Mga Kategoryang Archives: Uncategorized

22-0807 Ang Kakatwang Tao

MENSAHE: 64-0614E Ang Kakatwang Tao

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Shekinah ng Kaluwalhatian Nobya

Kung paano ang ating mga puso at kaluluwa napataas sa bagong taas habang tayo ay nagtitipon mula sa iba’t ibang panig ng mundo , nakikinig sa Tinig ng Dios na nagsasalita sa pamamagitan ng kanyang Mensahero at muling tiniyak sa atin kung sino tayo.

Binalot niya ang kanyang sarili ngayon, sa mga sisidlang lupa na may Shekinah . Ang labas parang isang grupo ng mga holy roller, mga lumang balat ng badger, ngunit ang loob ay nagtatago ng Shekinah ng Kaluwalhatian.

Kaluwalhatian sa Dios ! sa loob natin nagtatago ang Shekinah ng Kaluwalhatian. Nakapunta na kami sa likod ng belo at kitang- kita namin si Cristo sa malinaw na pagtingin.


Ngayon ang Dios ay hindi kumikilos sa isang tao , kumikilos sya sa pamamagitan ng tao. Siya ay kumikilos sa isang tao noon ,si Jesus.
Ngayon, siya ay kumikilos sa pamamagitan ng tao,ang kanyang pinili para sa kanyang layunin. Dios sa anyo ng tao; binago niya ang kanyang sarili mula sa anyo ng Dios ,sa anyo ng tao.

Ang Dios mismo ay nagpakita sa anyo ng tao ,sa likas na binhi ni Abraham bago ang pagkawasak at sinabi ni Jesus na ito ay magiging parehong bagay sa Maharlikang Binhi bago bumalik ang ipinangakong Anak.

Ang Dios ay muling nagpakita sa anyo ng isang tao, Gaya ng kanyang ipinangako . Ito ay Dios na nakatago sa likod ng tabing ng laman na pinangalanan William Marrion Branham. Maliban kung pumunta ka sa likod ng tabing na iyon at makita mo ang Dios, at hindi ang tao , at nalampasan mo ang buong programa ng Dios.

Sabi ng ilang tao ” Ginawa ninyong diyos si kapatid Branham ” well sa tingin namin ayos lang ang ganoong uri. Alam namin na sinusubukan lang nila tayong punahin. Alam namin na hindi namin gagawin iyon. Ngunit alam din natin na hindi nila ito naiintindihan , dahil sila nasa kabilang panig ng balat , hindi sila nakapunta sa likod ng tabing.

Malinaw natin masasabi ,well hindi naman madyadong malayo iyon sa Salita ng Dios. “Di ba?” Gusto lang natin ipaalam sa kanila na hindi tayo naliligaw. Alam natin kung saan tayo nakatayo. Alam namin kung anong uri ng hangin humihip sa atin. Alam namin kung ano ang aming mga threads at ano ang nut. At alam namin kung paano kami nakatayo .

Nang ang Dios ay nahayag sa mundo , Siya ay nakatago sa likod ng isang tabing ,sa likod ng balat ng isang tao na tinatawag na Jesus. Siya naka talukbong at nagtago sa likod ng balat ng isang tao na tinatawag na moses at sila ay mga dios ,hindi mga Dios; ngunit sila ay Dios , ang nag iisang Dios , binago lamang ang kanyang maskara ginawang parehong bagay sa bawat pagkakataon ,dinadala ang Salita na ito.

Tayo ay sinulid sa Salita, ang Mensahe at ang propeta sa oras na ito at hinila tayo nito at dinala tayo sa ating makalangit na Tahanan.
Tayo ay mga sira-ulo sa sanglibutan ,ngunit ang Dios nagpadala sa atin ng isang baliw na nahumila sa atin ang kanyang Nobya mula sa kaguluhang ito. Patungo sa presensya ng Dios.

Kami ay mga baliw na sinulid na Salita. Dios na may balat nito, maaring parang baliw sa mundo, ngunit dinadala nito ang lahat ng tao sa Kanya.

Ang Mensaheng ito ay ang manna ma nagmula sa langit. Ang pagkain ng mga mananampalataya na para lamang sa atin. At ito ay naglalapit sa kanyang Nobya sa kanya. Ang Shekinah ng Kaluwalhatian sa ibabaw ng tinapay na pangtanghal ,ay pipigil dito mula sa pagkasira.

Naglaan ang Dios ng paraan para sa araw na ito . Ang Mensaheng
ito at ang Mensahero. Ang Dios natatabunan ng balat, Ngayon ang Dios ay nagtatago sa atin , ang kanyang Nobya. Ang maka kakain lamang sa dalisay na Tinig ng Dios na pinagtibay ng Haligi ng Apoy.

Hindi tayo laban sa limang ministeryo , huwag sana , tinawag sila ng Dios upang maglingkod.
Sinusunud at ginagawa nila , kung paano sila pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Ginagawa lang natin. Pagkatapos ay ginagawa lamang namin at kung paano ang Banal na Espiritu na umaakay sa amin na gawin at siya ay nangunguna sa amin at nagtuturo sa amin na manatili sa mga teyp lamang.

Kaya ngayon, makinig sa bawat salita . Saluhin mo At at kung kikukuha mo ito sa mga teyp o anumang bagay , pagkatapos ay manatili kang tama sa pagtuturo ng teyp. Huwag magsabi ng anuman , kundi ang sinasabi ng tape na iyon. Sabihin lang ng eksakto kung ano ang sinasabi ng tape .

Para sa atin “Ang tanging paraaan para marinig : Bawat Salita ” walang iba kundi ang sinasabi ng Tapes , Eksakto kung ano ang sinasabi ng tapes. ,Ay ang pagpindut ng play at pakinggang ang mga tapes.

