Lahat na post ni admin5

22-0710 Tatlong Uri Ng Mga Mananampalataya

MENSAHE: 63-1124E Tatlong Uri Ng Mga Mananampalataya

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Mananampalataya,

Mantakin n’yo, ang Diyos, na Siyang gumawa ng lahat na mga bagay at ibinunsod ito sa pagkakaayos, ay bumaba at nagsalaman sa kalagitnaan natin, para tubusin tayo. At pagkatapos ay Kanyang kinikilala tayo sa Kanyang kapita-pitagang Presensya, na Siya’y tumatayo sa makasalanang lupa na ito sa huling mga araw, at pinatutunayan ang Kanyang Salita na ganoon mismo, dahil Siya’y may obligado sa Salita na ‘yun.

Binigyang-buhay ng Espiritu Santo ang Salita na ‘yun sa atin. Ito’y nabuhay. Sa pamamagitan ng pananampalataya ay nakikita natin ito. Batid natin na ganoon nga dahil sinabi ‘yun mismo ng Salita, at binibigyang-buhay ng Espiritu ang Salita na ‘yun sa atin. Ngayon tayo’y pinaglalakip ng Salita ng Diyos na nahayag sa laman, gaya ng sinabi ng propeta na Ito’y magkakaganoon nga.

Sinasampalatayanan Ito ng mananampalataya, sinasampalatayanan (ang ano?) ang Salita. Hindi kredo; ang Salita! Hindi denominasyon; ang Salita! Hindi kung ano ang sinasabi ng kung sinong iba; kung ano ang sinasabi mismo ng Salita! Ngayon, alalahanin n’yo, ‘yun ang mananampalataya. Ang mananampalataya ay hindi nangunguwestiyon? Hindi sinasabi ng mananampalataya, “Papaano ‘yun nagkaganoon. Kung maipapaliwanag ko lang!” Di-mananampalataya ang ganyan. Uh-huh. Ang mananampalataya, hayan nga, kahit na ano pa Ito, “Kung Ito ang Salita, Ito talaga ang Salita! Totoo ‘yun.” Ganoon ang mananampalataya.

Kinakailangan n’yong sampalatayanan ang bawat kuwit at bawat kudlit, at ang lahat mismo na sinasabi Roon. Anupa’t totoo mismo. Kung sasabihin mo, “Hindi ako naniniwala riyan. Ang iba kasi nito’y Diyos, ang iba’y tao, ang iba’y kuwento-kuwento lamang tungkol sa pangangaso.” Buweno, kung ganoon ay isa kang di-mananampalataya. Hindi nangunguwestiyon ang mananampalataya. Sinasampalatayanan Ito ng mananampalataya, kahit na ano pa ang tila dating Nito sa pandinig o kung ano ang sabihin ng kung sinu-sino ukol Dito, kahit na gaano pang kaimposible Ito, SINASAMPALATAYANAN NATIN ITO!

Bawat tao rito, na nandito, bawat tao na nakikinig sa teyp; at kahit na balang araw ay lilisanin ko ang mundo, ang mga teyp na ito’y mananatiling buhay. Ganoon nga. Kita n’yo? At nariyan kayo sa isa sa mga klase na ito. Siguradong naroon kayo.

Tayo’y nabubuhay sa huling mga araw at kinakailangan n’yong tingnan ang inyong buhay at tingnan kung saang uri ng mga tao kayo naroon. Sinasabi n’yo ba, “Sinasampalatayanan ko na ang Diyos ay nagsugo ng isang propeta na pinatotohanan ng Haliging Apoy?” Sinabi Niya sa amin na sampalatayanan ang bawat Salita. Na sabihin nang EKSAKTO kung ano ang mga nasa teyp at huwag ibahin ang isa man na Salita. Tayo’y hahatulan sa kung ano ang SINABI NIYA, hindi sa kung ano ang sinabi ng iba na sinabi niya, o sinasabi ng iba na ganoon daw ang ibig niyang sabihin, bagkus ay sa kung ano ang sinasabi ng mga teyp.

O, papanig kayo kina Core at Dathan, at sa kanila na nagsasabi, “Hindi lang siya ang nag-iisang banal na tao. May ibang mga tao rin naman na tinawag para gawin ang mga bagay na kanyang ginawa. Tumutuon kayo masyado sa propeta ng Diyos. Ang Espiritu Santo na mismo ang nangunguna sa atin ngayon. Iba nang kapanahunan ito”.

Kayo’y nasa isa sa mga klase na ito. Sa inyong kasalukuyang estado ngayon, sa kasalukuyang estado ng pag-iisip, na, kayo rito sa mga nandito na mga nakikinig, at sa inyo na nariyan na makikinig sa teyp na ito, ang kasalukuyang estado ng inyong pag-iisip pagkatapos pakinggan ang teyp na ito, ay nagpapatunay sa inyo kung nasaang klase kayo. Sinasabi n’yan mismo kung nasaan kayo, kung kayo ba’y isang mananampalataya sa Salita at mananatili Rito o kung kayo ba’y lalakad palayo, o pahihintuin ang teyp.

Purihin ang Pangalan ng Panginoon, tayo’y tunay na MGA MANANAMPALATAYA, hindi kung sino na nahimok lang ng kung sinong ibang tao; anupa’t hindi sa kung anong ibang bagay, kundi ang Espiritu Santo ang naghayag sa atin ng Salita Mismo. Nakita natin ang Espiritu Santo nang tahasan mismo, na pinatotohanan at inihayag.

Tayo’y sinusubok sa mga pagsubok na ito, sa maalikabok na mga daan, sa mainit na araw ng pag-uusig, pero ang katapatan ng ating mga puso ay pumipintig sa materyal ng Salita. Tayo’y handa na para dumako sa hulmaan. Tayo’y mga anak ng Diyos, hinubog nang tama sa Kanyang Salita. Tayo’y buhay na mga halimbawa, at ang Salita ng Diyos ay buhay na nananalaytay sa atin. Dumating ang mga pagsubok para alugin tayo, para ilagay tayo sa pinaka ibaba, para makita kung saan tayo titindig. Pero hindi tayo matitinag, tayo’y tumitindig sa bawat Salita.

Pakinggan n’yo habang sinasaysay Niya kung sino kayo.

Alalahanin n’yo na bawat bahagi n’yo ay narito, noong bigkasin ng Diyos ang mundo na umiral. Inilagay Niya ang inyong katawan dito noon pa lang. At walang makawawaglit nun maliban sa Diyos.

Walang makawawaglit Nito mula sa inyo. Walang makahahalili sa lugar n’yo kahit na gaano pa kayong kaliit. Sasabihin n’yo, “Maybahay lang ako.” Walang makahahalili sa lugar n’yo! Ang Diyos, sa Kanyang dakilang pamamalakad, ay inilagay na ang Katawan ni Cristo sa kaayusan, na anupa’t walang makakahalili sa lugar n’yo.

