MENSAHE: 63-0630E Ang Iyong Buhay Ba’y Karapat-dapat Sa Ebanghelyo?
Lahat na post ni admin5
22-0414 Ang Ikatlong Exodo
22-0410 Isang Patnubay
MENSAHE: 62-1014E Isang Patnubay
- 25-0608 Isang Patnubay
- 22-0410 Isang Patnubay
- 20-1011 Isang Patnubay
- 18-1202 Isang Patnubay
- 16-1026 Isang Patnubay
Minamahal na Mga Pinapatnubayang Kordero,
Ang huling pakikibaka ay napipinto na. Patungo tayo sa dako na hindi pa natin natutunguhan. Tayo’y tumutugaygay sa isang ilang, at tayo’y nasa ating daan na sa kung saan, at hindi natin kayang umusad nang walang Tagapatnubay. Huwag kayong mag-alala munting kawan, ang Diyos ay naglaan ng isang Tagapatnubay para pangunahan tayo.
Ang Tagapatnubay na ito’y maghahayag ng mga bagay sa atin, at isasaysay sa atin ang mga bagay na Kanyang narinig; magagawa Niya na ulitin ang ating mga salita pabalik at sabihin kung anong sinabi natin. Dapat tayong sumunod sa Tagapatnubay na ito, dahil Siya ang tanging Isa na nakakaalam ng daan.
Noong si Jesus ay nasa lupa, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad na marami pa Siyang mga bagay na sasabihin at ihahayag sa atin, kaya ipadadala Niya sa atin ang Espiritu ng katotohanan, at kanyang Papatnubayan tayo patungo sa lahat ng mga katotohanan na ito. Sinabi Niya na mapagkikilala Siya ng Kanyang Nobya yamang ihahayag Niya at patototohanan ang Kanyang Sarili nang sadyang gaya ng ginawa Niya noong pumarito Siya noon sa laman noong unang pagkakataon.
Makikilala Niya ang bawat pag-iisip na nasa puso natin. Makikilala Niya kung sino tayo at kung anong ginawa natin. Malalaman Niya ang lahat ng tungkol sa atin. Siya ang Tagapatnubay ng Diyos, ang Espiritu Santong nabubuhay at naghahayag ng Kanyang Sarili sa laman ng tao.
Gaya Mismo ng sinabi ni Jesus, “Hindi Ako ang gumagawa ng mga gawa; ito’y ang Aking Ama na nananahan sa Akin. Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ang Anak ay walang magagawa sa Kanyang Sarili; kundi ang Kanya lang nakikita na ginagawa ng Ama, ay siya ring ginagawa ng Anak. Ang Ama ang gumagawa, at Ako’y gumagawa ngayon.”
Kaya gayon din na ang Kanyang anghel ay hindi magsasalita ukol sa sarili nito, bagkus kung anuman ang marinig nito, ’yun ang sasalitain nito. Tatanggapin niya ang lahat ng mga bagay na ito mula sa Ama, at pagkatapos ay ipakikita niya ang mga ito sa atin. Kanyang ihahayag ang lahat ng mga hiwaga na natago sa Salita.
Sinabi sa atin ng Ama na Siya’y magkakaroon ng ISANG TAO na rerepresenta sa Kanya rito sa lupa, na isang Tagapatnubay, at siyanga’t ang Kanyang Nobya ay maliwanag na mapagkikilala Siya at susunod.
Tanging ang Diyos lamang ang kanyang luluwalhatiin. Malinaw na sasabihin niya, hindi siya Ito, na ikapitong anghel, na Ito’y ang kahayagan ng Anak ng tao. Ito’y ang hiwaga ng Diyos na nahahayag. Hindi Ito isang tao, Ito’y ang Diyos. Hindi siya ang Anak ng tao; siya an mensahero mula sa Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay si Cristo, na Siya ang Isa na ’yun kung saan tayo’y kumakain.
Marami ang magsasabi na sila raw ang pinahiran na ’yun na mangunguna sa Nobya, pero hindi ibig ng Diyos na kayo’y manalig sa inyong kaunawaan at sa inyong mga kaisipan, o sa anumang gawang-taong kaisipan. Ang Diyos ay nagpapadala ng isang Tagapatnubay, at ibig ng Diyos na alalahanin n’yo na ’yun ang Kanyang itinalagang Tagapatnubay.
Hindi dadalhin ng ating Tagapatnubay ang isa sa daan dito, at ’yung isa naman ay sa daan na ’yun doon at sasabihin: dapat n’yong pakinggan ang mangangaral na ito, pagkatapos kailangan n’yong pakinggan ang mangangaral naman na ’yun; ni hindi nga sila nagkakasundo sa isa’t isa. Papaano nila masasakdal kayo?
May tanging ISANG GANAP NA SALITA na magdadala sa atin at magpapanatili sa atin na sama-sama, ito ang Kanyang SAKDAL NA PINATOTOHANANG SALITANG TINIG SA TEYP.
Sinasabi nila na sa panahon ngayon ang Espiritu Santo’y pinangungunahan ang bawat isa sa atin bilang mga inidibiduwal, na totoo naman. Kung ganoon ay bakit kakailanganin n’yo ng mangangaral kung pinangungunahan kayo ng Espiritu Santo? Pakinggan n’yo ang sarili n’yo: mas pipiliin ko pa na magkaroon ng isang mangangaral na pangungunahan ako’t magtuturo sa akin at hindi ang pinagtibay na propeta ng Diyos? Mas pipiliin ko na kunin ang kanyang interpretasyon ukol sa Salita kaysa sa makinig mismo nang direkta mula sa Tinig ng Diyos Mismo dahil mas naipapaliwanag niya ito nang mas mainam?
Hindi ko kinokondena ang pagmiministeryo, o sinasabi na sila’y huwad, o sinasabi na hindi na dapat kayo makinig sa pagmiministeryo. Patawarin n’yo ako kung hindi ko nasasabi ito nang tama. Sinasabi ko lamang na hindi sila maaaring maging kahuli-huliha’t, pangwakas n’yong salita, na inyong Patnubay. Ang mga tao’y hindi magkakasundo-sundo kahit kailan. Bawat isang tao’y may ibang ideya, ibang pangunguna. Papaano ’yun makakapagsakdal sa Nobya? Kung pakikinggan n’yo silang lahat, at nalalaman na lahat sila’y hindi magkasundo-sundo sa sinasabi nila na sakdal na Salita ng Diyos, haya’t papaano ’yan makakapagsakdal sa Nobya? Papaanong ’yan ang magiging Patnubay n’yo?
