Mga Kategoryang Archives: Uncategorized

22-0529 Sakdal Na Pananampalataya

Minanahal na Sakdal Na Pananampalatayang Nobya,

Muli, nakikita ko na imposibleng isaletra kung ano ang kahulugan ng Mensaheng ito, ang personal na mga liham ng Pag-ibig ng Diyos, na isinulat gamit ang Kanyang Dugo, na binigkas ng Kanyang Tinig, para sa atin. Ang lahat ng iba pang bagay ay di mahalaga. Iniibig natin Siya mula sa kaibuturan ng ating puso at nagbubunsod Ito ng Sakdal na Pag-ibig para sa Kanya. Walang anumang bagay ang makapagpapalayo sa atin mula sa Salitang ‘yun. Walang anupamang kasapatan sa ating mga buhay liban sa pakikinig sa Kanya na nakikisalo sa atin bilang Kaibigan sa kaibigan.

Hindi nga ito tayo, ito’y Siya na nabubuhay sa atin, na tumatawag sa Kanyang Sarili. Ito’y kalaliman na tunatawag sa kalaliman. Ang lantay na kagalakan ng pagpipindot ng play at naririnig ang Diyos na gumagamit ng boses ng tao para magsaysay sa atin, na tayo ang Kanyang mga hinirang. Ang saysayin sa atin na Kanyang iniibig tayo bago itatag ang mundo; dahil nalalaman Niya na atin Siyang iibigin nang buong nasa kaibuturan natin, at mananatiling tapat sa Kanya at sa Kanyang Salita.

Ang lahat ng pangangailangan natin, Kanyang binigay sa atin. Walang anumang kulang. Taglay natin ang Kanyang Salita na nasusulat sa anyo ng letra at priniserba ito nang libo-libong taon para masabi niya sa ating lahat ang Pag-ibig na nasa Kanyang puso para sa atin.

Pagkatapos ang Kanyang pag-ibig ay naging mas higit pa para sa atin habang sinasabi Niya sa atin: “Ako’y darating sa laman muli at magsasalita ng labi sa tainga sa inyo para walang anumang di-pagkakaunawa, walang kaguluhan, di na nangangailangan pa ng pagpapaliwanag. Maglalaan Ako ng panahon at ipapakita ang Aking pag-ibig sa inyo, at mapapakinggan n’yo ito nang paulit-ulit-ulit. Nais Kong ipaalam sa inyo, na ang Ama ay nasa Akin, at Ako’y nasa inyo, kayo ay nasa Akin, tayo ay ISA. Ang iyong laman ay aking Laman, ang iyong buto ay aking Buto, ang iyong espiritu ay aking Espiritu.

Sasabihin ko sa inyo ang lahat ng nasa Aking Puso nang higit na detalyado. Gagawin ko itong simple para malaman n’yo nang walang pag-aalinlangan, na ang mga Salita na Aking isinulat at binigkas ay para sa inyo, at hindi mabibigo ang mga ito.

Ibibigay ko sa inyo ang Sakdal na Pananampalataya, at Ito’y magiging Pangulo ng lahat ng sirkumstansya. Anupaman ang sabihin ng kaaway, Pangunguluhan Nito ito dahil mayroon kayong Sakdal na Pananampalataya sa kung ano ang sinasabi ng Aking mga Salita kung sino kayo. Anuman ang sinusubukan ng kaaway na sabihin sa inyo, hindi nga ninyo siyang pinapakinggan. Ang inyong mga tainga ay bingi sa anupamang ibang bagay maliban sa bagay na sinabi na ng Aking Espiritu sa inyo. Ito’y nakaangkla na sa inyong mga puso, at walang anupamang bagay ang makakapagpalayo sa inyo mula Rito.”

Ang Sakdal na Pananampalatayang taglay natin sa pagkakaalam ng Mensaheng ito ay Ganito Ang Sabi Ng Panginoon, ginagamit natin ang siya ring SAKDAL NA PANANAMPALATAYA para sa bawat pangako na Kanyang sinabi sa atin sa Kanyang Salita. Kung tayo’y may sakit at nangangailangan ng kagalingan, ito’y atin. Kung mayroon tayong pangangailangan na anuman, makakamtan natin ito, dahil tayo’y pinahiran sa Kanyang Espiritu. Tayo ang Kanyang mga pinahirang mesiyas sa huling araw, na ipinapakita ang pagkabuhay na mag-uli ni Jesus Cristo.