Maluwalhati…Hallelujah…Ang pakikinig sa inimbak na Pagkain ng Diyos ay nagiging mas higit at MAS HIGIT. Sa higit nating pakikinig sa Diyos na nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang piniling mensahero na sinasaysay kung sino tayo, mas umiigting nang higit ang ating Pananampalataya. Ang higit na kaligayahan na malaman natin na:

•Tayo’y “MGA TUNAY NA MANANAMPALATAYA”

•Tayo’y “ISA SA KANILA”

•Tayo “ANG NOBYA”

Nais kong ANYAYAHAN kayo na I-PRESS ANG PLAY kasama ko, ang Branham Tabernacle, at ang isang bahagi ng Nobya mula sa palibot ng mundo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, sa ating pagtitipun-tipon mula sa Silangan, Kanluran, Hilaga at Timog para pakinggan ang: Tatlong Uri Ng Mga Mananampalataya 63-1124E. Ito ang pangunguna sa atin ng Espiritu Santo na gawin. Para sa atin, ito ang programa ng Diyos.

•I-press ang play: Anumang teyp ang ilagay sa puso n’yo ng Diyos.

•I-press ang play: Makinig sa anumang oras na piliin n’yo.

•I-PRESS ANG PLAY: Ang mensahe ko sa inyo.

Bro. Joseph Branham.

Sn. Juan 6:60-71

22-0703 Anong Gagawin Ko Kay Jesus Na Tinatawag Na Cristo?

MENSAHE: 63-1124M Ano Ang Gagawin Ko Kay Jesus Na Tinatawag Na Cristo?

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na mga Agila, tayo’y magtipun-tipong lahat at pakinggan ang Mensahe na 63-1124M – Anong Gagawin Ko Kay Jesus Na Tinatawag Na Cristo? Sa Linggong ito nang 12:00 pm, oras sa Jeffersonville.

Brother Joseph Branham

22-0626 Siya Na Nasa Inyo

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Pinakadakilang Pananampalatayang Nobya,

Alam ko na simpleng liham lang ito na may di-maayos na gramatika, pero gusto kong malaman ng mundo na tayo’y sumasampalataya sa bawat salita na sinabi ng ating propeta at ating tinatanggap Ito na Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Kapag napapakinggan natin siya na may sinasabi sa teyp, sinasampalatayanan natin Ito, tinatanggap natin Ito, at pagkatapos ay personal na tinatanggap Ito na Diyos mismo na nangungusap nang direkta sa atin.

Ito’y ipinangaral na, at ganap na pinatotohanan ng Salita ng Diyos, na hindi ito maaaring sa ganang tao lang, kinakailangan na Diyos mismo.

Sinasampalatayanan natin ang siya ring materyal na mga tanda na lumitaw sa lupa sa panahon ngayon na lumitaw noong si Jesus ay narito noon. Ang siya ring Haliging Apoy na nakita ni San Pablo sa siya ring Kalikasan, na ginagawa ang siya ring bagay, ay dumating sa panahon natin. Ito’y ang Diyos na direktang nangungusap sa atin:

Ang siya ring espirituwal na tanda na Kanyang pinagkilanlan ang Kanyang Sarili noon bilang Mesiyas, ay pinagkikilanlan Siya sa panahon ngayon. Siya’y siya pa ring Mesiyas!

Matatanggap mo lamang ang mga dakilang pagpapala na ito KUNG sasampalatayanan mo na ang bawat Salita ay Ganito Ang Sabi Ng Panginoon, sa pag-press ng play. Kung ika’y isa sa hindi naniniwala diyan, at ang ginagawa’y nagdedesisyon nang intelektuwal o sa pamamagitan ng kung sino na sinasabi sa inyo: “Ito ang Salita ng Panginoon, at ito si Kapatid na Branham lamang na nagsasalita,” kung ganoon ay hindi ito para sa inyo.

Noong panahon na pinangunahan ni Moises ang mga anak ni Israel, mayroong isa, ‘yun ay si Moises. Ang iba pa sa kanila’y sadyang sumunod lamang sa Mensahe. Kita n’yo?

Pero ngayon, sa atin na SUMASAMPALATAYA MISMO SA GANOON, ang ating puso ay punung-puno ng galak at nag-uumapaw, hindi natin mapigilan ang galak sa ating puso.

Dama ko kasi na Kanyang tinubos tayo. Dama ko na ang ating mga pangalan ay nasa Kanyang Aklat. Naniniwala ako na tayo’y tinubos sa pamamagitan ng Dugo ng Cordero.

Dahil sinasampalatayanan natin na ang Mensaheng ito ay ang Tinig ng Diyos na nangungusap sa atin nang direkta, haya’t tinatanggap natin na ito ang Diyos Mismo na nangungusap sa atin nang labi sa tainga. WALANG PAG-AALINLANGAN na ang ating mga pangalan ay nasa Kanyang Aklat.

Ganito ko nais itong ilatag, na ang pagmiministeryo ni Jesus Cristo ay nagsalaman muli sa Kanyang Iglesya sa huling panahon na ito. Yun ang pinaniniwalaan ng marami sa atin. Kasama n’yo ako na naniniwala rito.

Ganito natin mismo ito pinaniniwalaan, na si Jesus Cristo ay nagsalaman muli, na nangungusap sa Kanyang Nobya sa teyp.

Sa tuwing ipi-press natin ang play haya’t ang ating pananampalataya ay umaabot sa bagong tugatog. Hindi ito basta kung sinong isa na namang mangangaral na nangungusap, ito’y ang Diyos Mismo na nangungusap sa atin. Ninanais lamang natin ang 100% na purong Salita.

Sige’t tatanungin ko kayo ng isang bagay. Si William Branham ba’y ang inyong pastor? Siya ba’y ang pinatotohanang ikapitong anghel na mensahero? Sinasampalatayanan n’yo ba na ang bagay na hiniling niya sa Diyos na gawin, ay ginawa ng Diyos? Naniniwala ba kayo na siya ang Tinig ng Diyos para sa panahong ito? Sinasampalatayanan n’yo ba ang bawat salita na kanyang sinabi? Kung ganoon ay pagpapalain kayo muli na di maisasalarawan ng salita itong Linggo.

Walang ibang paraan para matanggap n’yo ang biyayang ito maliban na pinakikinggan n’yo ang mga teyp at sinasampalatayanan ang bagay na inyong napapakinggan na Ganito Ang Sabi Ng Panginoon talaga. Kinakailangan n’yong sampalatayanan na ang sinasabi niya ay ang Diyos mismo na direktang nangungusap sa inyo.

Ako, bilang inyong pastor, inyong kapatid, kalakip ang pananampalataya na ito na taglay ko, hiniling ko sa Diyos na ito’y ilagay sa inyo. Naniniwala ako na tatanggapin ko ang bagay na ito na hiniling ko. Ngayon kung sasampalatayanan n’yo ito kasama ko; kalakip ang pananampalataya na taglay ko, ay aking itinatagubilin sa inyo sa mismong oras na ito.

Para sa atin, siya ang ating pastor. Walang iba sa mundo na may higit, o mas dakila pa, na Pananampalataya kaysa sa ATING PASTOR, ang propeta ng Diyos. Ngayon hiniling noon ng propeta ng Diyos sa Diyos na pagkalooban tayo ng KANYANG DAKILANG PANANAMPALATAYA. KUNG sasampalatayanan n’yo Ito nang buong puso n’yo, Ito ngayo’y PANANAMPALATAYA N’YO NA…MALUWALHATI’T, KAMIT MISMO NATIN!!! Ang Pananampalataya natin noo’y mahina marahil, pero hindi na ngayon, dahil ang kamit na natin ngayon ay ang kanyang PANANAMPALATAYA.

