. Siya ang inyong pastor. Ang Kanyang anghel ang nangunguna mismo sa inyo. Ito’y Ganito Ang Sabi ng Panginoon.

Habang kayo ay naroon sa Salitang iyan, kayo ay ligtas.

Halikayo at pag-igihin ang inyong mga ilawan at punuin ito ng Langis sa Linggong ito nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang padadagundungin at hihimayin ng piniling anghel ng Diyos ang Ang Ikatlong Tatak 63-0320, at ihahayag Ito sa Kanyang Nobya.

Bro. Joseph Branham.

Mga Kasulatan na kailangang basahin bilang paghahanda sa pakikinig ng pangangaral, “Ang Ikatlong Tatak.”

Mga Kasulatan:

Sn. Mateo 25:3-4

Sn. Juan 1:1, 1:14, 14:12, 17:17

Mga Gawa ika-2 Kabanata

I Timoteo 3:16

Mga Hebreo 4:12, 13:8

I Juan 5:7

Levitico 8:12

Jeremias ika-32 Kabanata

Joel 2:28

Zacarias 4:12

22-0206 Ang Ikalawang Tatak

MENSAHE: 63-0319 Ang Ikalawang Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Bagong Sanga,

Nangyari na; ang bagay na lahat ng mga banal na nauna sa atin ay hinihintay. Ang Orihinal na Puno ay nag-usbong na ng isang bagong sanga. Tayo’y dumating na. Tayo ang Bagong Sanga. Ang Espiritu Santo’y bumaba, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa atin. Ang Orihinal, na apostolikong, Pentecostal na Pananampalataya ay napanauli na sa pamamagitan ng ika-7 anghel. Ngayon, ang Kanyang propeta’y nagbabahay-bahay, nagpuputol ng tinapay kasalo tayo. May dakilang mga tanda, mga kababalaghan, at Kapahayagan sa ibabaw ng Kapahayagan na ibinubuhos sa atin.

Pinapanatili natin ang ating mga ilawan na pinag-igi’t puno ng Langis. Tayo’y nananatili sa Orihinal na Salita, gaya ng binilin Niya sa atin na gawin. Ang iba’y nagnanais marahil ng Iglesya, pero ang ATING NAIS AY WALA NANG IBA KUNDI ANG ORIHINAL NA TINIG NG DIYOS.

Ngayon, isipin lamang iyan ngayon. Tayo’y sadyang— sadyang magsumikap na patagusin kung ano ang pinaniniwalaan natin na ipaaalam sa atin ng Espiritu Santo. Ngayon tandaan, “Walang bagay na ihahayag; ang Diyos ay walang gagawin, at lahat na, hanggang ang una ay Kaniyang ihahayag iyan sa Kaniyang mga lingkod, na mga propeta.” At bago Siya gumawa ng anumang bagay, inihahayag Niya ito.

Walang maihahayag sa Nobya; sa pamamagitan muna ng Kanyang propeta. Kung mayroong anumang hiwaga ang kailangang mahayag, anumang bagong kapahayagan, anumang kailangan natin para maging Kanyang Nobya at makasama sa pag-agaw, kinakailangan na dumating unang-una Ito sa propeta at pagkatapos KANYANG ihahayag Ito sa atin, na Kanyang Nobya.

Ihayag ang ano? Ang Hiwaga ng Pitong Kulog. Anong ibig sabihin nun? Isa lang ang ibig sabihin nito sa dalawang bagay. Ito’y alinman na nasa teyp na at mahahayag kapag panahon na para mahayag sa atin,

Ngunit naiisip kong, kapag ang mga hiwagang yaon ay dumating, sinabi ng Diyos, “Hawakan mo Iyon ngayon. Maghintay sandali. Ihahayag ko Iyon sa araw na iyon. Huwag mong isulat Iyon, huwag na, Juan, sapagka’t sila ay mahihirapan Doon. Hayaan—hayaan mo lamang iyon, kita n’yo. Datapuwa’t ihahayag Ko Iyon sa araw na yaon kapag kailangan nang gawin iyon.”