Ang Sakdal na Pananampalataya na ‘yun na nalalaman nating Ganito Ang Sabi Ng Panginoon, inilalagay natin ang siya ring GANAP NA PANANANPALATAYA sa bawat pangako na sinabi Niya sa atin na atin sa Kanyang Salita. Kung tayo’y may sakit at nangangailangan, ito’y atin. Kung mayroon tayong pangangailangan sa anupamang bagay, makakamit natin ito, dahil tayo’y pinahiran sa Kanyang Espiritu. Tayo ang Kanyang mga pinahirang mesiyas ng huling panahon, na ipinapakita ang pagkabuhay na mag-uli ni Jesus Cristo.

Ito’y isang pagmamahalan dahil Kanyang ibinibuhos ang Kanyang Sarili sa atin. Tayo’y nagiging Isa sa Kanya para sa dakilang Hapunan ng Kasalan na ‘yun. Ang Kanyang Espiritu ay narito kasama natin at nasa atin. Mayroon lamang tayong isang bagay na gagawin, at ‘yun ay ang sumampalataya Rito, para tanggapin Ito.

Hindi tayo ang ika-7 Mensaherong anghel ng Diyos, bagkus tayo ang Kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae. Ang ating mga kamay ay Kanyang mga Kamay. Sumasampalataya tayo na kung ano ang binigkas sa teyp ay Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Ito’y ang buhay na Salita.

Ang Kanyang propeta ang ating pastor. Habang pinakikinggan natin ang Kanyang nairekord na Salita, sinasampalatayanan natin Ito ang Diyos na nangungusap sa atin ng diretso. Tayo’y may Sakdal na Pananampalataya sa pagsampalataya riyan.

Sa pagtitipon natin sa palibot ng mundo para pakinggan ang Diyos na nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang propeta, ang ating pananampalatata ay itinaas pa nang mas mataas at mas mataas habang dinadala ng Diyos ang Kanyang Nobya na magsama-sama sa palibot ng Kanyang pinagtibay na Salita.

Bukas ay araw na tulad din ng ibang araw. Dadalhin natin ang Sakdal na Pananampalataya na Kanyang ipinagkaloob sa atin at ating gagamitin Ito sa anumang bagay na may pangangailangan tayo, at ating tatanggapin ito habang ang Haliging Apoy ay nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang piniling mensahero at sasabihin sa atin:

Alam n’yo ba kung ano ang ginawa ko para sa inyo? Tinawag n’yo Akong, “inyong pastor” at panatag ang pagkakasabi n’yo, dahil ako nga. Kung ako, na inyong pastor, ay napagkilala kay Jesus Cristo, na aking ginagawa ang Kanyang gawa, kung ganoon ay sampalatayanan n’yo ang aking Salita. Sa pamamagitan ng pagkilos sa gawa na ito ng pananampalataya, sa pagpapatong ng mga kamay sa inyo, aking kinokondena ang sakit at karamdaman na gumugulo sa inyo. Sampalatayanan n’yo ‘yan, para matanggap n’yo ang inyong kahilingan, kahit na ano pa ‘yun, dahil ang lahat ng bagay at posible sa kanila na sumasampalataya. At sa inyong pananalangin, sampalatayanan n’yo na natanggap n’yo na ang inyong hiniling. At tunay na aking sinasampalatayanan na natanggap ko na ito, at sa aking puso ay aking tinatanggap ang bawat isa na pagpapagaling sa inyo, haya’t aking tinatanggap ito, na ito’y nagawa na. Sinasampalatayanan ko ito, sinasampalatayanan ko ito ng lahat ng nasa kaibuturan ko.

Sinasampalatayanan natin nang buong nasa kaibuturan natin, na ang Mensaheng ito ay ang Tinig ng Diyos, na binigkas, nirekord, pinagtibay at priniserba para sa panahon na ito. Sinasampalatayanan natin na anumang bagay na hiniling natin, ay tatanggapin natin, dahil Ito’y GANITO ANG SABI NG PANGINOON NA ITO AY ATIN.

Halikayo at samahan kami sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, para tanggapin ang anumang bagay na inyong pangangailangan habang pinakikinggan natin ang propeta ng Diyos na sinasabi sa atin kung paano makakatanggap ng: Sakdal Na Pananampalataya 63-0825E.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na kailangan basahin:

Sn. Marcos 11:22-26/ 16:15-18

Sn. Juan 14:12 / 15:7

Mga Hebreo 11:1 / 4:14

Santiago 5:14

1 Juan 3:21

22-0522 Paano Ba Ako Makapananagumpay?

MENSAHE: 63-0825M Paano Ba Ako Makapananagumpay?

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Mga Pinaglakip,

Ang oras at Eternidad ay maglalakip na magkasama kapag ang Diyos at ang Kanyang mga hinirang ay maglalakip na magkasama.