At ngayon, sa Pangalan ni Jesus Cristo, ang Anak ng Diyos, itakwil n’yo ang inyong mga dalamhati, ang inyong sakit, at sabihin n’yo rito, “kinakailangan mo nang lumayas,” dahil kamit n’yo na ang inyong pananampalataya, dagdag ang aking pananampalataya, sa kapangyarihan ni Jesus Cristo, na ang Kanyang pagiging nasa-lahat-ng-dako ay narito para ipagtibay ito at patotohanan na Siya’y nandito, na pagagalingin kayo sa oras na ito.

Ano pa bang masasabi ko na kayo’y makumbinse na sumama sa amin at tanggapin ang dakilang pagpapala na ito? Bulayin n’yo ito, anumang bagay na kailangan n’yo, ay maaari n’yong tanggapin kung kayo’y sasama para makinig at sadyang sampalatayanan Ito mismo.

Makinig sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, kasama ang Nobya. Tayo’y magtitipon at makikinig na mga taga-mula sa Silangan, sa Kanluran, sa Hilaga at sa Timog, nang sabay-sabay, habang ang Ganito Ang Sabi Ng Panginoon ay mangungusap sa atin at sasaysayin sa atin ang lahat ng tungkol sa: Siya Na Nasa Inyo 63-1110E.

Kung hindi kayo makapakinig kasabay namin sa parehong oras sa Linggo, ay ayos lang, maaari n’yong pindutin ang play anumang oras at pakinggan at sampalatayanan na ang bagay na inyong pinakikinggan ay ang Tinig Ng Diyos na nangungusap sa inyo.

Bro. Joseph Branham

22-0619 Mga Kaluluwang Nasa Bilangguan Ngayon

MENSAHE: 63-1110M Mga Kaluluwang Nasa Bilangguan Ngayon

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Ama, ano ba ang maaari kong isulat ngayong araw na ito para ako’y gamitin Mo, sa kung anong maliit na paraan, para pasiglahin ang Iyong pinaka iniingat-ingatang Nobya?

Ang Diyos ay dumating sa ating panahon at nanahan sa laman ng tao, sa isang tao na ang pangalan ay William Marrion Branham, nang sa gayon ay maihayag Niya at matupad ang Kanyang Salita. Yun ang Kapahayagan ni Jesus Cristo sa ating panahon.

Ang makinig sa Tinig na ’yun at sampalatayanan ang bawat Salita ay ang tanging inilaang daan ng Diyos para sa panahon ngayon. Siya’y nagpadala sa mundo ng maraming kalalakihan na pinahiran ng Kanyang Espiritu Santo, pero Siya’y nagsugo at nangusap sa pamamagitan ng isang lalaki para ihayag ang Kanyang Salita at pangunahan ang Kanyang Nobya.

Hindi Niya kailanman binabago ang Kanyang Programa o ang Kanyang Pamamaraan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Kung papaano Niya ito ginawa noong unang pagkakataon, ay Kanyang ginagawa ito sa tuwina. Kanyang pinangungunahan ang Kanyang bayan Mismo, sa pamamagitan ng Haliging Apoy.

Kayo ang piniling Nobya ng Diyos at walang magagawa ang diyablo o masasabi man para iwaglit ’yan mula sa inyo, WALA! Kanyang itinalaga na kayo bago pa itatag ang sanlibutan. Nakikilala na Niya kayo noon pa man, at kayo’y kasama na Niya noon. Alam Niya ang inyong pangalan. Alam Niya ang lahat tungkol sa inyo. Alam Niya ang mabubuti’t masasamang karanasan sa inyong buhay. Alam Niya ang inyong mga kabiguan, ang inyong mga pagkakamali, at Kanya pa rin kayong iniibig, dahil kayo’y bahagi Niya.

Ang inyong kaluluwa ay mapapakain lamang sa Kanyang Salita. Walang makakapuno sa inyo kundi ang Kanyang Salita. Gustung-gusto n’yo na binabasa ang Kanyang Salita at nagbubulay sa Kanya, na nananalangin mula sa kaibuturan ng inyong puso, na anupa’t kapag naririnig n’yo ang Kanyang Tinig na direktang nangungusap sa inyo, dinadala kayo niyon sa kabilang ibayo ng tabing ng panahon. Sapagkat nalalaman n’yo na kayo’y nakaupo kasama Niya sa Makalangit na mga dako habang Siya’y nangungusap nang labi sa tainga sa inyo, na inihahayag ang Kanyang Salita, na nagpapaalala sa inyong, KAYO ANG AKING NOBYA.

Marahil didikdikin at didikdikin at didikdikin kayo ng diyablo. Marahil malulugmok kayo nang sobrang baba kung minsan at mararamdaman n’yo na kayo’y ganap na kabiguan; pakiramdam n’yo ay walang katulad ang kabiguang dala n’yo sa Kanya. Na kayo ang pinakamalala sa pinakamalala, pero sa kung saang dako, diyan sa kaibuturan ng inyong kaluluwa, ay maririnig n’yo ang Marahang Bulong na Tinig na sinasabi sa inyo: “Walang makapaghihiwalay sa inyo mula sa Aking Salita, KAYO ANG AKING SALITA. Inilagay Ko ang inyong pangalan sa Aking Aklat ng Buhay ng Cordero, Mismo.”

Ano pa ba ang masasabi ko para palakasin ang loob n’yo ngayong araw na ito? I-press n’yo lamang ang play araw-araw at pakinggan ang Tinig ng Diyos na nangungusap at sinasabi sa inyo: Ganito Ang Sabi Ng Panginoon.

Kayo’y inaanyayahan na sumama sa Nobya ngayong Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang nagkakatipon tayo para pakinggan ang Marahang Bulong na Tinig: 63-1110M Mga Kaluluwang Nasa Bilangguan Ngayon.

Bro. Joseph Branham

Kasulatan na dapat basahin:

Genesis 15:16

Sn. Mateo 23: 27-34

Sn. Juan 4:23-24 / 6:49 / 14:12

1 Pedro 3:18-22

2 Pedro 2:4-5

Jude 1:5-6

22-0612 Mga Desperasyon

MENSAHE: 63-0901E Mga Desperasyon

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nilakipan-ng-Dugo, Nilakipan-ng-Tanda, na mga tao ng Tipan.

Alalahanin n’yo mismo, hindi tayo si Eba, hindi tayo isa sa mga mapagduda na nakikipagkompromiso kay Satanas. Mayroon tayong di-nauugang pananampalataya sa Salitang ito! Nanghahawakan tayo sa bawat Salita ng Diyos na Kanyang sinulat at binigkas sa mga teyp. Nagkaloob Ito sa atin ng SAKDAL NA PANANAMPALATAYA.

Hindi tayo nakatingin sa kung anong malaking pananampalataya na dapat nating taglayin sa ganang sarili natin. Hindi natin pinagpipilitang maging sapat na mabuti; hindi natin kayang maging sapat na mabuti, lagi tayong mabibigo sa tuwina. Hindi ’yun ang sinabi Niya sa atin na sampalatayanan. Ang sabi Niya’y magkaroon ng pananampalataya na sampalatayanan ang BAWAT SALITA na Kanyang sinabi na Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. YAN ANG GINAGAWA NATIN at Ito’y nagkaloob sa atin ng SAKDAL NA PANANAMPALATAYA SA KANYANG SALITA.