Kung itatagubilin natin sa Espiritu Santo na panatilihin tayong sama-sama sa Kanyang Salita, tayo’y magkakaisa sa puso, sa isang kaisipan, sa isang paglalakip, sa pamamagitan ng isang Espiritu; ang Espiritu Santo, ang Patnubay ng Diyos na pangungunahan tayo tungo sa buong Katotohanan. Pero kinakailangan n’yong sumunod sa inyong Tagapatnubay.
Huwag na huwag makikipagtalo sa Salita ng inyong Patnubay. Sumunod sa Kanya. Kung hindi kayo susunod, kayo ay maliligaw. At, tandaan, kapag iniwan ninyo Siya, kayo’y nag-iisa, kaya gusto nating maging malapit sa Patnubay.
Pinangungunahan tayo ng Espiritu Santo para sumunod sa Kanyang Tagapatnubay, na ang Espiritu Santo na nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang ikapitong mensaherong anghel. Hindi ito Salita ng isang tao, Ito ang Tinig ng Diyos para sa Kanyang Nobya at Ito lang ang TANGING BAGAY NA MAKASASAKDAL SA NOBYA.
Sumama kayo sa amin sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, sa pagpapasimula natin ng ating sanlinggo ng Pasko ng Pagkabuhay na makikinig sa ating Tagapatnubay. Kanyang pangungunahan tayo sa dako na hindi pa natin nararating noon.
62-1014E Isang Patnubay
Bro. Joseph Branham
Mga Kasulatan na kailangan basahin bago ang gawain:
Sn. Marcos 16:15-18
Sn. Juan 1:1 / 16:7-15
Mga Gawa 2:38
Mga Taga-Efeso 4:11-13 / 4: 30
Mga Hebreo 4:12
2 Pedro 1:21
Exodo 13:21
22-0403 Ang Kumikislap Na Pulang Ilaw Ng Tanda Ng Kanyang Pagdating
Lahat ng Nakasakay,
Maluwalhati ang Diyos, sa araw na ito na kinabubuhayan natin. Tayo’y nakikinig sa isang Mensahe na napatunayan na, sa pamamagitan ng pagkilos mismo, na si Jesus Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman. Ginawa Nito mismo ang siya ring mga bagay na Kanyang ginawa noong Siya’y narito noon sa lupa; pinagaling ang maysakit, natalos ang mga diwa na nasa pag-iisip, ipinakita ang mga bagay na magaganap, nagbangon ng patay, at sa tuwina, Ito’y sadyang ganap mismo.
Inanod na ng tubig ang lahat ng lupa na nasa ibabaw ng bundok. Wala nang natira kundi Bato. May mahiwagang Sulat sa Bato, kaya ipinadala ng Diyos sa atin ang Kanyang dakilang propeta para ipaliwanag ang Sulat sa Kanyang Nobya. Ngayon ang Biblia’y ganap na ipinaliwanag na.
Dinala Niya ang Kanyang dakilang anghel sa ibabaw ng bundok at inilagay ANG TABAK NG PANGINOON SA KANYANG KAMAY. Tinagpas pagkatapos ng Kanyang anghel ang ibabaw ng bundok na ’yun at iniangat ito. Sa loob nun ay may puting bato, na parang batong granito na walang nakasulat.
Ibinilin niya sa atin na tumingin Dito habang siya’y paparoon sa Kanluran. Siya’y iniangat pagkatapos sa kalagitnaan ng Pitong Anghel at bumalik at inihayag sa atin ANG LAHAT NG HINDI NASUSULAT SA BATO.
“Ito ang Aking lingkod. At tinawag Ko siya na maging isang propeta sa kapanahunan, para pangunahan ang mga tao gaya ng ginawa noon ni Moises. At siya’t pinagkalooban ng kapamahalaan, na magagawa niyang ang kanyang bigkasin ay magkatotoo.” O parang ganoon, gaya ng ginawa noon ni Moises, na nagsalita para magkaroon ng mga langaw. At alam natin ang tungkol sa mga squirrel, at kung ano pa, at ang mga bagay na nangyari. Hayan po si munting Hattie Wright sa likod diyan, sa palagay ko’y alam n’yo na ang nangyari doon sa kanyang bahay.
Si W-I-L-L-I-A-M M-A-R-R-I-O-N B-R-A-N-H-A-M ay lingkod ng Diyos na Kanyang pinili para pangunahan ang Kanyang Nobya sa panahon ngayon. Siya ang laman na Kanyang pinili para makapangusap sa atin gaya ng ginawa Niya noong Siya’y pumarito noon sa laman 2000 taon na ang nakararaan. Bawat Kasulatan ay nagpapatunay Rito. Inihahayag Ito ng bawat Kasulatan. Ngayon ay may ganap na kasiguraduhan na kamit natin ang TUNAY NA KAPAHAYAGAN kung sino Siya NOON, sino Siya NGAYON at kung sino tayo NGAYON: na Kanyang piniling pinakasisintang Nobya.
Batid natin na tayo’y nasa Kanyang sakdal na Kalooban sa pamamagitan ng pananatili sa Kanyang Salita. Ito’y nagdadala mismo ng kagalakan at kasiyahan. Imposible para mailahad sa salita lamang kung anong ibig sabihin nito sa atin.
Batid natin sa tuwina sa kaibuturan ng ating puso at kaluluwa na may kung anong bagay na kakaiba roon. Alam natin, kahit noong nasa kasalanan pa tayo, na may kung anong bagay roon na hindi natin maipaliwanag, pero Ito’y naroon mismo. Ngayon ay ALAM na natin. Hindi tayo nakaranas ng tulad nito noon, na wala nang pag-aalinlangan, wala nang pagaagam-agam, wala nang pangunguwestiyon, haya’t Ito’y nakaukit na’t nakasulat na sa ating kaluluwa. MALUWALHATI ANG DIYOS!!
Tayo ang henerasyon na hindi lilipas hangga’t ang lahat ng mga bagay na ito’y maganap. Tayo ang henerasyon na nakikita ang apostasiya na nagaganap mismo sa harap ng ating mga mata. Ang panahon ay napipinto na talaga. Ang kumikislap na pulang ilaw ng Kanyang Pagparito ay narito na. Ang huli Niyang babala ay nangyayari na.