Inaanyayahan ko kayo na makisama sa paglalakip na sama-sama kasama ang Nobya ng Diyos at pakinggan ang Mensahe na 63-0825M Papaano Ako Makakapanagumpay? sa Linggo nang 12:00 PM, oras sa Jeffersonville.

Brother Joseph Branham

Kasulatan na kailangang basahin bago ang gawain:

Apocalipsis 3: 21-22

22-0515 Ang Panahon Ng Paglalakip At Tanda

MENSAHE: 63-0818 Ang Panahon Ng Paglalakip At Tanda

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Walang-Kahigitang Nobya,

Sa pagtitipon natin sa Makalangit na mga dako mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa Linggo, tayo’y nakikinig sa tanging pinagtibay na Tinig ng Diyos na nagsasalita sa atin. Sa tuwina, tayo’y laging nananabik nang lubos na makapakinig kung ano ang ipangungusap Niya sa atin. Kung ano ba ang ihahayag ng Espiritu Santo sa atin ngayon?

Marahil napakinggan na natin ang Kanyang mga Salita nang maraming beses na noon, pero alam natin na ang araw na ‘yun ay magiging iba. Makakapakinig tayo ng bagay na hindi pa natin napapakinggan noon. Makakatanggap tayo ng mas higit pang Kapahayagan kaysa sa iniisip natin. Kanyang bubuksan ang ating mga puso, ating mga diwa at ating kaluluwa, at maghahayag ng bagay na para sa NGAYON, sa tama Nitong panahon, na mahayag.

Pagkatapos Ito’y mangyayari. Ang pinaka dakilang mga salita na masasabi ng Nobyo at mahahayag sa Kanyang Nobya, “Ikaw ang kumpletong kaganapan ng pagka-Diyos sa laman, ang walang-kahigitan. Ang buong kung sino Ako, ay ibinuhos Ko kay Cristo, ang buong kung ano si Cristo, ay Aking ibinubuhos sa IYO! IKAW ang aking sakdal na Salitang Nobya.”

Ang buong katauhan nati’y tumatalon sa kagalakan. Sinabi sa atin ng Ama, tayo ang Kanyang Nobya. Tayo ang siyang mga iniibig Niya. Tayo’y pinagdadalang-binhi ng Kanyang Salita, at ng Kanyang Salita LAMANG. Ang ating sinapupunan ay sarado sa kung ano pa mang ibang bagay. Siya’y naghihintay, at nananabik para sa atin…PARA SA ATIN!!

At mantakin n’yo? Hindi Siya nagpadala ng kung sino pa mang iba para saysayin ang mga Salitang ito, haya’t Siya’y dumating at nanahan sa laman ng tao muli, para Siya’y makapangusap sa atin nang direkta, labi sa tainga, at SABIHIN SA ATIN: “Iniibig Kita, aking sinisintang Nobya.”

Gustung-gusto natin ng pag-aawitan, ng pakikipagbuklod, ng pakikipagtipon kasama ang mga mananampalataya, pero ang higit nating gusto sa lahat ay ang makapakinig sa Salita ng Diyos; Ganito Ang Sabi Ng Panginoon, na direktang mangungusap sa atin. Bawat Mensahe’y isang personal na liham na pag-ibig SA ATIN. Kanyang inilalagay ang bawat Salita na nais Niyang sabihin sa atin sa magnetikong teyp para mapakinggan natin ang mga ito nang tayo mismo.

Ano kaya ang sasaysayin Niya sa atin at ihahayag sa atin sa Linggo sa pagkakatipon natin? Ano na ang panahon?

Nagsalita si Isaias noon at nagsabi, “Isang birhen ang magdadala at magsisilang ng isang anak na lalaki”, pero 700 taon muna ang lumipas bago ang panahon na maisakatuparan ito. Sinabi ni Haring David, “Kanilang tinusok ang aking mga kamay at mga paa.” Nagsalita siya na para bang ang kanyang mga kamay at mga paa niya ito, pero Ito’y hindi pa panahon para matupad dahil matutupad pa lang ito pagkalipas ng 1000 taon.

Ang Diyos ay nangusap sa pamamagitan ng ating propeta sa ating panahon at nagsaysay ng maraming bagay na hindi posibleng maganap hanggang sa panahon ngayon. Nakikita natin ang mga bansa at ang mundo’y nagkakaisa nang wala pang tulad nito noon. Iniisip natin na ang komunismo’y isang bagay sa nakaraan at nawasak na, pero ngayon nakikita natin ito mismo na buhay na buhay at isang instrumento sa kamay ng Diyos, gaya ng kanyang iprinopesiya at sinaysay sa atin.