Pakinggan natin kung ano ang inuulat sa atin pabalik ng Espiritu Santo at sinasaysay sa Ama tungkol sa atin.

“Ako’y tumalima sa Iyong mga kautusan. Ako’y naghanap at nakahagilap ng munting grupo ng mga tao na nakakalat sa buong mundo. Nagpadala Ako ng mga tape boys sa kanilang bahay at nag-play ng mga teyp. Noong mapakinggan nila ang mga teyp, sinampalatayanan nila ang bawat Salita. Ngayon ginawa nila ang kanilang bahay na maging isang simbahan para tanggapin ang Mensahe. Sila’y Iyong predestinadong Mga Agila na nagkakatipon para pakinggan ang Iyong Salita.

Sinaysay Ko sa kanila na ang lahat ng dadako sa ilalim ng Tanda, ng Mensahe ng panahon, ay maliligtas. Sinaysay Ko sa kanila na sila’y lalakip na Isa sa Iyo at sa Iyong Salita. Kung Ito’y mapangyayari sa kanila, kung ganoon ay Iyong ilapat ang Tanda na ’yun sa kanilang mga anak. Ilapat Ito sa kanilang mga mahal sa buhay at dalhin sila sa ilalim ng Tanda na ’yun at sila rin ay maliligtas.

Sinaysay Ko sa kanila na mga nakikinig sa teyp: Aking inaangkin sila para sa Diyos. Sinasampalatayanan nila Ito noong sabihin Ko Ito, nang buong puso nila’t nang buong kaluluwa nila. Sila’y Aking mga tao, sila na iniibig Ko na nakikinig sa mga teyp.

Sinaysay Ko sa kanila na antabayanan nila ang parating pagkatapos ng Pitong Tatak: ang paglalakip ng mga tao, paglalakip na mga tanda, ang pulang ilaw na kumikislap sa huling mga araw, na rumururok sa isang bagay na ito, ang Tanda.”

Oh, Iglesya, tumayo at yugyugin ang inyong sarili! Kurutin ang inyong budhi, gisingin ang inyong sarili, sa oras na ito! Tayo ay dapat na maging desperado, o mapahamak! Mayroong bagay na paparating mula sa Panginoon! Alam ko ito ay GANITO ANG SABI NG PANGINOON. Mayroong bagay na paparating, at tayo ay mas makabubuting maging desperado. Ito’y sa pagitan ng Buhay at kamatayan. Ito’y magdaraan sa atin at hindi natin makikita ito.

Batid natin na may bagay na napipitong mangyari. Ang Pagparito ng Panginoon ay magiging biglaan, na lihim na pag-alis. Tayo’y nagiging desperado. Ang oras ay napipinto na. Napagkilala natin ang Tanda para sa ating panahon at Ito’y inilapat na.

Dinadaos natin ang mga simbolo ng Paskuwa sa Linggong ito na dinadaos sa panahon ng isang kagipitan, sa panahon ng desperasyon. Tayo’y nagkakatipon sa buong mundo, sa palibot ng Kanyang Salita.

Halikayo at maging bahagi ng dakilang kaganapan na ito sa Linggong ito nang 4:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang tayo’y magkakatipon para pakinggan ang Salita: 63-0901E – Mga Desperasyon.

Bro. Joseph Branham

Exodo 12:11

Jeremias 29:10-14

Sn. Lucas 16:16

Sn. Juan 14:23

Mga Taga-Galacia 5:6

Sn. Santiago 5:16

22-0529 Sakdal Na Pananampalataya

Minanahal na Sakdal Na Pananampalatayang Nobya,

Muli, nakikita ko na imposibleng isaletra kung ano ang kahulugan ng Mensaheng ito, ang personal na mga liham ng Pag-ibig ng Diyos, na isinulat gamit ang Kanyang Dugo, na binigkas ng Kanyang Tinig, para sa atin. Ang lahat ng iba pang bagay ay di mahalaga. Iniibig natin Siya mula sa kaibuturan ng ating puso at nagbubunsod Ito ng Sakdal na Pag-ibig para sa Kanya. Walang anumang bagay ang makapagpapalayo sa atin mula sa Salitang ‘yun. Walang anupamang kasapatan sa ating mga buhay liban sa pakikinig sa Kanya na nakikisalo sa atin bilang Kaibigan sa kaibigan.

Hindi nga ito tayo, ito’y Siya na nabubuhay sa atin, na tumatawag sa Kanyang Sarili. Ito’y kalaliman na tunatawag sa kalaliman. Ang lantay na kagalakan ng pagpipindot ng play at naririnig ang Diyos na gumagamit ng boses ng tao para magsaysay sa atin, na tayo ang Kanyang mga hinirang. Ang saysayin sa atin na Kanyang iniibig tayo bago itatag ang mundo; dahil nalalaman Niya na atin Siyang iibigin nang buong nasa kaibuturan natin, at mananatiling tapat sa Kanya at sa Kanyang Salita.

Ang lahat ng pangangailangan natin, Kanyang binigay sa atin. Walang anumang kulang. Taglay natin ang Kanyang Salita na nasusulat sa anyo ng letra at priniserba ito nang libo-libong taon para masabi niya sa ating lahat ang Pag-ibig na nasa Kanyang puso para sa atin.

Pagkatapos ang Kanyang pag-ibig ay naging mas higit pa para sa atin habang sinasabi Niya sa atin: “Ako’y darating sa laman muli at magsasalita ng labi sa tainga sa inyo para walang anumang di-pagkakaunawa, walang kaguluhan, di na nangangailangan pa ng pagpapaliwanag. Maglalaan Ako ng panahon at ipapakita ang Aking pag-ibig sa inyo, at mapapakinggan n’yo ito nang paulit-ulit-ulit. Nais Kong ipaalam sa inyo, na ang Ama ay nasa Akin, at Ako’y nasa inyo, kayo ay nasa Akin, tayo ay ISA. Ang iyong laman ay aking Laman, ang iyong buto ay aking Buto, ang iyong espiritu ay aking Espiritu.

Sasabihin ko sa inyo ang lahat ng nasa Aking Puso nang higit na detalyado. Gagawin ko itong simple para malaman n’yo nang walang pag-aalinlangan, na ang mga Salita na Aking isinulat at binigkas ay para sa inyo, at hindi mabibigo ang mga ito.

Ibibigay ko sa inyo ang Sakdal na Pananampalataya, at Ito’y magiging Pangulo ng lahat ng sirkumstansya. Anupaman ang sabihin ng kaaway, Pangunguluhan Nito ito dahil mayroon kayong Sakdal na Pananampalataya sa kung ano ang sinasabi ng Aking mga Salita kung sino kayo. Anuman ang sinusubukan ng kaaway na sabihin sa inyo, hindi nga ninyo siyang pinapakinggan. Ang inyong mga tainga ay bingi sa anupamang ibang bagay maliban sa bagay na sinabi na ng Aking Espiritu sa inyo. Ito’y nakaangkla na sa inyong mga puso, at walang anupamang bagay ang makakapagpalayo sa inyo mula Rito.”