Kaya ina anyayahan ka naming
Pakinggan kung ano ang sinasabi ng mga tapes sa linggo ganap alas dose ng tanghali oras Jeffersonville at maging Oddball sa amin habang naririnig namin ang Mensahe. Ang Kakatwang Tao 64- 0614E
Kapatid Joseph Branham

1corinto 1: 18–25
2 corinto 12: 11

22-0731 Ang Paghahayag Ng Diyos

MENSAHE: 64-0614M Ang Paghahayag Ng Diyos

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nakasulat na Salita ,

Bawat linggo ay lalong palaki na palaki Sa linggo nagkaroon kami ng pagkakataon at nagpasya, ano ang nakita namin? May nakita ba tayong ministro? Wala! Nakita ba natin ang atin pastor? Wala! Nang tumingin kami sa kabila ng tabing ng laman ng tao, nakita namin si Hesus Kristo na inihayag ang kanyang sarili, at ipinakikita ang kanyang sarili .

Habang kami nakikinig sa kanilang mga teyp , habang sila ay bumababa ,ito ay mas maging malinaw at mas malinaw , kung mayroon kang mga tainga upang makarinig at mga mata upang makakita . Hayagang nakikita natin ngayon ang Dios. Ang belo ay nahati at nakikita natin ang Dios na hayagang nakatayo sa harap natin, Ang Haliging Apoy na nagpakita ng kanyang sarili nang malinaw.

Nabulag nito ang ilan, ngunit sa atin, ito ay ipinahayag ang Katotohanan. Niluwalhati ng Dios ang kanyang sinugo bago tayo.
Gaya ang ginawa niya kay moses.

Wala kana sa likod ng tabing iyon kahit ano pa. Mga maliliit , Ang Dios dumating sa buong pananaw sa yo.

Ano ito? Dios na nakatalukbong sa laman ng tao. Ang Dios sa anyo ng Tao ,itinago ang kanyang sarili sa kanilang paningin. Makakita lang sila ng tao at sasabihing nagkakamali ang propeta ng Dios Siya pa mismo ang nagsabi, sinubukan turuan ang mga tao na may mga pagkakamali sa mga teyp. Ngunit sa atin ang kanyang itinalagang Nobya, nakikita at naririnig natin ang Dios at walang pagkakamali.

Ang isa nakakita tao, ang iba nakakita Dios . Kita nyo? At ito ay ang Dios nakatalukbong sa anyong tao ,ginagawang tama ang dalawa ,ngunit ang iyong pananampalataya sa kung ano ang hindi nakikita.

Para sa atin,tayo ay naniwala at sundin ang mga pagkakamali ng propetang pinagtibay ng Dios Kung mayroon man, bago natin tanggapin at paniwalaan ang kanilang , sinabi ng Panginoon.

Hindi dapat hampasin ni Moses sa pangalawang pagkakataon, parehon ispiritona nagsabi sa araw ba iyon, tingnan nyo nagkakamali si Moses . Ngunit dumating pa rin ang tubig at kung hindi ka uminom mula kay Moses na tinatawag ba pagkakamali, ikaw ay mamatay, gayon din ngayon napakaraming paratang.

Si Moses may Salita ngayon. Ngayon tandaan, pagkatapos ang Salita na maihayag. Si Moses ay Moses muli, Kita nyo? Ngunit ,habang nasa kanyaang Salita iyon na ibinigay.Siya ay Dios, mabuti, hindi na sya si Moses.

Si kapatid Branham may Salita . Pagkatapos na ipakita ang Salita. Si kapatid na Branham ay japatid na Branham muli. Ngunit habang
ang Salita iyon ay nasa kanya upang ibigay sa mga tao na sa teyp. Siya ay Dios, sya ay hindi kapatid na Branham. Kaya balaman natin kung ano ang nasa teyp ,Ay ang mga Salita ng Dios. At walang mga pagkakamali sa Salita ng Dios.

Hindi lamang natin pina niniwalaan kundi isina sa buhay natin. Nang ang lahat at iba pa sa kanila ay lumayo rito, manatili tayo rito, mananampalataya tayo rito . Anuman ang gagawin o sasabihin
ng iba , naniniwala kami dito, kung hindi, hindi maniniwala .

Kaya sinasabi ko sa pangalan ni Hesus Kristo huwag jang mag dagdag ng jsang ,huwag magkuha at ilagay ang ang iyong sariling mga ideya dito. Sabihin mo lang kung ano ang sinasabi sa mga teyps na iyon , Gagawin mo lang kung ano ang inuutos ng Panginoong Dios na gawin ; huwag mo nang dagdagan.

Pindutin ang play at paniwalaan ang bawat Salita ,gaya nang iniutos ng Dios na gawin natin . Ito ay Dios nagsasalita sa labi patungo sa tainga ng kanyang Nobya.

Ang Dios ay muling nagtakip at pinagtibay si Moses sa amamagitan ng tabing, sa pamamagitan ng pagtakip sa kanyang sarili na may parehong Haligi ng Apoy, parehong Haligi ng Apoy na bumaba. Mula – mula noon- mula sa kanila, para marinig lamang nila ang boses nya. Sapagkat si Moses ay sa kanila Ang buhay na Salita.

Ang Dios ay hindi at hindi niya mababago ang kanyang programa. Siya ay si Hesus Kristo na siya ring Kahapon ,Ngayon , at Magpakailan man . Kaya para sa atin ang kanyang pinagtibay na propeta ,si William Marrion Branham ay ang ating Tinig ng Dios at ang buhay na Salita para sa ating panahon.

Ngayon ,ito ay hindi lsmang isang nakasulat na Salita sa atin, ito ay isang Katotohanan. Nasa kanya tayo.