Iniisip ng mundo na tapos na ang cold war, at wala nang banta ng digmaang nukleyar. Pero ngayon, ang banta ng digmaang nukleyar ay naging realidad. Ang lahat ay nagkakalakip gaya ng sinabi niya noon na mangyayari. Nandito na ang naturang panahon.

Sa Linggo, Siya’y muling MANGUNGUSAP NANG DIREKTA SA ATIN, labi sa tainga, at ating mapapakinggan ang isa na namang liham ng pag-ibig na sinaysay at inimbak para ating marinig mismo. Ano kaya ang sasaysayin Niya sa atin at ihahayag? Ano na ang panahon? Ano na ang nangyayari?

Pinaglalakip ng Diyos ang Kanyang Nobya. Siya’y lumalakip na, mula Silangan at Kanluran, at Hilaga at Timog. Mayroong panahon ng paglalakip, at ito na ‘yun ngayon. Ano       kaya ang pinaglalakipan ng Nobya? Ang Pag-agaw.

Kaya ano ang ginagawa ng Mensaheng Ito sa pakikinig natin sa Tinig ng Diyos mula sa palibot ng mundo? Pinaglalakip ang Nobya sa Salita. Ang Salita ay Diyos. Ang Nobyo ang Salita. Ang Nobya ang tagapakinig ng Salita na ‘yun, at tayo’y nagsasama-sama sa isang Paglalakip. Tayo’y naghahanda na para sa isang Kasalan kung saan tayo’y nakikipag-Isa sa Salita.

Ang buong Ama, ay Ako; at ang buong Ako, ay kayo; at ang buong kayo, ay Ako. Sa araw na ‘yun ay mapagkikilala n’yo na Ako’y sa Ama, ang Ama sa Akin, Ako sa inyo, at kayo sa Akin.” Kita n’yo? Sa “araw na ‘yun.” Anong araw? Ang araw na ito! Nasumpungan natin ang dakilang natatagong mga hiwaga ng Diyos na inihahayag na. Oh, gustung-gusto ko talaga ito!

Ngayon na ang oras. Ngayon na ang panahon. Inihahanda na ng Nobya ang Kanyang Sarili para sa Nobyo. Tayo’y nakikinig habang pinakikinggan natin ang sigaw sa hatinggabi “Narito, ang Nobyo’y parating na!” Tayo’y nasa panahon na mismo ng wakas.

Halikayo at makiisa sa amin habang tayo’y naglalakip sa palibot ng Salita, sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin ang Tinig ng Diyos na sinasaysay sa atin: Ang Panahon ng Paglalakip At Tanda 63-0818.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na babasahin

Awit 86:1-11

Sn. Mateo 16:1-3

22-0508 Si Kristo Ang Misteryo Ng Diyos na Ipinahayag

Minamahal na Sinta ng Kanyang Puso,

Ako’y nabigyan ng higit na dakilang karangalan sa mundo. Pinahintulutan ako ng Panginoon na ipakilala Siya sa inyo, para Siya’y makapagsalita nang direkta sa inyo sa pamamagitan ng sisidlan na Kanyang pinili bago pa itatag ang sanlibutan na salitain at ihayag ang buo Niyang Salita sa inyo.

Hindi lang ito isang tao ng Diyos, Ito’y ang Diyos Mismo, ang Haliging Apoy, ang Espiritu Santo na nangungusap nang direkta sa inyo, labi sa tainga, at mayroon tayong karangalan at pribilehiyo na tawagin ang Kanyang piniling propeta, na ATING PASTOR.

Hindi na nag-aalinlangan kung ang pinakikinggan ay isang tao, kanyang kaisipan, kanyang hinuha, o kanyang sariling interpretasyon sa Salita. Ito’y ang Diyos Mismo na nangungusap sa atin ng GANITO ANG SABI NG PANGINOON.

Alam ko na may mga tao na nasasamid sa bagay na ’yan, pero iniinom natin Ito. Dahil Ito lang ang tanging bagay na makapag-aalis ng ating uhaw at nagpupunan sa ating kaluluwa. Ito’y ang Mga Salita ng Buhay na Walang Hanggan. Sa atin, Ito’y ang Tinig ng Diyos. Ito’y ang Mensaheng napapanahon. Kaya naman, ito’y ang Salita, ang Tinig, ang Mga Teyp, O WALA!