O, kapag ipapadala Niya ang Kanyang propeta pabalik sa lupa para ipakilala tayo sa Kanya, pagkatapos nga’y ihahayag ng Kanyang propeta sa atin ang hiwaga ng Pitong Kulog.

At pagkatapos ay mayroong darating na pitong mahiwagang Kulog na hindi man lamang naisulat sa anumang paraan. Iya’y tama. At ako ay naniniwala na, sa pamamagitan niyaong Pitong Kulog, ay mahahayag sa mga huling araw upang sama-sama tipunin ang Nobya para makapag-agaw na sa pananampalataya. Sapagka’t, kung ano ang mayroon tayo ngayon, atin—hindi natin makakayang gawin ito. Mayroong ilang bagay. Kailangan nating humakbang pa ng mas malayo.

Hindi ’yun isang grupo ng mga kalalakihan na naghahayag ng hiwaga na ’yun, ang Kanyang ika-7 mensaherong anghel ito, si William Marrion Branham. Hindi dahil sa sinabi “ko” na ganoon nga; ito’y dahil ANG SALITA MISMO ANG NAGSASABI!!

 “Kinuha ang Aklat at, ang mga Tatak, at binuksan yaon,” at ipinakita sa ikapitong anghel; dahil dito, ang mga hiwaga ng Diyos, ay ang ministeryo ng ikapitong anghel.

Sinasabi mismo rito. Ang mga hiwaga ng Diyos ay ang ministeryo ng wala nang iba kundi ng ikapitong anghel. Ang Pitong Kulog ang maglalakip sa Nobya at magbibigay sa atin ng pag-agaw sa pananampalataya.

Kung ang Mga Kulog ang maglalakip sa Nobya, at ang hiwaga ng Mga Kulog ay kailangan manggaling mula sa ika-7 anghel, kung ganoon wala nang mas hahalaga pa sa Nobya na gagawin kundi ang PINDUTIN ANG PLAY. Yan ang maglalakip sa Nobya para sa Pag-agaw.

Manatili kayo sa Orihinal na Salita sa teyp. PINDUTIN ANG PLAY.

At ang mga teyp ay maghahayag ng higit hinggil Dito, habang kayo’y nag-aaral.

Purihin ang Pangalan ng Panginoon! Luwalhatiin ang Diyos! Gustung-gusto natin ang kalugud-lugod na pakiramdam na ’yun na nakukuha natin sa pakikinig sa Tinig ng Diyos na nagsasalita sa atin sa mga teyp. Nararamdaman mismo natin ang Espiritu Santo na pumupuspos sa buong paligid natin habang lumalakad tayo sa palibot kalakip Ito. Ating inuuwi Ito kasama natin. Hawak-hawak natin Ito sa ating unan.

Inaanyayahan namin kayo na makinig kasama namin sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang ang Espiritu Santo’y dumarating nang dagli sa ating mga tahanan at inihahayag sa atin ang lahat ng pangangailangan natin, habang pinakikinggan natin ang: Ang Ikalawang Tatak 63-0319.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na kailangan basahin bago pakinggan ang Mensahe:

Sn. Mateo 4:8 / 11:25-26 / 24:6

Sn. Marcos 16:16

Sn. Juan 14:12

2 Mga Taga-Tesalonica 2:3

Mga Hebreo 4:12

Apocalipsis 2:6 / 6:3-4 / ika-17 Kabanata / 19:11-16

Joel 2:25

Amos 3:6-7

22-0130 Ang Unang Tatak

Mensahe: 63-0318 Ang Unang Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Reyna ng Langit,

Ako, na iyong Hari, ay Pakukulugin Ko sa INYO sa Linggo at sasabihin sa INYO, na KAYO ang Aking Nobya. KAYO ay Aking itinalaga na noong una. KAYO ay Aking tinubos. KAYO ay Aking inaring ganap at inilagay ang inyong mga pangalan sa Aking Aklat ng Buhay ng Cordero bago pa itatag ang sanlibutan. KAYO ang Aking minamahal na Reyna.