Kahi ano, hindi nila ito nakikita Bakit? Hindi ito ipinadala sa kanila ,

Dahil makikita mo ito., Handa kana bang marinig muli sa Kanya kung Sino ka? Kspag sya ay tumingin pababa mula sa kuta ng kaluwalhatian at nakikita ka, Sino ang kanyang nakikita?

* Nakikita ko ang Salita , ipinahayag kung ano ang sinabi nya, gagawing niya nitong sa mga huling araw ,Nakikita kung lumalaki ito, Nakita ko ang mga batang na kumakain ng Shekina na tinapay na nag mula sa paghinog ng Salitang iyon, na naniwala dito. Amen.

* Pagkatapos, tayo ay magiging bahagi nya, dahil ikaw an tabing na nagsasabi sa Kanya. Kayo ay bahagi nya, hangga’t si Kristo ay sa iyo . Dahil ang Dios ay nasa kanya . Ginawa siyang Dios at kung paanong si Kristo ay nasa iyo. Ang pag-asa ng kaluwalhatian, ikaw ay magiging bahagi ni Kristo.

* “Ikaw”ang sinabi nito, ikaw ay nakasulat na mga Salita O ikaw ang Salita , na naisulat , bahayag ,walang ma idagdag dito. Hindi mo masasabi ako ay isang nakasulat na sulat at buhay , ilang iba pamg uri ng isang bagay, ngunit kung ano ang naisulat na ito. Dahil walang maaring idagdag sa akin O alisin.

Purihin ang pangalan ng Panginoon Hesus Kristo. Nakikita niya tayo.
Nakikita natin sya. Tayo ang kanyang Salita na nahayag ngayon .

Halina samagan kami sa linggong ito alas dose ng tanghali oras ng Jeffersonville , habang ang Dios ay nakatayo sa harapan natin, ang Haliging Apoy na nakatakip sa laman ng tao at nagsasalita sa atin ng Salita, na tayo ay mabubuhay sa araw na ito. Ito ay ang Shekina ng kaluwalhatian na ipanahinog sa atin, ang tinapay ba handog para sa mananampalataya.

Ang Paglalahad ng Dios 64-0614M

Kapatid Joseph Branham.

Mga banal na kasulatan na dapat basahin bago marinig ang Mensahe.
Mathew 24: 24
St. Luke 17: 28-29
St. John 14:14
1Corinthians 12:13
2Corinthians 3:6– 2
Corinthians 4:3
Philippians 2:1-8
1 Timothy 3:16

Hebrews 13:8
Revelations 10:7 & 19:13
Exodus chapters 19 & 20
Joel 2:28
Malachi 4:5

22-0724 Ibaling Ang Paningin Patungo Kay Jesus

MENSAHE: 63-1229E Ibaling Ang Paningin Patungo Kay Jesus

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nahayag na Mga Liwanag,

Tayong lahat ay magtipun-tipon at pakinggan ang Mensahe na 63-1229E Ibaling Ang Tingin Kay Jesus sa Linggong ito nang 12:00 pm, oras sa Jeffersonville.

Brother Joseph Branham

Mga Kasulatan na babasahin bilang paghahanda para sa pakikinig ng pangangaral:

Mga Bilang 21:5-19

Isaias 45:22

Zacarias 12:10

Sn. Juan 14:12

22-0717 May Isang Lalaki Rito Na Makapagbubukas Ng Ilaw

MENSAHE: 63-1229M May Isang Lalaki Rito Na Makapagbubukas Ng Ilaw

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Repleksyon ni Jesus Cristo,

Gaya ng munting batang lalaki na tumingin sa salamin at hindi nakilala na siya pala’y nakatingin sa kanyang sarili, tayo ngayon ay nakatingin sa Salamin ng Diyos, sa Kanyang Salita, at napagkikilala, AMA, AKO YUN, ako ang repleksyon ng Iyong Salita. Ako ang Iyong Salita na nahayag. Ako’y isang mananampalataya, Ako’y ang Iyong Nobya!

Bawat Mensahe na ating napapakinggan ay nagpapataas sa ating Pananampalataya sa bagong pagtaas. Sinabi niya sa atin na tayo’y kinakailangan na mapagkilala sa isa sa tatlong kategorya na ito: Mananampalataya, kunwang mananampalataya o di-mananampalataya. Sa pagtingin natin sa Kanyang salamin ay napasigaw tayo, “Nakikita ko, nang walang anino man ng pag-aalinlangan, tayo’y mga Mananampalataya. Dahil tanging mananampalataya lang ang mananampalataya sa bawat tuldok at bawat kuwit; AMA, AKO YUN.”

Walang makapupuno sa atin ng kaluguran at makapagbibigay sa atin ng Buhay kundi ang binigkas na Salita ng Diyos sa teyp. Yun lang ang tanging paraan na ang Buhay ay makararating, sa pamamagitan ng Kanyang binigkas na Salita, ang Tinig ng Diyos sa ating panahon.

Maghanda kayo, marami pa ang parating sa Linggong ito, Hulyo 17, 2022. Narito ang isang lalaki na makapagbubukas ng Ilaw, at kapag ginawa na Niya, mamamaga mismo ang ating mga lalamunan mula sa kasisigaw at kahihiyaw ng Amen, Hallelujah, Purihin ang Pangalan ng Panginoon, Maluwalhati ang Diyos, dahil ang Diyos Mismo ay mangungusap nang direkta sa atin at maghahayag pa sa Kanyang Salita.

Gaya ng parehong araw, na sumisinag ngayon, haya’t pahihinugin ang butil para sa pag-aani sa Hulyo. Nakikita n’yo ba ang ibig kong sabihin? Pero ang liwanag ngayon ay hindi na uubra pa sa Hulyo. Ito kasi’y mas iigting pa. Ang trigo’y mas malago na: handa na ito para tanggapin Ito. Amen. Tunay nga.