Nasa buong paligid na natin ang kamatayan at pagkawasak. Tayo’y nabubuhay na sa Sodoma at Gomorra. Hayan ang kalaswaan, kasalanan, na ang puso ng tao’y nanlulupaypay sa takot, mga bomba atomika, gitgitan sa pagitan ng mga bansa, at sa buong panahon na ito ay lumalakip tayo sa isa’t isa at nakaupo na magkakasama sa Makalangit na mga dako habang ang Diyos Mismo’y sinasabi sa ating, HUWAG MATAKOT, KAYO ANG AKING PINAKASISINTA. Walang anumang bagay ang mangyayari sa inyo. Panatilihin n’yo lamang na ang mga puso n’yo ay umaalab sa kaibuturan n’yo habang Ako’y nakikipag-usap sa inyo sa daan at nagsasaysay sa inyo, na KAYO ANG AKING NOBYA.
Halikayo at makiisa sa amin sa Linggong ito nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, dahil may ingay na nagaganap. Ang preno ay umaapak na. Ang pulang ilaw ay nagsisimula nang kumislap. Kung umaasa kayo na umalis kasama namin, siguraduhin n’yong isasantabi n’yo ang supot na ’yan ng mani, ihihinto ang inyong pakikipagkuwentuhan, ihahanda ang inyong mga maleta, at maghahanda o kayo’y maiiwan, dahil siya’y humihinto sa bawat lokal nang kaunting sandali lamang. Siya’y paparating na para ipangusap ang: Ang Kumikislap Na Pulang Ilaw Ng Tanda Ng Kanyang Pagdating 63-0623E.
Bro. Joseph Branham
Mga Kasulatan na dapat basahin bago ang Mensahe:
Sn. Mateo 5:28 / 22:20 / ika-24 na Kabanata
2 Timoteo ika-4 na Kabanata
Jude 1: 7
Genesis ika-6 na Kabanata
22-0327 Pagtayo Sa Siwang
Minamahal na Matatapat,
Itong nakaraang ilang linggo’y ang pinaka maluwalhating panahon sa buong buhay natin. Isa ito sa pinaka mahalagang bagay na makiisa kasama ang Kanyang Nobya sa buong mundo, na nakikinig sa Diyos na inihahayag ang Pitong Tatak.
Ano itong nagkakaisa tayo na pinakikinggan natin nang sama-sama lahat?
“Sa loob ng piramide na iyan, mayroong maputing Bato na hindi naisulat.” Iyan ang dahilan kung bakit kailangan kong tumungo sa kanluran, upang iugnay sa Mensahe ng mga Anghel na ito, upang bumalik dito upang ihayag Iyan sa iglesya.
Kinailangan niyang pumunta sa kanluran para umugnay sa 7 Anghel, para bumalik upang ihayag sa atin kung ano ang bagay na ’yun na hindi naisulat; pero ngayon, sa pamamagitan ng Kapahayagan, ay inihayag sa atin at ibinibigay sa atin ang Pananampalataya ukol sa Pag-agaw.
Napapakinggan na natin ang Mga Mensaheng ito nang buong buhay natin, pero ngayon ang mga ito’y nahahayag nang di katulad noon; ngayon ang araw mismo, ngayon ang panahon. Nakikita natin at napapakinggan kung ano ang bagay na Kanyang sinabi sa atin na mangyayari, kapwa sa mundo at sa Mensahe na ito, at ito’y nahahayag na sa ating mga mata mismo.
Ang ating ika-7 mensaherong anghel ba’y isa lang sa mga propeta gaya ng mga propeta noong lumang panahon? Hindi, siya’y tinawag sa mas mataas pang katungkulan kaysa sa lahat ng mga propeta bago siya. Dahil Ito’y ang Anak ng Tao na inihahayag ang Kanyang Sarili sa laman ng tao kagaya ng ginawa Niya 2000 taon ang nakararaan. Ang ating propeta’y tinawag para PANGUNAHAN ANG NOBYA patungo mismo sa ating bagong Tahanan, na pagkatapos ay kanyang ihaharap tayo sa Panginoon.
Sinabi niya sa atin na ang kanyang pagmiministeryo’y tumitipo sa buhay ni Moises nang ganap. Habang si Moises ay nasa kanyang paglalakbay na sinusundan ang Haliging Apoy, may mga kalalakihan na tumayo’t kinompronta siya. Ang mga kalalakihan na ito’y tinawag din palabas at nasa kanilang daan din patungo sa lupang pangako. Hinamon nila si Moises sa pagsasabi na masyado daw niyang iniaangat ang kanyang sarili; hindi lang naman daw siya ang banal na tinawag, sila rin daw ay mga banal at marapat din silang makapangaral.
Sinabi niya na sila’y mga banal na kalalakihan, at tunay naman na may bagay sila na gagawin, pero ang tinawag ng Diyos ay SIYA, SI MOISES, ISANG TAO, para pangunahan ang mga tao.
Sila’y may kani-kanilang puwesto. Sila’y pinahiran. Ginagawa nila ang bagay na katawagan nila’t pagkakaordena sa kanila na gawin na pagsasabi sa mga tao na, “makinig kay Moises”, pero naghangad sila na magsabi ng HIGIT PANG BAGAY, O IPALIWANAG ANG BAGAY NA SINASABI NI MOISES. Hindi sila nasasapatan na ituro lamang ang mga tao na makinig kay Moises. Ang nais nila’y pangunahan ang mga tao. Nais nilang gumawa ng higit pang bagay, o ibang bagay, kaysa sa kung ano ang inatas sa kanila na gawin.
Kung mayroon kayong pagdududa sa inyong isipan kung sino ang ating propeta, o kung ano ang pagkatawag sa kanya na gawin, inaanyayahan ko kayo na tumungo ng kanluran para tumanaw sa bulubundukin na ’yun na ang Diyos Mismo’y nagpamalas ng walang hanggang tanda sa lupa, sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng ating propeta, B-R-A-N-H-A-M, doon sa bundok na ’yun.
Kayo ang Nobya ni Jesus Cristo. Kanyang pinili at itinalaga na kayo noong una. Ang Kanyang Salita ay nabubuhay at nananahan sa inyo. Kayo ang nabubuhay na Salitang nagsalaman. Ipinagkaloob Niya sa inyo ang Kapahayagan ng Kanyang Salita. Walang kapangyarihan si Satanas sa inyo. Ang Pananampalataya na ’yun ukol sa Pag-agaw ay nabubuhay at nananahan sa inyo.