KAYO ay matagal Ko nang hinihintay para Aking maipanumbalik muli ang lahat na nawaglit ng Aking unang Adan. Lahat ng kanyang mana na kanyang nawaglit. Lahat ng pakikiisa at karapatan niya sa Buhay. Pinagkalooban Ko siya ng ganap, na sukdulang pamamahala sa lupa. Siya ay isang diyos sa lupa kung papaano na Ako’y Diyos ng kalawakan.

Ang lupang ito’y nasa ilalim ng kanyang pamamahala. Magagawa niyang magsalita, magagawa niyang pangalanan, magagawa niyang pigilan ang kalikasan, magagawa niya ang anuman na nais niya. Pero nawaglit niya ang lahat ng Ito.

Ngayon, gaya ng Aking ipinangako sa INYO sa Aking Salita, Aking pinanumbalik muli ang lahat ng kanyang nawaglit pabalik sa INYO. Ito’y natubos na. Lahat ng legal na pagmamay-ari na lahat na nawaglit ni Adan noon ay sa INYO na ngayon. Ang legal na pagmamay-ari ng abstract title deed na iyon ng Buhay na Walang Hanggan, na ang ibig sabihin ay pagmamay-ari NINYO na ngayon ang lahat ng nawaglit ni Adan.

Ako’y naging inyong Kamag-anak na Manunubos. Aking inaangkin ang Akin. Kinuha Ko ang aklat ng katubusan mula sa Kamay ng Aking Ama, tinanggal ang mga selyo mula sa aklat at ipinadala ito pababa sa Aking ikapitong mensaherong anghel para ito’y ihayag sa INYO. Kanyang ipapanumbalik muli sa INYO ang orihinal na Pananampalatayang Biblia at kanyang ihahayag sa INYO ang lahat ng Aking mga lihim.

Aking pinatunayan at pinagtibay ang mga ito sa inyo sa pamamagitan ng Aking unang lubos na pinanauling Adan; ang Aking ikapitong mensaherong anghel. Nagawa niyang makapagsalita at lumikha ng mga squirrel, makapagpanumbalik ng buhay sa isang isda, kontrolin ang kapaligiran at paurungin ang mga unos sa kung saan nanggaling ang mga ito. Nagawa niyang makapagbigkas at ibangon ang patay. Akin nga ring pinahintulutan na ang AKING litrato’y makuhanan kasama siya para ipakita sa mundo, na ito ang AKING unang pinanumbalik na muling Adan, siya’y pakinggan n’yo. Ngayon KAYO, na Aking Reyna, ay pagmamay-ari na ang lahat ng nawaglit ni Adan.

Tandaan n’yo, ang Aking ikapitong mensaherong anghel ay mapapasa lupa sa panahon ng Aking Pagdating. Kanyang ipakikilala KAYO sa Akin. Ang huling pakakak na ’yun ay tutunog at ang mga patay kay Cristo’y babangon. Sila na mga buhay at nangatitira ay kukunin paitaas kasama sila, para salubungin Ako sa alapaap kasabay ng paglalahad ng Aking ikapitong anghel ng kanyang Mensahe. Ang huling Selyo’y bukas na. Ang huling pakakak ay patutunugin; Ako ay darating para angkinin na ang Aking mga pagmamay-ari, KAYO, at pagkatapos KAYO ay Aking dadalhin sa ATING Panghapon na Kasal.

Aking minamahal na Reyna, halikayo para pakinggan Ako na magsalita sa INYO at ihayag sa INYO ang lahat ng kailangan ninyo. Aking inimbak na ang Pagkain na ito para sa INYO para KAYO’Y maging Aking Reyna. Ako’y mangungusap sa INYO nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, kung saan Aking Pakukulugin sa INYO ang Ang Unang Tatak 63-0318.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na dapat basahin bilang preparasyon para sa pakikinig sa Mensahe:

Sn. Mateo 10:1 / 11:1-14 / 24:6 / 28:19

Sn. Juan 12:23-28

Mga Gawa 2:38

2 Mga Taga-Tesalonica 2:3-12

Mga Hebreo 4:12

Apocalipsis 6:1-2 / 10:1-7 / 12: 7-9/ 13:16 / 19:11-16

Malakias ika-3 at ika-4 na mga Kabanata

Daniel 8:23-25 / 11:21 / 9:25-27