Hinog na ang ani! Tayo’y mas malago at mas handa para tanggapin Ito. Si Jesus ay may hapag na inihanda, kung saan ang mga banal ng Diyos ay pinakakain ng Pagkaing napapanahon. Ang Liwanag ng Ebanghelyo ay nagpapatibay at nagpapatunay na Siya’y narito ngayon kasama natin. Ang mga banal ay kumakain ng espirituwal na Pagkain na inimbak, na inihahanda para sa Pag-agaw.

Habang ang ating Pastor, ang Espiritu Santo’y nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang pinatotohanang propeta, na bubuksan ang switch at bubuksan ang ilaw ng Kapahayagan, haya’t Kanyang sasaysayin sa atin kung sino Siya sa ating panahon. Sisigaw Siya at magbababala sa atin, umaasa ako na hindi kayo tulog n’yan.

Si Noe ang Liwanag sa kanyang panahon. Si Moises ang Liwanag sa kanyang panahon, ngayon Ako’y nagpadala sa inyo ng isang dakilang propeta sa kapanahunan n’yo at Aking inihahayag ang Aking ipinangakong Salita sa pamamagitan niya. Siya ang Salita ng Diyos na nahayag sa panahon n’yo. Siya ang Liwanag sa panahon ngayon.

Noong narito Ako sa lupa sa laman noon, kinuha Ko ang orihinal na limang tinapay na sebada at sinimulang putul-putulin ang mga tinapay. Mula sa orihinal, gumawa Ako ng tinapay at napakain nito ang limang libo.

Pagkatapos kinuha Ko ang isda, at mula sa isda na ‘yun, ay nakagawa Ako ng isa pang isda at isa pang isda, at limang libo ang napakain.

Pero sa panahon n’yo, wala Akong anuman. Ako’y nagsalita lang at nagsabi, “Sabihin mo’t ito’y lilitaw,” at lumitaw nga roon, nang walang anuman. Wala Akong anumang squirrel; walang squirrel dun noon. Sinabi Ko lang, “Magkaroon,” at nagkaroon. Ang Salita Ko’y hindi nabibigo, at kinakailangan Itong mahayag.

Gaya ng mga anak ni Israel, noong sila’y naglalakbay, sila’y kumakain ng bagong manna araw-araw. Sila’y lumalakad sa Liwanag ng Haliging Apoy. Ang Haliging Apoy na ‘yun ay si Jesus Cristo.

Ngayon Siya’y narito kasama nating muli, ang siya ring Haliging Apoy, na ginagawa ang siya ring mga bagay na ginawa Niya noong Siya’y narito noon sa lupa na tinutupad ang Kanyang Salita.

Inaanyayahan namin kayo sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonvile, habang ang ating pastor, ang Banal Na Espiritu, ang Haliging Apoy, ay bubuksan ang Kanyang Liwanag ng Kapahayagan, habang pakikinggan natin ang: 63-1229M “May Isang Lalaki Na Makapagbubukas Ng Liwanag”.

Bro. Joseph Branham

Genesis 1:3, Kabanata 2

Awit 22

Joel 2:28

Isaias 7:14, 9:6, 28:10, 42:1-7

Sn. Mateo 4:12-17, Mga Kabanata 24 at 28

Sn. Marcos Kabanata 16

Apocalipsis Kabanata 3

22-0710 Tatlong Uri Ng Mga Mananampalataya

MENSAHE: 63-1124E Tatlong Uri Ng Mga Mananampalataya

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Mananampalataya,

Mantakin n’yo, ang Diyos, na Siyang gumawa ng lahat na mga bagay at ibinunsod ito sa pagkakaayos, ay bumaba at nagsalaman sa kalagitnaan natin, para tubusin tayo. At pagkatapos ay Kanyang kinikilala tayo sa Kanyang kapita-pitagang Presensya, na Siya’y tumatayo sa makasalanang lupa na ito sa huling mga araw, at pinatutunayan ang Kanyang Salita na ganoon mismo, dahil Siya’y may obligado sa Salita na ‘yun.

Binigyang-buhay ng Espiritu Santo ang Salita na ‘yun sa atin. Ito’y nabuhay. Sa pamamagitan ng pananampalataya ay nakikita natin ito. Batid natin na ganoon nga dahil sinabi ‘yun mismo ng Salita, at binibigyang-buhay ng Espiritu ang Salita na ‘yun sa atin. Ngayon tayo’y pinaglalakip ng Salita ng Diyos na nahayag sa laman, gaya ng sinabi ng propeta na Ito’y magkakaganoon nga.

Sinasampalatayanan Ito ng mananampalataya, sinasampalatayanan (ang ano?) ang Salita. Hindi kredo; ang Salita! Hindi denominasyon; ang Salita! Hindi kung ano ang sinasabi ng kung sinong iba; kung ano ang sinasabi mismo ng Salita! Ngayon, alalahanin n’yo, ‘yun ang mananampalataya. Ang mananampalataya ay hindi nangunguwestiyon? Hindi sinasabi ng mananampalataya, “Papaano ‘yun nagkaganoon. Kung maipapaliwanag ko lang!” Di-mananampalataya ang ganyan. Uh-huh. Ang mananampalataya, hayan nga, kahit na ano pa Ito, “Kung Ito ang Salita, Ito talaga ang Salita! Totoo ‘yun.” Ganoon ang mananampalataya.

