22-0501 Hindi Hinahatulan Ng Diyos Ang Tao Nang Hindi Muna Siya Binabalaan

MENSAHE: 63-0724 Hindi Hinahatulan Ng Diyos Ang Tao Nang Hindi Muna Siya Binabalaan

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Munting Kuwerdas de Relo, Pangunahing Kuwerdas de Relo, o anuman kayo:

Tayong lahat ay bumubuo sa Katawan ni Cristo, sa ating posisyon, sa pagkakasundo-sundo, na nagsisikap na gawin sa pinaka mainam nating makakaya para sa Kanya. Wala nang iba pang bagay ang mas mahalaga sa atin, kundi ang Kanyang Salita, ang Mensaheng ito.

Talagang gustung-gusto natin na marinig ang propeta ng Diyos na sinasabi sa atin: “May kung anong bagay sa inyo na mga naturang tao. Kayo’y sadyang espesyal na tao sa buhay ko. May kung anong bagay na talagang gustung-gusto kong makipagkita sa inyo at sadyang makipag-usap sa inyo”.

“Tinitingnan-tingnan ko ang sarili kong munti’t mababang-loob na pagmiministeryo; na si Jesus Cristo’y siya rin kahapon, ngayon, at magpakailanman, at nakikita ko kung ano ang ginagawa Nito; na tinatawag at pinaglalakip ang Nobyang grupo na magkakasama. Ito’y pagkuha ng Gulong mula sa gulong”.

Alam natin na hindi Ito isang tao, Ito’y ang Salita ng Diyos na nagdadala sa Kanyang Nobya na maglakip. Ang mga bagay na nakikita natin na ipinapabunsod ay wala nang iba kundi ang Diyos. Wala nang marahil ganoon nga ito, maaring ganoon nga ito, mukha ngang ganoon ito, TALAGANG ITO’Y ANG DIYOS!!

Dumako na tayo sa kalagayan na Ito nga’y ang Perlas na malaki ang halaga para sa atin. Nakaalis na tayo sa anumang bagay na nagsasabi ng iba na kontra Rito. Hindi tayo nakatingin sa kung anong naabot ng tao o sinasabi, nakatuon tayo sa kung anong sinabi ng Diyos at kung ano ang Kanyang ipinangako na Kanyang gagawin sa ating panahon, at nakikita natin Siya na ginagawa Ito.

Yan ang ating Batayang-Ganap. Lahat ng kung ano tayo ngayon, lahat ng kung ano tayo noon, lahat ng inaasam natin kung magiging ano tayo sa hinaharap, ay nakalagay sa Mensaheng ito. Ito’y higit pa sa buhay para sa atin.

Gaya ng hindi pa nangyayari kailanman sa kasaysayan ng mundo, nakikita natin ang Diyos na nagbibigay ng babala, naghahanda para sa isang paghatol. Ang mga bomba atomika’y nasa mga silungan na ng eroplano, haya’y ang lahat ay nakahanda na.

Sa panahon na ito, ito’y hindi lang para sa isang munting grupo ng mga tao, katulad sa panahon noon ni Noe, o noong panahon ni Abraham; ito’y babala mismo ng Diyos sa mga tao ng mundo, na ipinapangusap sa pamamagitan ng Kanyang propeta, ito na ang huli n’yong babala.

Sinasabi Niya sa atin, “Bago Ko pahintulutan na mangyari ang bagay na ito, Ako’y may huling pagtawag, gaya ng ginawa Ko noon sa Sodoma, na lumabas na kayo mula roon. Maghanda kayo. May kung anong bagay na mangyayari”.

Nakadepende ang mundo sa kanilang dakilang siyentipikong naabot; pagha-hybrid na nagdala ng kamatayan sa mga henerasyon. Ang matatalino’t mga edukado’y sumasalig sa intelektuwal na panig: UN, NATO, League of Nations. Bawat araw ay nakikita natin na ang paghatol ay papalapit nang papalapit. Ang bagay na nakita ng propeta sa malayo’t sinaysay sa atin na mangyayari, ay nangyayari na mismo: Rusya, Digmaan, Langis, Vatican, Mga Judio, mga Bombang Nukleyar.

Wala nang pag-aagam kung anong mangyayari. Nakikita na natin ito mismo na nangyayari araw-araw, at ang takot sa mundo ay isang realidad na at lumalaki nang lumalaki araw-araw.

Pero katulad nga nang ginawa Niya sa panahon ni Hezekias, noong mangusap ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang propeta at binalaan ang mga tao, “Maghanda kayo, dahil ang mga kahatulan ay napipinto nang bumagsak.” Ibinubunsod ng Kanyang propeta na ang mga tao’y maghanda na para sa panahon na ‘yun na parating.

Ibinunsod ni Noe ang mga tao na maghanda noong panahon niya. Isa ’yung pagtawag ng kahabagan bago ang paghatol. Ang Diyos ay may inilaang daan, na isang propeta para pangunahan sila.

At sa tuwina’y ipinapadala Niya ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng Kanyang propeta, gaya ng ginawa Niya noong panahon ni Noe. Ginawa Niya ang siya ring bagay noong panahon ni Noe. Noong panahon ni Eli-…ni Moises, nakita natin na ginawa Niya ang siya ring bagay. Ipinadala Niya sa kanila ang Kanyang propeta, at inihiwalay nila ang kanilang sarili mula sa di-pananampalataya. Ngayon, ganoon ang uri na lumabas. Ganoong uri ang sumampalataya Rito.

Inihiwalay natin ang ating mga sarili mula sa lahat ng di-pananampalataya. Ang Diyos ay naglaan ng isang daan para sa Kanyang Nobya ngayon. Ipinangako Niya sa atin sa Kanyang Salita, “Bago ang paghatol, ipapadala Ko sa inyo ang isang propeta para tipunin ang Aking munti’t mapagpakumbabang Kawan, at iuupo Ko sila sa isang gilid, at sila’y magiging payapa, na hinihintay ang napipintong paghatol at ang pag-alpas”.

Tayo ang munting Kawan na ’yun. Tayo ’yun na iniibig ng Ama at tayo’y naghihintay nang may malaking pananabik para sa Kanyang nalalapit na Pagdating. Ang mundo’y gumuguho mismo sa paligid natin, pero tayo’y nasa kapahingahan at may kapayapaan.

Alam natin na tayo’y nasa Kanyang sakdal na kalooban. Kahit na nasaan pa tayo sa mundo, ang Diyos ay naglaan ng daan para lahat tayo’y makapaglakip na sama-sama sa palibot ng Kanyang Salita, sa palibot ng Kanyang Tinig. Ito ang inilaang daan ng Diyos.

At ang propetang ito’y dinidirekta sila sa inilaang daan ng Diyos. Ngayon, ’yun ang pamamaraan ng Diyos ng paggawa ng mga bagay-bagay. Kita n’yo?

Halikayo at umalpas sa paparating na paghatol kasama namin at pakinggan ang: 63-0724 Hindi Hinahatulan Ng Diyos Ang Tao Nang Hindi Muna Siya Binabalaan, sa Linggong ito nang 12:00 pm, oras sa Jeffersonville. Ito’y ang Tinig ng Diyos na nagsasalita at sinasabi sa atin: Ito ang Aking inilaang daan para sa panahon na ito.

Bro. Joseph Branham

Isaias 38:1-5

Amos Kabanata 1