Pinangungunahan ng Espiritu Santo ang Kanyang Nobya sa pamamagitan ng Kanyang natatanging inilaang daan para sa panahon ngayon, ang Kanyang Salita mismo na binigkas ng Kanyang ika-7 anghel na propeta. Ang propeta na ’yun ay ang ating pastor.
Ipinangako sa atin ng ating pastor na anumang bagong teyp na mensahe’y manggagaling unang-una mula sa imbakang Kamalig, hanggang sa baguhin Ito ng Panginoon. Dahil doon nga gagawin ang nakaimbak na mga teyp.
Tinuruan din niya ang kanyang katulungang pastor na si Kapatid na Neville, at ngayon dahil sa Kanyang Biyaya, ay ako na, kung ano ang mga gagawin natin sa simbahan.
Idinadalangin ko na tulungan Mo ang aming mahal na pastor, si Kapatid na Neville. Gawin siya, Panginoon, na puspos ng biyaya at puspos ng kapangyarihan, at may kaunawaan, na kunin nawa niya ang naimbak na Pagkaing ito at pakainin ang mga cordero ng Diyos.
Ang mga teyp na ito ay para sa kanila na mga tinawag para pagpastulan ng propeta. Kung nais ninyong pakinggan ang GANITO ANG SABI NG PANGINOON, halikayo at pakinggan kasama namin nang Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, ang: Pagtayo Sa Siwang 63-0623M, habang pinakikinggan natin ang inimbak na Pagkain na inilaan para sa Nobya.
Sisimulan natin ang Mensahe sa talata bilang 27.
Bro. Joseph Branham
Mga Kasulatan
Mga Bilang 16: 3-4
22-0320 Ang Ikapitong Tatak
MENSAHE: 63-0324E Ang Ikapitong Tatak
- 25-0420 Ang Ikapitong Tatak
- 25-0417 Komunyon
- 23-0910 Ang Ikapitong Tatak
- 22-0320 Ang Ikapitong Tatak
- 21-0314 Ang Ikapitong Tatak
- 21-0314 Ang Ikapitong Tatak
- 19-0512 Ang Ikapitong Tatak
- 17-0423 Ang Ikapitong Tatak
Minamahal na Nobyang Matapat,
Gaya nang binuksan niya ang ikapitong tatak, nagkaroon ng katahimikan sa langit nang kalahating oras
- Heto ang Pitong magkakasunod na Kulog, sunud-sunod: isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, sadyang ganap na bilang. Pitong Kulog na magkakasunod, na binigkas, hindi…sadya ngang—ngang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, na magkakasunod. Pagkatapos, hindi Yun maisusulat ng Kalangitan. Walang nalalaman ang Kalangitan tungkol Dito, wala mismo, dahil walang nagaganap na anuman. Panahon ‘yun ng pamamahinga, sadyang dakila ‘yun, na anupa’t, itinago Itong lihim mula sa mga Anghel.
- At noong bigkasin ng pitong kulog ang kanilang mga tinig, akin sanang isusulat…May bagay na sinabi. Hindi lang ‘yun ingay. May bagay na sinabi. Kanya na sana itong isusulat.
…at nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit na sinasabi sa akin,…
Tumingin kung saan naroon ang mga tinig, haya’t sa mga Kulog. Hindi sa Langit; sa lupa! Ang mga Kulog ay hindi binigkas mula sa kalangitan. Ang mga ito’y binigkas mula sa lupa. - Bilang na pito, ang ganap na bilang ng Diyos. Pito mismo na sunud-sunod. Pitong mga kulog ang binigkas nang sunud-sunod na lakip-lakip, na nagmistulang may binabaybay silang isang bagay.
Ang mithi ng ating puso ay maging tunay na anak na lalaki o anak na babae ng Diyos; ang maging handa sa Kanyang parating na Pag-agaw. Kaya kinakailangan nating tanungin ang Panginoon: “Ano ba ang magbibigay sa Nobya ng Pananampalataya ukol sa Pag-agaw na kinakailangan nito”?
- Naniniwala ako, na sa pamamagitan ng Pitong Kulog ay mahahayag sa huling mga araw upang paglakip-lakipin ang Nobya para sa pananampalataya ukol sa pag-agaw.
- At Pitong Kulog, sa mismong kapahayagan dito ni Jesus Cristo, ito’y isang hiwaga. Hindi ba’t sinabi ng Biblia na Ito’y ang “kapahayagan ukol kay Jesus Cristo”? Bakit, mayroong natatagong hiwaga, kung ganoon, ukol Dito. Hum! Ano ba Ito? Naroon Ito sa Pitong Kulog na ito. Dahil, akma na sanang isusulat ni Juan, at may isang Tinig na bumaba mula sa Langit, ang nagsasabi, “Huwag mong isulat Ito. Kundi, tatakan Ito. Tatakan Ito. Ilagay Ito sa likuran ng bahagi ng Aklat.” Kinakailangan Itong mahayag, Ito’y ang hiwaga.
Ang Espiritu Santo ba, sa pamamagitan ng pagmiministeryo na ito, ay ihahayag sa Kanyang Nobya ang Kapahayagan ng Pitong Kulog na magkakaloob sa kanila ng pananampalataya ukol sa Pag-agaw.
- Ngayon ang mensaherong ito ng Malakias 4 at Apocalipsis 10:7 ay may gagawing dalawang bagay. Una: Ayon sa Malakias 4 ay Kanyang ipananauli ang mga puso ng mga anak tungo sa mga magulang. Ikalawa: Kanyang ihahayag ang mga hiwaga ng pitong kulog sa Apocalipsis 10 na mga kapahayagang nakapaloob sa pitong tatak.
- Ang Mga Tatak na ito’y nasa likurang bahagi ng Aklat. “At sa panahon na ang ikapitong anghel ay magpapatunog, lahat ng mga hiwaga na nasusulat sa Aklat ay matatapos.” At agad-agad ang Aklat, na bukas at nasusulatan sa loob, ay isinarado, “Ang mga hiwaga ng Diyos ay matatapos.” At ito ang mga hiwaga ng Diyos: ang pag-alis ng Iglesya, at lahat ng iba pang mga bagay. “Ang mga hiwaga’y tapos na.” Kapag ang ikapitong anghel ay patutunugin ang bawat hiwaga, ito’y tapos na. Ibunsod nga sa sinuman, ang anumang bagay na ito. Hindi mabibigo ang Salita ng Diyos.