Kinakailangan n’yong sampalatayanan ang bawat kuwit at bawat kudlit, at ang lahat mismo na sinasabi Roon. Anupa’t totoo mismo. Kung sasabihin mo, “Hindi ako naniniwala riyan. Ang iba kasi nito’y Diyos, ang iba’y tao, ang iba’y kuwento-kuwento lamang tungkol sa pangangaso.” Buweno, kung ganoon ay isa kang di-mananampalataya. Hindi nangunguwestiyon ang mananampalataya. Sinasampalatayanan Ito ng mananampalataya, kahit na ano pa ang tila dating Nito sa pandinig o kung ano ang sabihin ng kung sinu-sino ukol Dito, kahit na gaano pang kaimposible Ito, SINASAMPALATAYANAN NATIN ITO!

Bawat tao rito, na nandito, bawat tao na nakikinig sa teyp; at kahit na balang araw ay lilisanin ko ang mundo, ang mga teyp na ito’y mananatiling buhay. Ganoon nga. Kita n’yo? At nariyan kayo sa isa sa mga klase na ito. Siguradong naroon kayo.

Tayo’y nabubuhay sa huling mga araw at kinakailangan n’yong tingnan ang inyong buhay at tingnan kung saang uri ng mga tao kayo naroon. Sinasabi n’yo ba, “Sinasampalatayanan ko na ang Diyos ay nagsugo ng isang propeta na pinatotohanan ng Haliging Apoy?” Sinabi Niya sa amin na sampalatayanan ang bawat Salita. Na sabihin nang EKSAKTO kung ano ang mga nasa teyp at huwag ibahin ang isa man na Salita. Tayo’y hahatulan sa kung ano ang SINABI NIYA, hindi sa kung ano ang sinabi ng iba na sinabi niya, o sinasabi ng iba na ganoon daw ang ibig niyang sabihin, bagkus ay sa kung ano ang sinasabi ng mga teyp.

O, papanig kayo kina Core at Dathan, at sa kanila na nagsasabi, “Hindi lang siya ang nag-iisang banal na tao. May ibang mga tao rin naman na tinawag para gawin ang mga bagay na kanyang ginawa. Tumutuon kayo masyado sa propeta ng Diyos. Ang Espiritu Santo na mismo ang nangunguna sa atin ngayon. Iba nang kapanahunan ito”.

Kayo’y nasa isa sa mga klase na ito. Sa inyong kasalukuyang estado ngayon, sa kasalukuyang estado ng pag-iisip, na, kayo rito sa mga nandito na mga nakikinig, at sa inyo na nariyan na makikinig sa teyp na ito, ang kasalukuyang estado ng inyong pag-iisip pagkatapos pakinggan ang teyp na ito, ay nagpapatunay sa inyo kung nasaang klase kayo. Sinasabi n’yan mismo kung nasaan kayo, kung kayo ba’y isang mananampalataya sa Salita at mananatili Rito o kung kayo ba’y lalakad palayo, o pahihintuin ang teyp.

Purihin ang Pangalan ng Panginoon, tayo’y tunay na MGA MANANAMPALATAYA, hindi kung sino na nahimok lang ng kung sinong ibang tao; anupa’t hindi sa kung anong ibang bagay, kundi ang Espiritu Santo ang naghayag sa atin ng Salita Mismo. Nakita natin ang Espiritu Santo nang tahasan mismo, na pinatotohanan at inihayag.

Tayo’y sinusubok sa mga pagsubok na ito, sa maalikabok na mga daan, sa mainit na araw ng pag-uusig, pero ang katapatan ng ating mga puso ay pumipintig sa materyal ng Salita. Tayo’y handa na para dumako sa hulmaan. Tayo’y mga anak ng Diyos, hinubog nang tama sa Kanyang Salita. Tayo’y buhay na mga halimbawa, at ang Salita ng Diyos ay buhay na nananalaytay sa atin. Dumating ang mga pagsubok para alugin tayo, para ilagay tayo sa pinaka ibaba, para makita kung saan tayo titindig. Pero hindi tayo matitinag, tayo’y tumitindig sa bawat Salita.

Pakinggan n’yo habang sinasaysay Niya kung sino kayo.

Alalahanin n’yo na bawat bahagi n’yo ay narito, noong bigkasin ng Diyos ang mundo na umiral. Inilagay Niya ang inyong katawan dito noon pa lang. At walang makawawaglit nun maliban sa Diyos.

Walang makawawaglit Nito mula sa inyo. Walang makahahalili sa lugar n’yo kahit na gaano pa kayong kaliit. Sasabihin n’yo, “Maybahay lang ako.” Walang makahahalili sa lugar n’yo! Ang Diyos, sa Kanyang dakilang pamamalakad, ay inilagay na ang Katawan ni Cristo sa kaayusan, na anupa’t walang makakahalili sa lugar n’yo.

Maluwalhati…Hallelujah…Ang pakikinig sa inimbak na Pagkain ng Diyos ay nagiging mas higit at MAS HIGIT. Sa higit nating pakikinig sa Diyos na nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang piniling mensahero na sinasaysay kung sino tayo, mas umiigting nang higit ang ating Pananampalataya. Ang higit na kaligayahan na malaman natin na:

•Tayo’y “MGA TUNAY NA MANANAMPALATAYA”

•Tayo’y “ISA SA KANILA”

•Tayo “ANG NOBYA”

Nais kong ANYAYAHAN kayo na I-PRESS ANG PLAY kasama ko, ang Branham Tabernacle, at ang isang bahagi ng Nobya mula sa palibot ng mundo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, sa ating pagtitipun-tipon mula sa Silangan, Kanluran, Hilaga at Timog para pakinggan ang: Tatlong Uri Ng Mga Mananampalataya 63-1124E. Ito ang pangunguna sa atin ng Espiritu Santo na gawin. Para sa atin, ito ang programa ng Diyos.

•I-press ang play: Anumang teyp ang ilagay sa puso n’yo ng Diyos.

•I-press ang play: Makinig sa anumang oras na piliin n’yo.

•I-PRESS ANG PLAY: Ang mensahe ko sa inyo.

Bro. Joseph Branham.