Ang Sakdal na Pananampalatayang taglay natin sa pagkakaalam ng Mensaheng ito ay Ganito Ang Sabi Ng Panginoon, ginagamit natin ang siya ring SAKDAL NA PANANAMPALATAYA para sa bawat pangako na Kanyang sinabi sa atin sa Kanyang Salita. Kung tayo’y may sakit at nangangailangan ng kagalingan, ito’y atin. Kung mayroon tayong pangangailangan na anuman, makakamtan natin ito, dahil tayo’y pinahiran sa Kanyang Espiritu. Tayo ang Kanyang mga pinahirang mesiyas sa huling araw, na ipinapakita ang pagkabuhay na mag-uli ni Jesus Cristo.

Ang Sakdal na Pananampalataya na ‘yun na nalalaman nating Ganito Ang Sabi Ng Panginoon, inilalagay natin ang siya ring GANAP NA PANANANPALATAYA sa bawat pangako na sinabi Niya sa atin na atin sa Kanyang Salita. Kung tayo’y may sakit at nangangailangan, ito’y atin. Kung mayroon tayong pangangailangan sa anupamang bagay, makakamit natin ito, dahil tayo’y pinahiran sa Kanyang Espiritu. Tayo ang Kanyang mga pinahirang mesiyas ng huling panahon, na ipinapakita ang pagkabuhay na mag-uli ni Jesus Cristo.

Ito’y isang pagmamahalan dahil Kanyang ibinibuhos ang Kanyang Sarili sa atin. Tayo’y nagiging Isa sa Kanya para sa dakilang Hapunan ng Kasalan na ‘yun. Ang Kanyang Espiritu ay narito kasama natin at nasa atin. Mayroon lamang tayong isang bagay na gagawin, at ‘yun ay ang sumampalataya Rito, para tanggapin Ito.

Hindi tayo ang ika-7 Mensaherong anghel ng Diyos, bagkus tayo ang Kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae. Ang ating mga kamay ay Kanyang mga Kamay. Sumasampalataya tayo na kung ano ang binigkas sa teyp ay Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Ito’y ang buhay na Salita.

Ang Kanyang propeta ang ating pastor. Habang pinakikinggan natin ang Kanyang nairekord na Salita, sinasampalatayanan natin Ito ang Diyos na nangungusap sa atin ng diretso. Tayo’y may Sakdal na Pananampalataya sa pagsampalataya riyan.

Sa pagtitipon natin sa palibot ng mundo para pakinggan ang Diyos na nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang propeta, ang ating pananampalatata ay itinaas pa nang mas mataas at mas mataas habang dinadala ng Diyos ang Kanyang Nobya na magsama-sama sa palibot ng Kanyang pinagtibay na Salita.

Bukas ay araw na tulad din ng ibang araw. Dadalhin natin ang Sakdal na Pananampalataya na Kanyang ipinagkaloob sa atin at ating gagamitin Ito sa anumang bagay na may pangangailangan tayo, at ating tatanggapin ito habang ang Haliging Apoy ay nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang piniling mensahero at sasabihin sa atin:

Alam n’yo ba kung ano ang ginawa ko para sa inyo? Tinawag n’yo Akong, “inyong pastor” at panatag ang pagkakasabi n’yo, dahil ako nga. Kung ako, na inyong pastor, ay napagkilala kay Jesus Cristo, na aking ginagawa ang Kanyang gawa, kung ganoon ay sampalatayanan n’yo ang aking Salita. Sa pamamagitan ng pagkilos sa gawa na ito ng pananampalataya, sa pagpapatong ng mga kamay sa inyo, aking kinokondena ang sakit at karamdaman na gumugulo sa inyo. Sampalatayanan n’yo ‘yan, para matanggap n’yo ang inyong kahilingan, kahit na ano pa ‘yun, dahil ang lahat ng bagay at posible sa kanila na sumasampalataya. At sa inyong pananalangin, sampalatayanan n’yo na natanggap n’yo na ang inyong hiniling. At tunay na aking sinasampalatayanan na natanggap ko na ito, at sa aking puso ay aking tinatanggap ang bawat isa na pagpapagaling sa inyo, haya’t aking tinatanggap ito, na ito’y nagawa na. Sinasampalatayanan ko ito, sinasampalatayanan ko ito ng lahat ng nasa kaibuturan ko.

Sinasampalatayanan natin nang buong nasa kaibuturan natin, na ang Mensaheng ito ay ang Tinig ng Diyos, na binigkas, nirekord, pinagtibay at priniserba para sa panahon na ito. Sinasampalatayanan natin na anumang bagay na hiniling natin, ay tatanggapin natin, dahil Ito’y GANITO ANG SABI NG PANGINOON NA ITO AY ATIN.

Halikayo at samahan kami sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, para tanggapin ang anumang bagay na inyong pangangailangan habang pinakikinggan natin ang propeta ng Diyos na sinasabi sa atin kung paano makakatanggap ng: Sakdal Na Pananampalataya 63-0825E.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na kailangan basahin:

Sn. Marcos 11:22-26/ 16:15-18

Sn. Juan 14:12 / 15:7

Mga Hebreo 11:1 / 4:14

Santiago 5:14

1 Juan 3:21

22-0522 Paano Ba Ako Makapananagumpay?

MENSAHE: 63-0825M Paano Ba Ako Makapananagumpay?

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Mga Pinaglakip,

Ang oras at Eternidad ay maglalakip na magkasama kapag ang Diyos at ang Kanyang mga hinirang ay maglalakip na magkasama.

Inaanyayahan ko kayo na makisama sa paglalakip na sama-sama kasama ang Nobya ng Diyos at pakinggan ang Mensahe na 63-0825M Papaano Ako Makakapanagumpay? sa Linggo nang 12:00 PM, oras sa Jeffersonville.

Brother Joseph Branham

Kasulatan na kailangang basahin bago ang gawain:

Apocalipsis 3: 21-22

22-0515 Ang Panahon Ng Paglalakip At Tanda

MENSAHE: 63-0818 Ang Panahon Ng Paglalakip At Tanda

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Walang-Kahigitang Nobya,

Sa pagtitipon natin sa Makalangit na mga dako mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa Linggo, tayo’y nakikinig sa tanging pinagtibay na Tinig ng Diyos na nagsasalita sa atin. Sa tuwina, tayo’y laging nananabik nang lubos na makapakinig kung ano ang ipangungusap Niya sa atin. Kung ano ba ang ihahayag ng Espiritu Santo sa atin ngayon?

Marahil napakinggan na natin ang Kanyang mga Salita nang maraming beses na noon, pero alam natin na ang araw na ‘yun ay magiging iba. Makakapakinig tayo ng bagay na hindi pa natin napapakinggan noon. Makakatanggap tayo ng mas higit pang Kapahayagan kaysa sa iniisip natin. Kanyang bubuksan ang ating mga puso, ating mga diwa at ating kaluluwa, at maghahayag ng bagay na para sa NGAYON, sa tama Nitong panahon, na mahayag.

Pagkatapos Ito’y mangyayari. Ang pinaka dakilang mga salita na masasabi ng Nobyo at mahahayag sa Kanyang Nobya, “Ikaw ang kumpletong kaganapan ng pagka-Diyos sa laman, ang walang-kahigitan. Ang buong kung sino Ako, ay ibinuhos Ko kay Cristo, ang buong kung ano si Cristo, ay Aking ibinubuhos sa IYO! IKAW ang aking sakdal na Salitang Nobya.”