GANITO LANG ITONG KASIMPLE:
Ang hiwaga sa pamamagitan ng Pitong Kulog ay magbibigay sa Nobya ng Pag-agaw sa Pananampalataya. TANGING ang Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang Ikapitong anghel na Mensahero, ay ihahayag ang PITONG KULOG sa Nobya.
Kung nais mong mahayag sa iyo ang Pitong Kulog, pagkalooban ka ng Pag-agaw sa Pananampalataya, wala nang ibang paraan para tanggapin ang kapahayagan na ‘yun kundi ang kunin Ito mula sa tanging pinatotohanan na Tinig para sa ating panahon; hindi mula sa akin, hindi mula sa inyong lokal na pastor, ebanghelista, o guro, kundi mula sa pastor para sa buong mundo, sa pamamagitan ng PAGPINDOT NG PLAY.
Halikayo, at pakinggan ang lahat ng mga hiwaga na mahayag; tanggapin n’yo ang Pananampalataya ukol sa Pag-agaw at punuin ang inyong Ilawan ng Langis, Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin ang Diyos na Kanyang inihahayag ang Sarili sa kasimplehan at ihahatid sa atin ang: Ang Ikapitong Tatak 63-0324E.
Bro Joseph Branham
Mga Kasulatan na kailangang basahin bago pakinggan ang Mensahe:
Deuteronomio 29:16-19
Unang Mga Hari 12:25-30
Ezekiel 48:1-7, 23-29
Mateo 24:31-32
Apocalipsis 7
Apocalipsis 8:1
Apocalipsis 10:1-7
Apocalipsis 14
22-0313 Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak
MENSAHE: 63-0324M Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak
- 25-0419 Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak
- 25-0417 Komunyon
- 23-0903 Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak
- 22-0313 Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak
- 21-0307 Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak
- 17-0422 Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak
Minamahal na Nagpapahingang Nobya,
Ngayong araw na ito, binabasa ng mundo ang mga ulo ng mga balita ng kung anong nangyari sa mundo kahapon: Takot, Pagkataranta, mga Misayl, mga Bombang Nukleyar, Pagkawasak, mga Kasinungalingan, mga Pandaraya, mga Pulitika, Kamatayan.
Pero ang Nobya’y Pinipindot ang Play, at pinakikinggan ang Tinig ng Diyos na nangungusap sa Kanila at sinasabi: Puting mga Balabal, Pag-aaring Ganap, Predestinasyon, Stimulasyon, Kapahayagan, Katotohanan, Pag-agaw, Buhay na Walang Hanggan.
Huwag kayong matakot giliw, Ako’y kasama ninyo, bawat segundo ng araw-araw.Ito’y ang dakila Kong plano na sinasaysay Ko sa inyong lahat. Ngayon, masdan n’yo itong lahat na nalaladlad sa harap mismo ng inyong mga mata.
Sila: Ito ang pinaka masamang araw ng buhay namin; ang lahat ay maaaring magwakas bukas.
Tayo: Ito ang pinaka dakilang araw ng buhay namin; ang lahat ay maaaring magwakas bukas.
Ang Diyos ay may isang inilaang daan, ANG KANYANG SALITA. Ipinadala Niya ang Kanyang propetang anghel kalakip ang Kanyang Tinig para tawagin palabas ang Kanyang Nobya at pangunahan sila patungo sa kanilang Bagong Tahanan na Kanyang inihanda para sa kanila.
Kung ninanais n’yo ang siya ring kaginhawaan, kapayapaan, at kapanatagan ng loob na kamit namin; kung ninanais n’yo na pumaroon at mabuhay sa Tahanan na ’yun na Kanyang inihanda para sa Kanyang Nobya; halikayo at samahan kami sa Linggong ito nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, at pakinggan ang tanging inilaan ng Diyos na Daan para sa panahon na ito, at pakinggan ang Kanyang pinagtibay na Tinig na kukulog sa atin: Mga Tanong At Mga Sagot Sa Mga Tatak 63-0324M.
Kaunting pagsilip sa ulo ng mga paksa na mapapakinggan n’yo sa Linggo.
Ano ang maglalakip sa Nobya: Ang Salita.
Kanino dumarating ang Salita: Sa propeta.
Sino ang makalangit na tagapagpaliwanag ng Salita: Ang propeta.
Sino ang Tinig ng Diyos para sa inyo: Ang propeta.
Kaninong Salita tayo hahatulan: Sa Salita ng Diyos na ipinangusap sa pamamagitan ng: PROPETA.
Bro. Joseph Branham
22-0306 Ang Ikaanim na Tatak
MENSAHE: 63-0323 Ang Ikaanim na Tatak
- 25-0418 Ang Ikaanim na Tatak
- 25-0417 Komunyon
- 23-0827 Ang Ikaanim na Tatak
- 22-0306 Ang Ikaanim na Tatak
- 21-0228 Ang Ikaanim na Tatak
- 19-0505 Ang Ikaanim na Tatak
- 19-0409 Ang Ikaanim na Tatak
Minamahal na Mga Tupa ng Diyos,
Anong bagay pa ba ang hihigit, gaano pa ba tayo magiging higit na mapalad na mga tao, kaysa ang mapasa ating presensiya ang Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon?
Isipin n’yo lang ’yun. Ang presensya ng Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon ay nasa atin. Kanyang inihayag sa atin na TAYO’Y DUMATING NA. Nandito na tayo! Ang Kapahayagan na Kanyang ibinigay sa atin ay nanggagaling mismo sa Diyos. Yun ang Katotohanan. Tayo ang Kanyang piniling Nobyang Tupa.
Napapakinggan natin ang Kanyang mga liham ng pag-ibig linggo-linggo na sinasabi sa atin: “Aking minamahal na mga Tupa, Aking tinatawag na ang mga tupa. Hindi Ito mapagkikilala ng mga kambing, subalit mapagkikilala n’yo Ito. Kayo’y nanatiling tapat, sapagkat nakikilala Ako ng Aking mga tupa at sa iba ay hindi sila susunod. Kinakailangan na Aking pinatotohanang espirituwal na tandang Tinig LAMANG.”
Hindi kayo nakipaglaro o tumingin man sa iba; nanatili kayong tapat sa Aking Tinig. Kayo ang Mga Iyon na hinihintay Ko. Alam Ko na kayo’y nililibak at hindi nauunawaan, pero sinabi Ko sa inyo na Ako’y magbabalik para sa inyo kung kayo ay MANANATILI SA AKING SALITA, at nagawa n’yo. NGAYON AKO’Y PARATING NA PARA SA INYO gaya ng Aking ipinangako na gagawin Ko. Ang Salita na inyong iniinom ay parating para kunin kayo tungo sa Ating Bagong Tahanan.