Tayo’y naglalakipan sa isa’t isa sa ilalim ng isang Ulo gaya ng Israel noong unang panahon. Isang Diyos, pinagtibay ng isang Haliging Apoy, at inihahayag ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang propeta, na siyang Salita. Ang siya ring Diyos, siya ring Haliging Apoy, siya ring pamamaraan sa panahon ngayon. Hindi babaguhin kailanman ng Diyos ang Kanyang kalikasan. Ang Kanyang programa’y hindi kailanman mababago mula sa bagay na Kanyang pinasimulan, dahil Siya’y walang katapusan at ang Kanyang programa at Kanyang mga ideya’y ganap lahat.

Kaya naman tayo’y nasa ilalim ng malaking pananabik na mapakinggan kung ano ang bagay na ihahayag Niya sa atin sa Linggo. Sinabi Niya na Kanyang natumbok ang buong dulo-sa-dulo nun, ang loob at labas man nun, at mangyari na ipinakita ito sa pamamagitan ng Kasulatan at ang pagkakasunud-sunod nito, hanggang sa mapagkilala natin na ang Mensaheng ito’y ganap na Katotohanan. Walang pagkakamali.

Pero sa Linggo, sasaluhin ng Espiritu Santo ang Mensahe at ilalagay Ito sa kung nasaan Ito ngayon. Kanyang itatayo Ito sa kung saan Ito nagpasimula, at itatayo Ito mismo hanggang sa kasalukuyang panahon.

Tayo’y uminom mismo ng kaunti sa kung ano ang ipangungusap sa atin ng Diyos at ihahayag sa atin sa pamamagitan ng ating pastor sa Linggo:

Kayo ang sinta ng aking puso, na mga bunga ng Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu at Salita ng Katotohanan. Ako’y nananalangin mismo’t  hinihiling sa Panginoon na pagpalain kayo at panatilihin kayo na sama-samang lumalakip nang husto sa pagbibigkis ng pag-ibig ni Cristo.

Ibinusod sa akin ng Panginoon na mag-imbak ng Pagkain para sa inyo; maiinam, na masustansyang mga gulay, dito sa tabernakulo. At ngayon, tatanggapin n’yo ang buong karga ng teyp. Ihahayag nito si Jesus Cristo sa inyo sa oras na kinabubuhayan natin. Ang Mensaheng ito’y tutustos at magpapalakas sa inyo. Bibigyan kayo nito ng espirituwal na lakas para sa gawain na naghihintay sa harapan.

Hayaan n’yong sabihin ko sa inyo muli nang isang beses yamang nalalaman ko na gustung-gusto n’yong marinig ito: kayo ang pinili’t, itinalaga na noong una na bilang, ang tanging makikinig dito. Kayo ang piniling Nobya na hindi papalya kundi manghahawakan sa Salitang ’yun kahit na ano pa ang sabi-sabihin ng iba pa sa mundo tungkol Dito. Kayo ang Salitang Nobya!

Inihayag sa inyo ng Diyos ang dakilang hiwaga na ito, at ’yun ang bagong Kapanganakan. Ngayon Kanyang tinitipon kayo na sama-sama kung saan ang kapahayagan ay nasa ganap na pagtutugmaan. Inihahayag mismo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa pamamagitan ng siya ring mga gawa, siya ring mga bagay na Kanyang ginawa, na ibinubunsod ang Salita na mahayag sa inyo.

Nawa’y hindi n’yo kalimutan, ang Espiritu Santo, ang nag-iisa mismo, na Tagapagpahayag ng Makalangit na kapahayagan ni Cristo, at ganoon ito sa tuwina sa lahat ng mga kapanahunan. Tandaan n’yo, lahat ng mga kapanahunan! Kanino dumarating ang Salita ng Panginoon? Sa propeta, lamang.

Napagtatanto ko na nakikipag-usap ako sa libo-libo sa teyp, mayroon tayong isang pagmiministeryong teyp sa buong mundo. At mistula ngang makagagawa tayo ng teyp mula rito na sampung beses na mas mainam kaysa sa iba pang lugar. Umaasa ako na ang bawat tao na makakapakinig sa teyp na ito, at bawat kababaihan, ay makakaunawa.

Ngayon ito’y nasa kanila na kung gusto nilang pakinggan ang alinmang teyp, pero ayaw kong mapalampas n’yo ito. Kayo na mga kapatid na nagteteyp; diyan sa mga kagubatan at saanman na napapakinggan n’yo Ito,  ngayon makinig kayo. Mayroon tayong mga teyp ukol sa bagay na sinasampalatayanan natin. Mayroon tayong mga teyp ukol sa pagdidisiplina sa loob ng iglesya, kung papaano ba dapat ang pag-uugali natin sa loob ng iglesya ng Diyos, kung papaano ba tayo dadako rito na sama-sama at uupo na sama-sama sa Makalangit na mga dako.