Sn. Juan 6:60-71

22-0703 Anong Gagawin Ko Kay Jesus Na Tinatawag Na Cristo?

MENSAHE: 63-1124M Ano Ang Gagawin Ko Kay Jesus Na Tinatawag Na Cristo?

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na mga Agila, tayo’y magtipun-tipong lahat at pakinggan ang Mensahe na 63-1124M – Anong Gagawin Ko Kay Jesus Na Tinatawag Na Cristo? Sa Linggong ito nang 12:00 pm, oras sa Jeffersonville.

Brother Joseph Branham

22-0626 Siya Na Nasa Inyo

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Pinakadakilang Pananampalatayang Nobya,

Alam ko na simpleng liham lang ito na may di-maayos na gramatika, pero gusto kong malaman ng mundo na tayo’y sumasampalataya sa bawat salita na sinabi ng ating propeta at ating tinatanggap Ito na Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Kapag napapakinggan natin siya na may sinasabi sa teyp, sinasampalatayanan natin Ito, tinatanggap natin Ito, at pagkatapos ay personal na tinatanggap Ito na Diyos mismo na nangungusap nang direkta sa atin.

Ito’y ipinangaral na, at ganap na pinatotohanan ng Salita ng Diyos, na hindi ito maaaring sa ganang tao lang, kinakailangan na Diyos mismo.

Sinasampalatayanan natin ang siya ring materyal na mga tanda na lumitaw sa lupa sa panahon ngayon na lumitaw noong si Jesus ay narito noon. Ang siya ring Haliging Apoy na nakita ni San Pablo sa siya ring Kalikasan, na ginagawa ang siya ring bagay, ay dumating sa panahon natin. Ito’y ang Diyos na direktang nangungusap sa atin:

Ang siya ring espirituwal na tanda na Kanyang pinagkilanlan ang Kanyang Sarili noon bilang Mesiyas, ay pinagkikilanlan Siya sa panahon ngayon. Siya’y siya pa ring Mesiyas!

Matatanggap mo lamang ang mga dakilang pagpapala na ito KUNG sasampalatayanan mo na ang bawat Salita ay Ganito Ang Sabi Ng Panginoon, sa pag-press ng play. Kung ika’y isa sa hindi naniniwala diyan, at ang ginagawa’y nagdedesisyon nang intelektuwal o sa pamamagitan ng kung sino na sinasabi sa inyo: “Ito ang Salita ng Panginoon, at ito si Kapatid na Branham lamang na nagsasalita,” kung ganoon ay hindi ito para sa inyo.

Noong panahon na pinangunahan ni Moises ang mga anak ni Israel, mayroong isa, ‘yun ay si Moises. Ang iba pa sa kanila’y sadyang sumunod lamang sa Mensahe. Kita n’yo?

Pero ngayon, sa atin na SUMASAMPALATAYA MISMO SA GANOON, ang ating puso ay punung-puno ng galak at nag-uumapaw, hindi natin mapigilan ang galak sa ating puso.

Dama ko kasi na Kanyang tinubos tayo. Dama ko na ang ating mga pangalan ay nasa Kanyang Aklat. Naniniwala ako na tayo’y tinubos sa pamamagitan ng Dugo ng Cordero.

Dahil sinasampalatayanan natin na ang Mensaheng ito ay ang Tinig ng Diyos na nangungusap sa atin nang direkta, haya’t tinatanggap natin na ito ang Diyos Mismo na nangungusap sa atin nang labi sa tainga. WALANG PAG-AALINLANGAN na ang ating mga pangalan ay nasa Kanyang Aklat.

Ganito ko nais itong ilatag, na ang pagmiministeryo ni Jesus Cristo ay nagsalaman muli sa Kanyang Iglesya sa huling panahon na ito. Yun ang pinaniniwalaan ng marami sa atin. Kasama n’yo ako na naniniwala rito.

Ganito natin mismo ito pinaniniwalaan, na si Jesus Cristo ay nagsalaman muli, na nangungusap sa Kanyang Nobya sa teyp.

Sa tuwing ipi-press natin ang play haya’t ang ating pananampalataya ay umaabot sa bagong tugatog. Hindi ito basta kung sinong isa na namang mangangaral na nangungusap, ito’y ang Diyos Mismo na nangungusap sa atin. Ninanais lamang natin ang 100% na purong Salita.

Sige’t tatanungin ko kayo ng isang bagay. Si William Branham ba’y ang inyong pastor? Siya ba’y ang pinatotohanang ikapitong anghel na mensahero? Sinasampalatayanan n’yo ba na ang bagay na hiniling niya sa Diyos na gawin, ay ginawa ng Diyos? Naniniwala ba kayo na siya ang Tinig ng Diyos para sa panahong ito? Sinasampalatayanan n’yo ba ang bawat salita na kanyang sinabi? Kung ganoon ay pagpapalain kayo muli na di maisasalarawan ng salita itong Linggo.

Walang ibang paraan para matanggap n’yo ang biyayang ito maliban na pinakikinggan n’yo ang mga teyp at sinasampalatayanan ang bagay na inyong napapakinggan na Ganito Ang Sabi Ng Panginoon talaga. Kinakailangan n’yong sampalatayanan na ang sinasabi niya ay ang Diyos mismo na direktang nangungusap sa inyo.

Ako, bilang inyong pastor, inyong kapatid, kalakip ang pananampalataya na ito na taglay ko, hiniling ko sa Diyos na ito’y ilagay sa inyo. Naniniwala ako na tatanggapin ko ang bagay na ito na hiniling ko. Ngayon kung sasampalatayanan n’yo ito kasama ko; kalakip ang pananampalataya na taglay ko, ay aking itinatagubilin sa inyo sa mismong oras na ito.