Ang iba marahil ay walang kapahayagan na mayroon tayo at sinasabi na may tao tayong kinikilingan; o sumasamba sa tao at hindi sa ating Panginoon. Ganoon na lamang silang kabulag. Kung totoo ’yun, kung ganoon ang Nobya ni Cristo na nasa kabila ng tabing ng panahon ay mali rin pala.
Noong makita ng propeta ang Nobya na tumatakbo papalapit sa kanya at nagsasabi, “aming kalugud-lugod na kapatid”, kanilang niyakap siya at inilagay siya sa isang Mataas na Dako. Aba’t…ang NOBYA pala ni Cristo ay nagpapakita ng pagkiling sa propeta sa paglalagay sa kanya sa isang Mataas na Dako? Sinasabi n’yo ba na hindi dapat nila ginawa ’yun?
At pagkatapos din nun, lahat ng mga Nobya ay nakatayo roon suot ang kanilang puting balabal at biglang sumigaw, “Kung hindi ka humayo dala ang Ebanghelyo, wala sana kami rito.” Kung siya pala’y hindi humayo ay wala sana sila roon?
Pagkatapos may isang Tinig sa itaas na nagsabi na tayo ay hahatulan batay sa SALITA na ipinangaral sa atin, at pagkatapos ay kanyang ihaharap tayo sa Kanya.
Hindi sinabi ng Tinig na hahatulan tayo sa kung ano ang sinabi ng iba pa o kung ano ang paliwanag ng iba sa sinabi niya, bagkus ay sa kung anong sinabi niya. Pagkatapos kanyang ihaharap tayo sa Kanya.
Nais ko lamang kunin ang kalayaan at mangusap bilang kinatawan ng bahagi ng Nobya na kamit ang siya ring Kapahayagan na taglay ko, at sabihin ang nararamdaman namin. Kung tayo’y HAHATULAN, at ang ating WALANG HANGGANG DESTINASYON ay nakadepende sa Salita na ipinangusap ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang propeta, kung ganoon kinakailangan natin pakinggan LAMANG ang Salita na ’yun mula sa Tinig ng Diyos para sa panahon natin. Hindi tayo maaari, at hindi isasandig ang ating Walang Hanggang destinasyon sa kung ano ang paliwanag ng ibang tao, o sabihin ng ibang tao, bagkus ay sa kung ano ang SINABI NIYA. DAPAT LAMANG NATING PAKINGGAN ANG TINIG NG DIYOS, at si William Marrion Branham ang TANGING TINIG NG DIYOS…DIYOS MISMO ANG MAY SABI.
Kung nasaktan ko kayo sa pagsasabi n’yan, patawarin n’yo ako, pero, ramdam ko na kagagalitan ’yan, pero, ako ang Tinig ng Diyos para sa inyo.
Kaya masaya tayo at nagpapasalamat sa Diyos na ating ginagawa mismo kung ano ang ginagawa ng Nobya sa kabilang ibayo. Ang lahat ng Kaluwalhatian, Karangalan at Papuri ay mauwi sa ating ISA AT NAG-IISANG PANGINOONG JESUS CRISTO. Gaya ng sinasabi sa atin ng propeta ng Apocalipsis 22:9, sambahin mo ang Diyos…SINASAMBA NGA NATIN at iniibig Siya nang lubos.
Atrasado na ang panahon. Ang Mga Kasulatan ay sobrang bilis nang natutupad kaysa sa kaya nating basahin ang lahat ng nangyayari. Siya’y parating na para sa Kanyang Nobya dali-dali. Ang mundo’y naglalakip. Ang Nobya ay naglalakip. Ang kalagayan para sa katuparan ay nakahanda na para sa Pag-agaw.
Pinupuri natin ang Panginoon para sa mga kalalakihang tinawag-ng-Diyos na ipinapangaral ang Salita, pero mga ministro, ilagak n’yo ang Tinig na ’yun na kayo at ang inyong mga tao’y hahatulan unang-una. Tipunin n’yo ang inyong kaiglesyahan at pakinggan ang nag-iisang pinagtibay na Tinig ng Diyos na mangusap. Pindutin n’yo ang Play.
Iniimbitahan namin ang lahat na pumasok na sa Daong at maligtas kasama namin habang naglalakip tayo at pinakikinggan ang Tinig ng Diyos na ipinapangusap ang Mga Salita na sa pamamagitan nito ay tayo’y hahatulan, nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, at pakinggan ang Ang Ikaanim Na Tatak 63-0323.
Ito ang Pagkain ng Tupa para sa Mga Tupa ng Diyos. Walang idinagdag, walang inalis at walang ipinapaliwanag pa, sadyang puro at di-nahaluang PAGKAIN NG TUPA.
Bro. Joseph Branham
Exodo 10:21-23
Isaias 13:6-11
Daniel 12:1-3
Mateo 24:1-30
Mateo 27:45
Sn. Juan 10:27
Apocalipsis 6
Apocalipsis 11:3-6
22-0227 Ang Ikalimang Tatak
MENSAHE: 63-0322 Ang Ikalimang Tatak
- 25-0413 Ang Ikalimang Tatak
- 23-0820 Ang Ikalimang Tatak23-0820
- 22-0227 Ang Ikalimang Tatak
- 21-0221 Ang Ikalimang Tatak
- 19-0504 Ang Ikalimang Tatak
- 17-0408 Ang Ikalimang Tatak
Minamahal na Isang Malaking Katawan ni Cristo,
Anong nagaganap ngayon? Ang Salita ng Diyos ay natutupad. Ang mga araw na matagal nang hinihintay ng Nobya ay nahahayag na ngayon sa harapan mismo ng mga mata natin. Ang mga paparating na araw na binabala ng propeta ng Diyos, ay narito na ngayon.
Isang Tatak ay nabuksan. Ano iyan? Isang hiwaga ay nahayag. Kita n’yo? At kapag ang isang hiwaga ay nahayag, kung magkagayo’y ang isang trumpeta ay tutunog. Ito ay magdedeklara ng digmaan. Ang isang salot ay babagsak, at isang kapanahunan ng iglesya ay nabuksan.