Umaasa ako na ang lahat sa teyp ay nakukuha ’yan. Kung di n’yo makuha, balikan n’yo uli ang teyp. Hindi ko alam kung gaanong katagal ko pa kayong makakasama. Alalahanin n’yo, Ito ang Katotohanan, ng GANITO ANG SABI NG PANGINOON. Ito ang Katotohanan. Ito ang Kasulatan.

Ang Ulo at ang Katawan ay naging isang yunit na. Ito’y ang Diyos na nahayag sa inyo, na Kanyang bayan. Yan ang dahilan kung bakit ang asawang lalaki’t asawang babae ay hindi na dalawa; sila’y isa na. Ang Diyos at ang Kanyang Iglesya’y isa, “si Cristo na nasa inyo,” ang dakilang kapahayagan ng Diyos.

Hindi ko ito kaisipan; ito’y ang Kanyang Kapangyarihan, ito’y ang Kanyang Salita. Kanyang ipinangako ito; heto ito. Sinabi Niya na ito’y paririto, at heto na nga ito. Kayo’y mga anak ng Diyos. Hindi magiging pa lang; KAYO NA NGAYON!

Iyo pong punuin ang aming saro Panginoon, amin itong itinataas Panginoon, pumarito po Kayo at pawiin ang uhaw na ito ng aming kaluluwa. Tinapay ng Langit, pakainin Mo kami, hanggang sa masapatan kami. Iyo pong punuin ang aming saro, punuin ito at papaging kaming buo.

Grabeng panahon ito ng rebaybal na matatamasa natin sa buong mundo habang tayo’y nagkakatipon sa Linggo para pakinggan ang: Si Cristo Ang Hiwaga Ng Diyos Na Nahayag 63-0728 nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan Na Babasahin

Sn. Mateo 16:15-17

Sn. Lucas ika-24 na Kabanata

Sn. Juan 5:24 / 14:12

1 Mga Taga-Corinto ika-2 Kabanata

Mga Taga-Efeso Kabanata 1

Mga Taga-Colosas Kabanata 1

Apocalipsis 7:9-10

Minamahal na Sinta ng Kanyang Puso,

Ako’y nabigyan ng higit na dakilang karangalan sa mundo. Pinahintulutan ako ng Panginoon na ipakilala Siya sa inyo, para Siya’y makapagsalita nang direkta sa inyo sa pamamagitan ng sisidlan na Kanyang pinili bago pa itatag ang sanlibutan na salitain at ihayag ang buo Niyang Salita sa inyo.

Hindi lang ito isang tao ng Diyos, Ito’y ang Diyos Mismo, ang Haliging Apoy, ang Espiritu Santo na nangungusap nang direkta sa inyo, labi sa tainga, at mayroon tayong karangalan at pribilehiyo na tawagin ang Kanyang piniling propeta, na ATING PASTOR.

Hindi na nag-aalinlangan kung ang pinakikinggan ay isang tao, kanyang kaisipan, kanyang hinuha, o kanyang sariling interpretasyon sa Salita. Ito’y ang Diyos Mismo na nangungusap sa atin ng GANITO ANG SABI NG PANGINOON.

Alam ko na may mga tao na nasasamid sa bagay na ’yan, pero iniinom natin Ito. Dahil Ito lang ang tanging bagay na makapag-aalis ng ating uhaw at nagpupunan sa ating kaluluwa. Ito’y ang Mga Salita ng Buhay na Walang Hanggan. Sa atin, Ito’y ang Tinig ng Diyos. Ito’y ang Mensaheng napapanahon. Kaya naman, ito’y ang Salita, ang Tinig, ang Mga Teyp, O WALA!

Tayo’y naglalakipan sa isa’t isa sa ilalim ng isang Ulo gaya ng Israel noong unang panahon. Isang Diyos, pinagtibay ng isang Haliging Apoy, at inihahayag ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang propeta, na siyang Salita. Ang siya ring Diyos, siya ring Haliging Apoy, siya ring pamamaraan sa panahon ngayon. Hindi babaguhin kailanman ng Diyos ang Kanyang kalikasan. Ang Kanyang programa’y hindi kailanman mababago mula sa bagay na Kanyang pinasimulan, dahil Siya’y walang katapusan at ang Kanyang programa at Kanyang mga ideya’y ganap lahat.