Para sa atin, siya ang ating pastor. Walang iba sa mundo na may higit, o mas dakila pa, na Pananampalataya kaysa sa ATING PASTOR, ang propeta ng Diyos. Ngayon hiniling noon ng propeta ng Diyos sa Diyos na pagkalooban tayo ng KANYANG DAKILANG PANANAMPALATAYA. KUNG sasampalatayanan n’yo Ito nang buong puso n’yo, Ito ngayo’y PANANAMPALATAYA N’YO NA…MALUWALHATI’T, KAMIT MISMO NATIN!!! Ang Pananampalataya natin noo’y mahina marahil, pero hindi na ngayon, dahil ang kamit na natin ngayon ay ang kanyang PANANAMPALATAYA.

At ngayon, sa Pangalan ni Jesus Cristo, ang Anak ng Diyos, itakwil n’yo ang inyong mga dalamhati, ang inyong sakit, at sabihin n’yo rito, “kinakailangan mo nang lumayas,” dahil kamit n’yo na ang inyong pananampalataya, dagdag ang aking pananampalataya, sa kapangyarihan ni Jesus Cristo, na ang Kanyang pagiging nasa-lahat-ng-dako ay narito para ipagtibay ito at patotohanan na Siya’y nandito, na pagagalingin kayo sa oras na ito.

Ano pa bang masasabi ko na kayo’y makumbinse na sumama sa amin at tanggapin ang dakilang pagpapala na ito? Bulayin n’yo ito, anumang bagay na kailangan n’yo, ay maaari n’yong tanggapin kung kayo’y sasama para makinig at sadyang sampalatayanan Ito mismo.

Makinig sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, kasama ang Nobya. Tayo’y magtitipon at makikinig na mga taga-mula sa Silangan, sa Kanluran, sa Hilaga at sa Timog, nang sabay-sabay, habang ang Ganito Ang Sabi Ng Panginoon ay mangungusap sa atin at sasaysayin sa atin ang lahat ng tungkol sa: Siya Na Nasa Inyo 63-1110E.

Kung hindi kayo makapakinig kasabay namin sa parehong oras sa Linggo, ay ayos lang, maaari n’yong pindutin ang play anumang oras at pakinggan at sampalatayanan na ang bagay na inyong pinakikinggan ay ang Tinig Ng Diyos na nangungusap sa inyo.

Bro. Joseph Branham

22-0619 Mga Kaluluwang Nasa Bilangguan Ngayon

MENSAHE: 63-1110M Mga Kaluluwang Nasa Bilangguan Ngayon

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Ama, ano ba ang maaari kong isulat ngayong araw na ito para ako’y gamitin Mo, sa kung anong maliit na paraan, para pasiglahin ang Iyong pinaka iniingat-ingatang Nobya?

Ang Diyos ay dumating sa ating panahon at nanahan sa laman ng tao, sa isang tao na ang pangalan ay William Marrion Branham, nang sa gayon ay maihayag Niya at matupad ang Kanyang Salita. Yun ang Kapahayagan ni Jesus Cristo sa ating panahon.

Ang makinig sa Tinig na ’yun at sampalatayanan ang bawat Salita ay ang tanging inilaang daan ng Diyos para sa panahon ngayon. Siya’y nagpadala sa mundo ng maraming kalalakihan na pinahiran ng Kanyang Espiritu Santo, pero Siya’y nagsugo at nangusap sa pamamagitan ng isang lalaki para ihayag ang Kanyang Salita at pangunahan ang Kanyang Nobya.

Hindi Niya kailanman binabago ang Kanyang Programa o ang Kanyang Pamamaraan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Kung papaano Niya ito ginawa noong unang pagkakataon, ay Kanyang ginagawa ito sa tuwina. Kanyang pinangungunahan ang Kanyang bayan Mismo, sa pamamagitan ng Haliging Apoy.

Kayo ang piniling Nobya ng Diyos at walang magagawa ang diyablo o masasabi man para iwaglit ’yan mula sa inyo, WALA! Kanyang itinalaga na kayo bago pa itatag ang sanlibutan. Nakikilala na Niya kayo noon pa man, at kayo’y kasama na Niya noon. Alam Niya ang inyong pangalan. Alam Niya ang lahat tungkol sa inyo. Alam Niya ang mabubuti’t masasamang karanasan sa inyong buhay. Alam Niya ang inyong mga kabiguan, ang inyong mga pagkakamali, at Kanya pa rin kayong iniibig, dahil kayo’y bahagi Niya.

Ang inyong kaluluwa ay mapapakain lamang sa Kanyang Salita. Walang makakapuno sa inyo kundi ang Kanyang Salita. Gustung-gusto n’yo na binabasa ang Kanyang Salita at nagbubulay sa Kanya, na nananalangin mula sa kaibuturan ng inyong puso, na anupa’t kapag naririnig n’yo ang Kanyang Tinig na direktang nangungusap sa inyo, dinadala kayo niyon sa kabilang ibayo ng tabing ng panahon. Sapagkat nalalaman n’yo na kayo’y nakaupo kasama Niya sa Makalangit na mga dako habang Siya’y nangungusap nang labi sa tainga sa inyo, na inihahayag ang Kanyang Salita, na nagpapaalala sa inyong, KAYO ANG AKING NOBYA.

Marahil didikdikin at didikdikin at didikdikin kayo ng diyablo. Marahil malulugmok kayo nang sobrang baba kung minsan at mararamdaman n’yo na kayo’y ganap na kabiguan; pakiramdam n’yo ay walang katulad ang kabiguang dala n’yo sa Kanya. Na kayo ang pinakamalala sa pinakamalala, pero sa kung saang dako, diyan sa kaibuturan ng inyong kaluluwa, ay maririnig n’yo ang Marahang Bulong na Tinig na sinasabi sa inyo: “Walang makapaghihiwalay sa inyo mula sa Aking Salita, KAYO ANG AKING SALITA. Inilagay Ko ang inyong pangalan sa Aking Aklat ng Buhay ng Cordero, Mismo.”