Ang buong katauhan nati’y tumatalon sa kagalakan. Sinabi sa atin ng Ama, tayo ang Kanyang Nobya. Tayo ang siyang mga iniibig Niya. Tayo’y pinagdadalang-binhi ng Kanyang Salita, at ng Kanyang Salita LAMANG. Ang ating sinapupunan ay sarado sa kung ano pa mang ibang bagay. Siya’y naghihintay, at nananabik para sa atin…PARA SA ATIN!!

At mantakin n’yo? Hindi Siya nagpadala ng kung sino pa mang iba para saysayin ang mga Salitang ito, haya’t Siya’y dumating at nanahan sa laman ng tao muli, para Siya’y makapangusap sa atin nang direkta, labi sa tainga, at SABIHIN SA ATIN: “Iniibig Kita, aking sinisintang Nobya.”

Gustung-gusto natin ng pag-aawitan, ng pakikipagbuklod, ng pakikipagtipon kasama ang mga mananampalataya, pero ang higit nating gusto sa lahat ay ang makapakinig sa Salita ng Diyos; Ganito Ang Sabi Ng Panginoon, na direktang mangungusap sa atin. Bawat Mensahe’y isang personal na liham na pag-ibig SA ATIN. Kanyang inilalagay ang bawat Salita na nais Niyang sabihin sa atin sa magnetikong teyp para mapakinggan natin ang mga ito nang tayo mismo.

Ano kaya ang sasaysayin Niya sa atin at ihahayag sa atin sa Linggo sa pagkakatipon natin? Ano na ang panahon?

Nagsalita si Isaias noon at nagsabi, “Isang birhen ang magdadala at magsisilang ng isang anak na lalaki”, pero 700 taon muna ang lumipas bago ang panahon na maisakatuparan ito. Sinabi ni Haring David, “Kanilang tinusok ang aking mga kamay at mga paa.” Nagsalita siya na para bang ang kanyang mga kamay at mga paa niya ito, pero Ito’y hindi pa panahon para matupad dahil matutupad pa lang ito pagkalipas ng 1000 taon.

Ang Diyos ay nangusap sa pamamagitan ng ating propeta sa ating panahon at nagsaysay ng maraming bagay na hindi posibleng maganap hanggang sa panahon ngayon. Nakikita natin ang mga bansa at ang mundo’y nagkakaisa nang wala pang tulad nito noon. Iniisip natin na ang komunismo’y isang bagay sa nakaraan at nawasak na, pero ngayon nakikita natin ito mismo na buhay na buhay at isang instrumento sa kamay ng Diyos, gaya ng kanyang iprinopesiya at sinaysay sa atin.

Iniisip ng mundo na tapos na ang cold war, at wala nang banta ng digmaang nukleyar. Pero ngayon, ang banta ng digmaang nukleyar ay naging realidad. Ang lahat ay nagkakalakip gaya ng sinabi niya noon na mangyayari. Nandito na ang naturang panahon.

Sa Linggo, Siya’y muling MANGUNGUSAP NANG DIREKTA SA ATIN, labi sa tainga, at ating mapapakinggan ang isa na namang liham ng pag-ibig na sinaysay at inimbak para ating marinig mismo. Ano kaya ang sasaysayin Niya sa atin at ihahayag? Ano na ang panahon? Ano na ang nangyayari?

Pinaglalakip ng Diyos ang Kanyang Nobya. Siya’y lumalakip na, mula Silangan at Kanluran, at Hilaga at Timog. Mayroong panahon ng paglalakip, at ito na ‘yun ngayon. Ano       kaya ang pinaglalakipan ng Nobya? Ang Pag-agaw.

Kaya ano ang ginagawa ng Mensaheng Ito sa pakikinig natin sa Tinig ng Diyos mula sa palibot ng mundo? Pinaglalakip ang Nobya sa Salita. Ang Salita ay Diyos. Ang Nobyo ang Salita. Ang Nobya ang tagapakinig ng Salita na ‘yun, at tayo’y nagsasama-sama sa isang Paglalakip. Tayo’y naghahanda na para sa isang Kasalan kung saan tayo’y nakikipag-Isa sa Salita.

Ang buong Ama, ay Ako; at ang buong Ako, ay kayo; at ang buong kayo, ay Ako. Sa araw na ‘yun ay mapagkikilala n’yo na Ako’y sa Ama, ang Ama sa Akin, Ako sa inyo, at kayo sa Akin.” Kita n’yo? Sa “araw na ‘yun.” Anong araw? Ang araw na ito! Nasumpungan natin ang dakilang natatagong mga hiwaga ng Diyos na inihahayag na. Oh, gustung-gusto ko talaga ito!

Ngayon na ang oras. Ngayon na ang panahon. Inihahanda na ng Nobya ang Kanyang Sarili para sa Nobyo. Tayo’y nakikinig habang pinakikinggan natin ang sigaw sa hatinggabi “Narito, ang Nobyo’y parating na!” Tayo’y nasa panahon na mismo ng wakas.

Halikayo at makiisa sa amin habang tayo’y naglalakip sa palibot ng Salita, sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin ang Tinig ng Diyos na sinasaysay sa atin: Ang Panahon ng Paglalakip At Tanda 63-0818.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na babasahin

Awit 86:1-11

Sn. Mateo 16:1-3

22-0508 Si Kristo Ang Misteryo Ng Diyos na Ipinahayag

Minamahal na Sinta ng Kanyang Puso,

Ako’y nabigyan ng higit na dakilang karangalan sa mundo. Pinahintulutan ako ng Panginoon na ipakilala Siya sa inyo, para Siya’y makapagsalita nang direkta sa inyo sa pamamagitan ng sisidlan na Kanyang pinili bago pa itatag ang sanlibutan na salitain at ihayag ang buo Niyang Salita sa inyo.

Hindi lang ito isang tao ng Diyos, Ito’y ang Diyos Mismo, ang Haliging Apoy, ang Espiritu Santo na nangungusap nang direkta sa inyo, labi sa tainga, at mayroon tayong karangalan at pribilehiyo na tawagin ang Kanyang piniling propeta, na ATING PASTOR.

Hindi na nag-aalinlangan kung ang pinakikinggan ay isang tao, kanyang kaisipan, kanyang hinuha, o kanyang sariling interpretasyon sa Salita. Ito’y ang Diyos Mismo na nangungusap sa atin ng GANITO ANG SABI NG PANGINOON.

Alam ko na may mga tao na nasasamid sa bagay na ’yan, pero iniinom natin Ito. Dahil Ito lang ang tanging bagay na makapag-aalis ng ating uhaw at nagpupunan sa ating kaluluwa. Ito’y ang Mga Salita ng Buhay na Walang Hanggan. Sa atin, Ito’y ang Tinig ng Diyos. Ito’y ang Mensaheng napapanahon. Kaya naman, ito’y ang Salita, ang Tinig, ang Mga Teyp, O WALA!

Tayo’y naglalakipan sa isa’t isa sa ilalim ng isang Ulo gaya ng Israel noong unang panahon. Isang Diyos, pinagtibay ng isang Haliging Apoy, at inihahayag ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang propeta, na siyang Salita. Ang siya ring Diyos, siya ring Haliging Apoy, siya ring pamamaraan sa panahon ngayon. Hindi babaguhin kailanman ng Diyos ang Kanyang kalikasan. Ang Kanyang programa’y hindi kailanman mababago mula sa bagay na Kanyang pinasimulan, dahil Siya’y walang katapusan at ang Kanyang programa at Kanyang mga ideya’y ganap lahat.