• Rusya
• Digmaan
• Komunismo
• Langis
• Mga Salot
Kapag pupunta na roon ang Rusya para kunin ang langis na ’yun, magmatyag kayo.
Ang Rusya, komunismo, ay hindi makasasakop ng anuman. Hindi maaring magkakamali ang Salita ng Diyos. Ang Romanismo ang sasakop sa sanglibutan.
Pinipigilan ng Anghel ng pagkawasak ang kamay ng Rusya, diyan sa mga bomba atomika; hanggang sa maglakip ang Iglesya nang sama-sama, at maging isang malaking Katawan ni Cristo. “Wala akong magagawang anuman hanggang sa dumating ka rito.” Oh, kung hindi ba’t isa ’yang pinagpalang katiyakan!
Ang Iglesya, ang Kanyang Nobya, ay lalakip na sama-sama mula sa palibot ng mundo bilang Isang Malaking Katawan ni Cristo, na nakikinig sa Diyos na nangungusap at inihahayag ang Kanyang Salita. Nakikita natin ang Salita na natutupad na sa mundo’t palibot natin, pero nakikita rin natin ang Salita na natutupad at nahahayag sa atin.
Tumatanggap tayo ng pagbabagong-sigla sa pamamagitan ng Kapahayagan na walang katulad dati habang ang mga propesiyang ito ay natutupad.
Ang mundo’y natataranta at natatakot. Sila’y nakaabang, nanonood at nababahala, ano kayang mangyayari kasunod? Ano kayang nakaabang sa kinabukasan? Ano kayang ibig sabihin ng lahat ng ito? Ang Rusya ba’y mananaig? Papaano na ang ekonomiya?
Samantala, ang Nobya’s PAYAPA. TAYO’Y MAY KAPAHINGAHAN, puspos ng Kanyang Espiritu Santo, nakikinig sa Kanya na nagsasalita sa pamamagitan ng Kanyang dakila’t malakas na anghel habang Kanyang sinasabi sa atin: Huwag kayong matakot sa anuman munti Kong kawan, kayo ang pinili Kong minamahal. Kayo:
Ang mga pinili bago itatag ang sanlibutan. Amen! At sila ay mga tapat sa Salita. Amen! Whew! Gusto ko ang isang iyan. “Tinawag na, pinili, bago itatag ang sanlibutan.” At pagkatapos, tapat sa Salita, sa kanilang pagpili, lahat ay pinasigla sa pamamagitan ng bagong alak at Langis, sadyang tumatakbo mismo sa tabi, bumababa upang salubungin siya. Alam nilang ang mga Kulog ang magpapaliwanag ng bagay para sa atin, malapit na malapit na.
Napagkikilala Niya na tayo’y tapat sa Kanyang Salita. Ginawa natin ito sa pamamagitan ng sarili nating pagpili. Ngayon tayo’y sadyang nakasakay mismo’t tumutugaygay, nalalaman na ibubunsod ng Mga Kulog ang bagay na ’yun sa atin malapit-lapit na, at Siya’y babalik at dadalhin tayo sa ating Bagong Tahanan.
Marami pa siyang ibig na malaman natin. May bagay na umaalab mismo sa kanyang puso na nais niyang sabihin sa atin. Hindi siya halos makapaghintay dahil alam niya na ito’y magbibigay sa atin ng Pagbabagong-sigla. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ipinahintulot Niya ang Kanyang propeta na makita tayo, na kanyang mga hirang, sa kabilang ibayo kasama siya. Ang sabi niya, “Noong makita ko kayo, lahat kayo’y nakadamit ng PUTING BALABAL.”
Tayo’y tinipon kasama siya. Ating binuhat siya at iniupo siya sa isang malaki’t mataas na bagay. Ang sabi natin sa kanya, “sa lupa, ikaw ang aming lider”.
Nasa ilang milyon tayo na tumatakbo papalapit sa kanya at niyayakap siya at tinatawag siyang “kapatid”. Bigla-bigla na lang may isang Tinig mula sa itaas na nangusap at nagsabi, “Ang mga taong ito’y ang iyong mga naakay na iyong inakay. Hahatulan ka sa bagay na sinabi mo sa kanila.”
Nagsalita ang propeta at nagsabi, “Kung ang grupo ni Pablo’y nakapasok, maging ang akin din, dahil ipinangaral ko nang eksakto ang siya ring Salita.” At lahat tayo’y sumigaw NANG SABAY-SABAY, NANG ISANG TINIG:
“Kami’y nakasandig Diyan!”
Purihin ang Pangalan ng Panginoon, tayo’y nakasandig sa bawat Salita na Kanyang binigkas sa pamamagitan ng Kanyang propeta. Tayo’y hahatulan sa pamamagitan ng Salita na ’yan. Tayo ang mga tagasunod ng propeta. Siya ang ating lider na nag-akay sa atin patungo kay Cristo. Lahat tayo’y nakasuot ng Puting mga Balabal. Hindi tayo nananangan sa anumang sabi-sabihin ng iba, o sa anumang bagay na sinasabing ganito-ganyan ito, tayo’y nakasandig mismo sa bawat Salita na kanyang sinabi.
Grabeng araw at panahon na kinabubuhayan natin, Nobya. Kung mapapakinggan n’yo ang mga balita ngayon, malalaman n’yo kung anong nangyari kahapon. Kung pipindutin n’yo ang Play, haya’t mapapakinggan n’yo kung anong mangyayari sa kinabukasan, at sa susunod na araw, at sa susunod, at sa susunod.
Tayo’y magsama-sama bilang Isang Malaking Katawan Ni Cristo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin: Ang Ikalimang Tatak 63-0322. Wala nang ano kaya, wala nang aasa-asa, bagkus ay NALALAMAN n’yo mismo na kayo’y nakikinig sa purong GANITO ANG SABI NG PANGINOON mula sa Tinig ng Diyos para sa ating panahon.