Ano pa ba ang masasabi ko para palakasin ang loob n’yo ngayong araw na ito? I-press n’yo lamang ang play araw-araw at pakinggan ang Tinig ng Diyos na nangungusap at sinasabi sa inyo: Ganito Ang Sabi Ng Panginoon.

Kayo’y inaanyayahan na sumama sa Nobya ngayong Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang nagkakatipon tayo para pakinggan ang Marahang Bulong na Tinig: 63-1110M Mga Kaluluwang Nasa Bilangguan Ngayon.

Bro. Joseph Branham

Kasulatan na dapat basahin:

Genesis 15:16

Sn. Mateo 23: 27-34

Sn. Juan 4:23-24 / 6:49 / 14:12

1 Pedro 3:18-22

2 Pedro 2:4-5

Jude 1:5-6

22-0612 Mga Desperasyon

MENSAHE: 63-0901E Mga Desperasyon

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nilakipan-ng-Dugo, Nilakipan-ng-Tanda, na mga tao ng Tipan.

Alalahanin n’yo mismo, hindi tayo si Eba, hindi tayo isa sa mga mapagduda na nakikipagkompromiso kay Satanas. Mayroon tayong di-nauugang pananampalataya sa Salitang ito! Nanghahawakan tayo sa bawat Salita ng Diyos na Kanyang sinulat at binigkas sa mga teyp. Nagkaloob Ito sa atin ng SAKDAL NA PANANAMPALATAYA.

Hindi tayo nakatingin sa kung anong malaking pananampalataya na dapat nating taglayin sa ganang sarili natin. Hindi natin pinagpipilitang maging sapat na mabuti; hindi natin kayang maging sapat na mabuti, lagi tayong mabibigo sa tuwina. Hindi ’yun ang sinabi Niya sa atin na sampalatayanan. Ang sabi Niya’y magkaroon ng pananampalataya na sampalatayanan ang BAWAT SALITA na Kanyang sinabi na Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. YAN ANG GINAGAWA NATIN at Ito’y nagkaloob sa atin ng SAKDAL NA PANANAMPALATAYA SA KANYANG SALITA.

Pakinggan natin kung ano ang inuulat sa atin pabalik ng Espiritu Santo at sinasaysay sa Ama tungkol sa atin.

“Ako’y tumalima sa Iyong mga kautusan. Ako’y naghanap at nakahagilap ng munting grupo ng mga tao na nakakalat sa buong mundo. Nagpadala Ako ng mga tape boys sa kanilang bahay at nag-play ng mga teyp. Noong mapakinggan nila ang mga teyp, sinampalatayanan nila ang bawat Salita. Ngayon ginawa nila ang kanilang bahay na maging isang simbahan para tanggapin ang Mensahe. Sila’y Iyong predestinadong Mga Agila na nagkakatipon para pakinggan ang Iyong Salita.

Sinaysay Ko sa kanila na ang lahat ng dadako sa ilalim ng Tanda, ng Mensahe ng panahon, ay maliligtas. Sinaysay Ko sa kanila na sila’y lalakip na Isa sa Iyo at sa Iyong Salita. Kung Ito’y mapangyayari sa kanila, kung ganoon ay Iyong ilapat ang Tanda na ’yun sa kanilang mga anak. Ilapat Ito sa kanilang mga mahal sa buhay at dalhin sila sa ilalim ng Tanda na ’yun at sila rin ay maliligtas.

Sinaysay Ko sa kanila na mga nakikinig sa teyp: Aking inaangkin sila para sa Diyos. Sinasampalatayanan nila Ito noong sabihin Ko Ito, nang buong puso nila’t nang buong kaluluwa nila. Sila’y Aking mga tao, sila na iniibig Ko na nakikinig sa mga teyp.

Sinaysay Ko sa kanila na antabayanan nila ang parating pagkatapos ng Pitong Tatak: ang paglalakip ng mga tao, paglalakip na mga tanda, ang pulang ilaw na kumikislap sa huling mga araw, na rumururok sa isang bagay na ito, ang Tanda.”

Oh, Iglesya, tumayo at yugyugin ang inyong sarili! Kurutin ang inyong budhi, gisingin ang inyong sarili, sa oras na ito! Tayo ay dapat na maging desperado, o mapahamak! Mayroong bagay na paparating mula sa Panginoon! Alam ko ito ay GANITO ANG SABI NG PANGINOON. Mayroong bagay na paparating, at tayo ay mas makabubuting maging desperado. Ito’y sa pagitan ng Buhay at kamatayan. Ito’y magdaraan sa atin at hindi natin makikita ito.

Batid natin na may bagay na napipitong mangyari. Ang Pagparito ng Panginoon ay magiging biglaan, na lihim na pag-alis. Tayo’y nagiging desperado. Ang oras ay napipinto na. Napagkilala natin ang Tanda para sa ating panahon at Ito’y inilapat na.

Dinadaos natin ang mga simbolo ng Paskuwa sa Linggong ito na dinadaos sa panahon ng isang kagipitan, sa panahon ng desperasyon. Tayo’y nagkakatipon sa buong mundo, sa palibot ng Kanyang Salita.

Halikayo at maging bahagi ng dakilang kaganapan na ito sa Linggong ito nang 4:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang tayo’y magkakatipon para pakinggan ang Salita: 63-0901E – Mga Desperasyon.

Bro. Joseph Branham

Exodo 12:11

Jeremias 29:10-14

Sn. Lucas 16:16

Sn. Juan 14:23

Mga Taga-Galacia 5:6

Sn. Santiago 5:16