Kaya naman tayo’y nasa ilalim ng malaking pananabik na mapakinggan kung ano ang bagay na ihahayag Niya sa atin sa Linggo. Sinabi Niya na Kanyang natumbok ang buong dulo-sa-dulo nun, ang loob at labas man nun, at mangyari na ipinakita ito sa pamamagitan ng Kasulatan at ang pagkakasunud-sunod nito, hanggang sa mapagkilala natin na ang Mensaheng ito’y ganap na Katotohanan. Walang pagkakamali.

Pero sa Linggo, sasaluhin ng Espiritu Santo ang Mensahe at ilalagay Ito sa kung nasaan Ito ngayon. Kanyang itatayo Ito sa kung saan Ito nagpasimula, at itatayo Ito mismo hanggang sa kasalukuyang panahon.

Tayo’y uminom mismo ng kaunti sa kung ano ang ipangungusap sa atin ng Diyos at ihahayag sa atin sa pamamagitan ng ating pastor sa Linggo:

Kayo ang sinta ng aking puso, na mga bunga ng Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu at Salita ng Katotohanan. Ako’y nananalangin mismo’t  hinihiling sa Panginoon na pagpalain kayo at panatilihin kayo na sama-samang lumalakip nang husto sa pagbibigkis ng pag-ibig ni Cristo.

Ibinusod sa akin ng Panginoon na mag-imbak ng Pagkain para sa inyo; maiinam, na masustansyang mga gulay, dito sa tabernakulo. At ngayon, tatanggapin n’yo ang buong karga ng teyp. Ihahayag nito si Jesus Cristo sa inyo sa oras na kinabubuhayan natin. Ang Mensaheng ito’y tutustos at magpapalakas sa inyo. Bibigyan kayo nito ng espirituwal na lakas para sa gawain na naghihintay sa harapan.

Hayaan n’yong sabihin ko sa inyo muli nang isang beses yamang nalalaman ko na gustung-gusto n’yong marinig ito: kayo ang pinili’t, itinalaga na noong una na bilang, ang tanging makikinig dito. Kayo ang piniling Nobya na hindi papalya kundi manghahawakan sa Salitang ’yun kahit na ano pa ang sabi-sabihin ng iba pa sa mundo tungkol Dito. Kayo ang Salitang Nobya!

Inihayag sa inyo ng Diyos ang dakilang hiwaga na ito, at ’yun ang bagong Kapanganakan. Ngayon Kanyang tinitipon kayo na sama-sama kung saan ang kapahayagan ay nasa ganap na pagtutugmaan. Inihahayag mismo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa pamamagitan ng siya ring mga gawa, siya ring mga bagay na Kanyang ginawa, na ibinubunsod ang Salita na mahayag sa inyo.

Nawa’y hindi n’yo kalimutan, ang Espiritu Santo, ang nag-iisa mismo, na Tagapagpahayag ng Makalangit na kapahayagan ni Cristo, at ganoon ito sa tuwina sa lahat ng mga kapanahunan. Tandaan n’yo, lahat ng mga kapanahunan! Kanino dumarating ang Salita ng Panginoon? Sa propeta, lamang.

Napagtatanto ko na nakikipag-usap ako sa libo-libo sa teyp, mayroon tayong isang pagmiministeryong teyp sa buong mundo. At mistula ngang makagagawa tayo ng teyp mula rito na sampung beses na mas mainam kaysa sa iba pang lugar. Umaasa ako na ang bawat tao na makakapakinig sa teyp na ito, at bawat kababaihan, ay makakaunawa.

Ngayon ito’y nasa kanila na kung gusto nilang pakinggan ang alinmang teyp, pero ayaw kong mapalampas n’yo ito. Kayo na mga kapatid na nagteteyp; diyan sa mga kagubatan at saanman na napapakinggan n’yo Ito,  ngayon makinig kayo. Mayroon tayong mga teyp ukol sa bagay na sinasampalatayanan natin. Mayroon tayong mga teyp ukol sa pagdidisiplina sa loob ng iglesya, kung papaano ba dapat ang pag-uugali natin sa loob ng iglesya ng Diyos, kung papaano ba tayo dadako rito na sama-sama at uupo na sama-sama sa Makalangit na mga dako.

Umaasa ako na ang lahat sa teyp ay nakukuha ’yan. Kung di n’yo makuha, balikan n’yo uli ang teyp. Hindi ko alam kung gaanong katagal ko pa kayong makakasama. Alalahanin n’yo, Ito ang Katotohanan, ng GANITO ANG SABI NG PANGINOON. Ito ang Katotohanan. Ito ang Kasulatan.

Ang Ulo at ang Katawan ay naging isang yunit na. Ito’y ang Diyos na nahayag sa inyo, na Kanyang bayan. Yan ang dahilan kung bakit ang asawang lalaki’t asawang babae ay hindi na dalawa; sila’y isa na. Ang Diyos at ang Kanyang Iglesya’y isa, “si Cristo na nasa inyo,” ang dakilang kapahayagan ng Diyos.

Hindi ko ito kaisipan; ito’y ang Kanyang Kapangyarihan, ito’y ang Kanyang Salita. Kanyang ipinangako ito; heto ito. Sinabi Niya na ito’y paririto, at heto na nga ito. Kayo’y mga anak ng Diyos. Hindi magiging pa lang; KAYO NA NGAYON!

Iyo pong punuin ang aming saro Panginoon, amin itong itinataas Panginoon, pumarito po Kayo at pawiin ang uhaw na ito ng aming kaluluwa. Tinapay ng Langit, pakainin Mo kami, hanggang sa masapatan kami. Iyo pong punuin ang aming saro, punuin ito at papaging kaming buo.

Grabeng panahon ito ng rebaybal na matatamasa natin sa buong mundo habang tayo’y nagkakatipon sa Linggo para pakinggan ang: Si Cristo Ang Hiwaga Ng Diyos Na Nahayag 63-0728 nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan Na Babasahin

Sn. Mateo 16:15-17

Sn. Lucas ika-24 na Kabanata

Sn. Juan 5:24 / 14:12

1 Mga Taga-Corinto ika-2 Kabanata

Mga Taga-Efeso Kabanata 1

Mga Taga-Colosas Kabanata 1

Apocalipsis 7:9-10

Minamahal na Sinta ng Kanyang Puso,

Ako’y nabigyan ng higit na dakilang karangalan sa mundo. Pinahintulutan ako ng Panginoon na ipakilala Siya sa inyo, para Siya’y makapagsalita nang direkta sa inyo sa pamamagitan ng sisidlan na Kanyang pinili bago pa itatag ang sanlibutan na salitain at ihayag ang buo Niyang Salita sa inyo.

Hindi lang ito isang tao ng Diyos, Ito’y ang Diyos Mismo, ang Haliging Apoy, ang Espiritu Santo na nangungusap nang direkta sa inyo, labi sa tainga, at mayroon tayong karangalan at pribilehiyo na tawagin ang Kanyang piniling propeta, na ATING PASTOR.

Hindi na nag-aalinlangan kung ang pinakikinggan ay isang tao, kanyang kaisipan, kanyang hinuha, o kanyang sariling interpretasyon sa Salita. Ito’y ang Diyos Mismo na nangungusap sa atin ng GANITO ANG SABI NG PANGINOON.