Kaya naman tayo’y nasa ilalim ng malaking pananabik na mapakinggan kung ano ang bagay na ihahayag Niya sa atin sa Linggo. Sinabi Niya na Kanyang natumbok ang buong dulo-sa-dulo nun, ang loob at labas man nun, at mangyari na ipinakita ito sa pamamagitan ng Kasulatan at ang pagkakasunud-sunod nito, hanggang sa mapagkilala natin na ang Mensaheng ito’y ganap na Katotohanan. Walang pagkakamali.

Pero sa Linggo, sasaluhin ng Espiritu Santo ang Mensahe at ilalagay Ito sa kung nasaan Ito ngayon. Kanyang itatayo Ito sa kung saan Ito nagpasimula, at itatayo Ito mismo hanggang sa kasalukuyang panahon.

Tayo’y uminom mismo ng kaunti sa kung ano ang ipangungusap sa atin ng Diyos at ihahayag sa atin sa pamamagitan ng ating pastor sa Linggo:

Kayo ang sinta ng aking puso, na mga bunga ng Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu at Salita ng Katotohanan. Ako’y nananalangin mismo’t  hinihiling sa Panginoon na pagpalain kayo at panatilihin kayo na sama-samang lumalakip nang husto sa pagbibigkis ng pag-ibig ni Cristo.

Ibinusod sa akin ng Panginoon na mag-imbak ng Pagkain para sa inyo; maiinam, na masustansyang mga gulay, dito sa tabernakulo. At ngayon, tatanggapin n’yo ang buong karga ng teyp. Ihahayag nito si Jesus Cristo sa inyo sa oras na kinabubuhayan natin. Ang Mensaheng ito’y tutustos at magpapalakas sa inyo. Bibigyan kayo nito ng espirituwal na lakas para sa gawain na naghihintay sa harapan.

Hayaan n’yong sabihin ko sa inyo muli nang isang beses yamang nalalaman ko na gustung-gusto n’yong marinig ito: kayo ang pinili’t, itinalaga na noong una na bilang, ang tanging makikinig dito. Kayo ang piniling Nobya na hindi papalya kundi manghahawakan sa Salitang ’yun kahit na ano pa ang sabi-sabihin ng iba pa sa mundo tungkol Dito. Kayo ang Salitang Nobya!

Inihayag sa inyo ng Diyos ang dakilang hiwaga na ito, at ’yun ang bagong Kapanganakan. Ngayon Kanyang tinitipon kayo na sama-sama kung saan ang kapahayagan ay nasa ganap na pagtutugmaan. Inihahayag mismo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa pamamagitan ng siya ring mga gawa, siya ring mga bagay na Kanyang ginawa, na ibinubunsod ang Salita na mahayag sa inyo.

Nawa’y hindi n’yo kalimutan, ang Espiritu Santo, ang nag-iisa mismo, na Tagapagpahayag ng Makalangit na kapahayagan ni Cristo, at ganoon ito sa tuwina sa lahat ng mga kapanahunan. Tandaan n’yo, lahat ng mga kapanahunan! Kanino dumarating ang Salita ng Panginoon? Sa propeta, lamang.

Napagtatanto ko na nakikipag-usap ako sa libo-libo sa teyp, mayroon tayong isang pagmiministeryong teyp sa buong mundo. At mistula ngang makagagawa tayo ng teyp mula rito na sampung beses na mas mainam kaysa sa iba pang lugar. Umaasa ako na ang bawat tao na makakapakinig sa teyp na ito, at bawat kababaihan, ay makakaunawa.

Ngayon ito’y nasa kanila na kung gusto nilang pakinggan ang alinmang teyp, pero ayaw kong mapalampas n’yo ito. Kayo na mga kapatid na nagteteyp; diyan sa mga kagubatan at saanman na napapakinggan n’yo Ito,  ngayon makinig kayo. Mayroon tayong mga teyp ukol sa bagay na sinasampalatayanan natin. Mayroon tayong mga teyp ukol sa pagdidisiplina sa loob ng iglesya, kung papaano ba dapat ang pag-uugali natin sa loob ng iglesya ng Diyos, kung papaano ba tayo dadako rito na sama-sama at uupo na sama-sama sa Makalangit na mga dako.

Umaasa ako na ang lahat sa teyp ay nakukuha ’yan. Kung di n’yo makuha, balikan n’yo uli ang teyp. Hindi ko alam kung gaanong katagal ko pa kayong makakasama. Alalahanin n’yo, Ito ang Katotohanan, ng GANITO ANG SABI NG PANGINOON. Ito ang Katotohanan. Ito ang Kasulatan.