Bro. Joseph Branham
Mga Kasulatan na dapat basahin bago pakinggan ang Mensahe:
Daniel 9:20-27
Mga Gawa 15:13-14
Mga Taga-Roma 11:25-26
Apocalipsis 6:9-11 / 11:7-8 / 22:8-9
22-0220 Ang Ikaapat na Tatak
MENSAHE: 63-0321 Ang Ikaapat na Tatak
- 25-0406 Ang Ikaapat na Tatak
- 23-0813 Ang Ikaapat na Tatak23-0813
- 22-0220 Ang Ikaapat na Tatak
- 21-0214 Ang Ikaapat na Tatak
- 19-0428 Ang Ikaapat na Tatak
- 17-0402 Ang Ikaapat na Tatak
Minamahal na Inistimulang Nobya,
Sa araw na ang Mensahe’y dumating, tayong lahat ay nagkakaisa, sa isang lugar, mula sa buong palibot ng mundo, nang bigla na lang may tunog mula sa Langit na gaya sa isang humahagibis na malakas na hangin. “Magandang umaga, mga kaibigan. Tumayo tayo para sa pansumandaling pananalangin.” Ang Espiritu Santo’y pinupuno ang lahat ng mga bahay natin at mga simbahan kung saan tayo nakaupo, sa Kanyang presensya.
Pagkatapos ang kapangyarihan ng Kapahayagan ng Salita ay nagsimulang magbigay sa atin ng istimulasyon sa kagalakan, istimulasyon sa kaluguran; ang istimulasyon na Ito’y pinagtibay, Ito’y pinatunayan, na tayo ang piniling kaibig-ibig na Nobya ni Jesus Cristo.
Tayo’y naghihintay nang may higit na pananabik para sa Pitong Kulog na bigkasin ang Kanilang mga tinig sa atin, dahil nalalaman natin ngayon, nang walang anino ng pag-aalinlangan, na tayo ang grupo na ’yun na pinanghawakan ang Salita ng Diyos. Tayo’y hihiwa at tatagpas sa pamamagitan Nito. Magagawa nating isara ang kalangitan, magagawa nating ipinid ito, o gawin ’yun, anuman ang nais natin. Ang kaaway ay mapapaslang sa pamamagitan ng Salita na nanggagaling mula sa ating bibig, dahil Ito ay mas matalas kaysa sa isang tabak na may dalawang talim. Maaari nga tayong tumawag nang sandaang bilyong tonelada ng mga langaw kung naisin natin. Anuman ang SABIHIN NATIN, ito’y mangyayari, dahil Ito ang Salita ng Diyos na nanggagaling sa bibig ng Diyos.
Magkakaroon tayo ng kumpleto’t, kataas-taasang pagkontrol sa lupa, dahil tayo’y maliit na diyos. Ang Diyos ang Diyos ng kalawakan, lahat ng dako, pero ang lupa’y mapapasa ating kontrol. Magagawa nating magsalita, magagawa nating magpangalan, magagawa nating magwika, magagawa nating pahintuin ang kalikasan, magagawa natin ang anumang nais natin; ito’y ang ating pamana na pinanauli.
Sasabihin ni Satnas, “Pero sila’y may sala!” Pero Siya’y sisigaw at magsasabi, “SILA’Y HINDI. Kanila nang ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at nakatayo sa harapan Ko na ganap na inaring ganap. Hindi Ko na ito maaalala pa. Sila’y lubos Ko mismong anak.”
Hindi ’yan sarili nating ideya, ni hindi ito ating sariling salita, bagkus ito’y ang KANYANG SALITA, KANYANG PANGAKO, dahil ang Diyos ay hindi nagbabago ng Kanyang plano ni ng Kanyang pamamaraan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Gumagamit Siya sa tuwina ng tao, at sinasabi Niya sa atin na tayo’y ang Kanyang lubos na pinanauli’t nahayag na Nobya na nananatili mismo sa Kanyang Salita.
Hindi tayo kailanman nakisama sa kung anong iba kundi sa Kanyang Orihinal na Salita lamang. Hindi tayo kailanman nakipagsapalaran, ni tumingin man lang sa kung anong iba, bagkus tayo’y nanatili sa Tinig ng Diyos, ang Nagsalamang Salita na naging laman, ang pinatototohanang Haliging Apoy, ang Anak ng Tao, ang Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Tayo ang Kanyang birheng Nobyang Salita.
Yamang binabanggit ang pagi-istimula sa pamamagitan ng Kapahayagan. Gaya ng ating kapatid na babae noon sa may Balon, hindi natin kailangang maghintay nang buong gabi o maghintay hanggang sa susunod na gabi, kamit na natin Ito mismo ngayon. Tayo’y Kanyang binhi. Ang Liwanag na ’yun ay suminag sa atin at may kung anong bagay sa kaibuturan na sumibol patungo sa isang bagong Buhay. Ngayon tayo’y nasa daan na na ipinapamalita sa lahat, “Nakamit na namin. Lahat ng haka-haka ay tapos na, ang Diyos na Mismo ang nagsasalita sa amin sa bawat Mensahe na naririnig namin, na sinasabi sa amin: ‘Kayo ang mga yaon na hinihintay Ko. Ngayon Aking dadalhin kayo sa Ating honeymoon. Aking ginawan kayo ng isang magandang Tahanan sa kung papaano n’yo kaluluguran itong lahat. Tayo’y gugugol nang walang hanggang na magkasama.”
Para sa atin, ang Katotohanan ng ipinangakong Salita ng Diyos ay pinatototohanan na’t nahayag na. Juan 14:12, Joel 2:28, Ikawalang Timoteo 3, Malakias 4, Apocalipsis 10. Tayo’y napupuno ngayon ng Langis at naiistimula.
Nais n’yo ba ng siya ring Istimulasyon na ito? Makakamit n’yo, pero may nag-iisang dako lamang na makakamit n’yo Ito. Kagaya noong si Jesus ay nasa kasalan noon at naubusan ang mga tao roon ng alak. Sila’y tunay na umiinom ng alak at binibigyan sila nun ng istimulasyon, pero ang PINAKAMAINAM NA ALAK ay nanggagaling direkta mula kay Jesus Mismo.
Halikayo at uminom ng Pinakamainam na Alak at tanggapin ang pinakamainam na Istimulasyon ng Kapahayagan kasama kami sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin ang: Ang Ikaapat Na Tatak 63-0321.
Maging handa mismo na malasing sa Espiritu Santong Alak.
Bro. Joseph Branham
Mga Kasulatan na dapat basahin bilang preparasyon para sa pakikinig sa pangangaral na “Ikaapat Na Tatak” 63-0321.
Sn. Mateo 4
Sn. Lucas 24:49
Sn. Juan 6:63
Mga Gawa 2:38
Apocalipsis 2:18-23, 6:7-8, 10:1-7, 12:13, 13:1-14, 16:12-16, 19:15-17
Genesis 1:1
Mga Awit 16:8-11
II Samuel 6:14
Jeremias 32
Joel 2:28
Amos 3:7
Malakias 4