Alam ko na may mga tao na nasasamid sa bagay na ’yan, pero iniinom natin Ito. Dahil Ito lang ang tanging bagay na makapag-aalis ng ating uhaw at nagpupunan sa ating kaluluwa. Ito’y ang Mga Salita ng Buhay na Walang Hanggan. Sa atin, Ito’y ang Tinig ng Diyos. Ito’y ang Mensaheng napapanahon. Kaya naman, ito’y ang Salita, ang Tinig, ang Mga Teyp, O WALA!

Tayo’y naglalakipan sa isa’t isa sa ilalim ng isang Ulo gaya ng Israel noong unang panahon. Isang Diyos, pinagtibay ng isang Haliging Apoy, at inihahayag ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang propeta, na siyang Salita. Ang siya ring Diyos, siya ring Haliging Apoy, siya ring pamamaraan sa panahon ngayon. Hindi babaguhin kailanman ng Diyos ang Kanyang kalikasan. Ang Kanyang programa’y hindi kailanman mababago mula sa bagay na Kanyang pinasimulan, dahil Siya’y walang katapusan at ang Kanyang programa at Kanyang mga ideya’y ganap lahat.

Kaya naman tayo’y nasa ilalim ng malaking pananabik na mapakinggan kung ano ang bagay na ihahayag Niya sa atin sa Linggo. Sinabi Niya na Kanyang natumbok ang buong dulo-sa-dulo nun, ang loob at labas man nun, at mangyari na ipinakita ito sa pamamagitan ng Kasulatan at ang pagkakasunud-sunod nito, hanggang sa mapagkilala natin na ang Mensaheng ito’y ganap na Katotohanan. Walang pagkakamali.

Pero sa Linggo, sasaluhin ng Espiritu Santo ang Mensahe at ilalagay Ito sa kung nasaan Ito ngayon. Kanyang itatayo Ito sa kung saan Ito nagpasimula, at itatayo Ito mismo hanggang sa kasalukuyang panahon.

Tayo’y uminom mismo ng kaunti sa kung ano ang ipangungusap sa atin ng Diyos at ihahayag sa atin sa pamamagitan ng ating pastor sa Linggo:

Kayo ang sinta ng aking puso, na mga bunga ng Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu at Salita ng Katotohanan. Ako’y nananalangin mismo’t  hinihiling sa Panginoon na pagpalain kayo at panatilihin kayo na sama-samang lumalakip nang husto sa pagbibigkis ng pag-ibig ni Cristo.

Ibinusod sa akin ng Panginoon na mag-imbak ng Pagkain para sa inyo; maiinam, na masustansyang mga gulay, dito sa tabernakulo. At ngayon, tatanggapin n’yo ang buong karga ng teyp. Ihahayag nito si Jesus Cristo sa inyo sa oras na kinabubuhayan natin. Ang Mensaheng ito’y tutustos at magpapalakas sa inyo. Bibigyan kayo nito ng espirituwal na lakas para sa gawain na naghihintay sa harapan.

Hayaan n’yong sabihin ko sa inyo muli nang isang beses yamang nalalaman ko na gustung-gusto n’yong marinig ito: kayo ang pinili’t, itinalaga na noong una na bilang, ang tanging makikinig dito. Kayo ang piniling Nobya na hindi papalya kundi manghahawakan sa Salitang ’yun kahit na ano pa ang sabi-sabihin ng iba pa sa mundo tungkol Dito. Kayo ang Salitang Nobya!

Inihayag sa inyo ng Diyos ang dakilang hiwaga na ito, at ’yun ang bagong Kapanganakan. Ngayon Kanyang tinitipon kayo na sama-sama kung saan ang kapahayagan ay nasa ganap na pagtutugmaan. Inihahayag mismo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa pamamagitan ng siya ring mga gawa, siya ring mga bagay na Kanyang ginawa, na ibinubunsod ang Salita na mahayag sa inyo.

Nawa’y hindi n’yo kalimutan, ang Espiritu Santo, ang nag-iisa mismo, na Tagapagpahayag ng Makalangit na kapahayagan ni Cristo, at ganoon ito sa tuwina sa lahat ng mga kapanahunan. Tandaan n’yo, lahat ng mga kapanahunan! Kanino dumarating ang Salita ng Panginoon? Sa propeta, lamang.

Napagtatanto ko na nakikipag-usap ako sa libo-libo sa teyp, mayroon tayong isang pagmiministeryong teyp sa buong mundo. At mistula ngang makagagawa tayo ng teyp mula rito na sampung beses na mas mainam kaysa sa iba pang lugar. Umaasa ako na ang bawat tao na makakapakinig sa teyp na ito, at bawat kababaihan, ay makakaunawa.

Ngayon ito’y nasa kanila na kung gusto nilang pakinggan ang alinmang teyp, pero ayaw kong mapalampas n’yo ito. Kayo na mga kapatid na nagteteyp; diyan sa mga kagubatan at saanman na napapakinggan n’yo Ito,  ngayon makinig kayo. Mayroon tayong mga teyp ukol sa bagay na sinasampalatayanan natin. Mayroon tayong mga teyp ukol sa pagdidisiplina sa loob ng iglesya, kung papaano ba dapat ang pag-uugali natin sa loob ng iglesya ng Diyos, kung papaano ba tayo dadako rito na sama-sama at uupo na sama-sama sa Makalangit na mga dako.

Umaasa ako na ang lahat sa teyp ay nakukuha ’yan. Kung di n’yo makuha, balikan n’yo uli ang teyp. Hindi ko alam kung gaanong katagal ko pa kayong makakasama. Alalahanin n’yo, Ito ang Katotohanan, ng GANITO ANG SABI NG PANGINOON. Ito ang Katotohanan. Ito ang Kasulatan.

Ang Ulo at ang Katawan ay naging isang yunit na. Ito’y ang Diyos na nahayag sa inyo, na Kanyang bayan. Yan ang dahilan kung bakit ang asawang lalaki’t asawang babae ay hindi na dalawa; sila’y isa na. Ang Diyos at ang Kanyang Iglesya’y isa, “si Cristo na nasa inyo,” ang dakilang kapahayagan ng Diyos.

Hindi ko ito kaisipan; ito’y ang Kanyang Kapangyarihan, ito’y ang Kanyang Salita. Kanyang ipinangako ito; heto ito. Sinabi Niya na ito’y paririto, at heto na nga ito. Kayo’y mga anak ng Diyos. Hindi magiging pa lang; KAYO NA NGAYON!

Iyo pong punuin ang aming saro Panginoon, amin itong itinataas Panginoon, pumarito po Kayo at pawiin ang uhaw na ito ng aming kaluluwa. Tinapay ng Langit, pakainin Mo kami, hanggang sa masapatan kami. Iyo pong punuin ang aming saro, punuin ito at papaging kaming buo.

Grabeng panahon ito ng rebaybal na matatamasa natin sa buong mundo habang tayo’y nagkakatipon sa Linggo para pakinggan ang: Si Cristo Ang Hiwaga Ng Diyos Na Nahayag 63-0728 nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan Na Babasahin

Sn. Mateo 16:15-17

Sn. Lucas ika-24 na Kabanata

Sn. Juan 5:24 / 14:12

1 Mga Taga-Corinto ika-2 Kabanata

Mga Taga-Efeso Kabanata 1

Mga Taga-Colosas Kabanata 1

Apocalipsis 7:9-10