Ang Ulo at ang Katawan ay naging isang yunit na. Ito’y ang Diyos na nahayag sa inyo, na Kanyang bayan. Yan ang dahilan kung bakit ang asawang lalaki’t asawang babae ay hindi na dalawa; sila’y isa na. Ang Diyos at ang Kanyang Iglesya’y isa, “si Cristo na nasa inyo,” ang dakilang kapahayagan ng Diyos.

Hindi ko ito kaisipan; ito’y ang Kanyang Kapangyarihan, ito’y ang Kanyang Salita. Kanyang ipinangako ito; heto ito. Sinabi Niya na ito’y paririto, at heto na nga ito. Kayo’y mga anak ng Diyos. Hindi magiging pa lang; KAYO NA NGAYON!

Iyo pong punuin ang aming saro Panginoon, amin itong itinataas Panginoon, pumarito po Kayo at pawiin ang uhaw na ito ng aming kaluluwa. Tinapay ng Langit, pakainin Mo kami, hanggang sa masapatan kami. Iyo pong punuin ang aming saro, punuin ito at papaging kaming buo.

Grabeng panahon ito ng rebaybal na matatamasa natin sa buong mundo habang tayo’y nagkakatipon sa Linggo para pakinggan ang: Si Cristo Ang Hiwaga Ng Diyos Na Nahayag 63-0728 nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan Na Babasahin

Sn. Mateo 16:15-17

Sn. Lucas ika-24 na Kabanata

Sn. Juan 5:24 / 14:12

1 Mga Taga-Corinto ika-2 Kabanata

Mga Taga-Efeso Kabanata 1

Mga Taga-Colosas Kabanata 1

Apocalipsis 7:9-10

22-0501 Hindi Hinahatulan Ng Diyos Ang Tao Nang Hindi Muna Siya Binabalaan

MENSAHE: 63-0724 Hindi Hinahatulan Ng Diyos Ang Tao Nang Hindi Muna Siya Binabalaan

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Munting Kuwerdas de Relo, Pangunahing Kuwerdas de Relo, o anuman kayo:

Tayong lahat ay bumubuo sa Katawan ni Cristo, sa ating posisyon, sa pagkakasundo-sundo, na nagsisikap na gawin sa pinaka mainam nating makakaya para sa Kanya. Wala nang iba pang bagay ang mas mahalaga sa atin, kundi ang Kanyang Salita, ang Mensaheng ito.

Talagang gustung-gusto natin na marinig ang propeta ng Diyos na sinasabi sa atin: “May kung anong bagay sa inyo na mga naturang tao. Kayo’y sadyang espesyal na tao sa buhay ko. May kung anong bagay na talagang gustung-gusto kong makipagkita sa inyo at sadyang makipag-usap sa inyo”.

“Tinitingnan-tingnan ko ang sarili kong munti’t mababang-loob na pagmiministeryo; na si Jesus Cristo’y siya rin kahapon, ngayon, at magpakailanman, at nakikita ko kung ano ang ginagawa Nito; na tinatawag at pinaglalakip ang Nobyang grupo na magkakasama. Ito’y pagkuha ng Gulong mula sa gulong”.

Alam natin na hindi Ito isang tao, Ito’y ang Salita ng Diyos na nagdadala sa Kanyang Nobya na maglakip. Ang mga bagay na nakikita natin na ipinapabunsod ay wala nang iba kundi ang Diyos. Wala nang marahil ganoon nga ito, maaring ganoon nga ito, mukha ngang ganoon ito, TALAGANG ITO’Y ANG DIYOS!!

Dumako na tayo sa kalagayan na Ito nga’y ang Perlas na malaki ang halaga para sa atin. Nakaalis na tayo sa anumang bagay na nagsasabi ng iba na kontra Rito. Hindi tayo nakatingin sa kung anong naabot ng tao o sinasabi, nakatuon tayo sa kung anong sinabi ng Diyos at kung ano ang Kanyang ipinangako na Kanyang gagawin sa ating panahon, at nakikita natin Siya na ginagawa Ito.

Yan ang ating Batayang-Ganap. Lahat ng kung ano tayo ngayon, lahat ng kung ano tayo noon, lahat ng inaasam natin kung magiging ano tayo sa hinaharap, ay nakalagay sa Mensaheng ito. Ito’y higit pa sa buhay para sa atin.

Gaya ng hindi pa nangyayari kailanman sa kasaysayan ng mundo, nakikita natin ang Diyos na nagbibigay ng babala, naghahanda para sa isang paghatol. Ang mga bomba atomika’y nasa mga silungan na ng eroplano, haya’y ang lahat ay nakahanda na.

Sa panahon na ito, ito’y hindi lang para sa isang munting grupo ng mga tao, katulad sa panahon noon ni Noe, o noong panahon ni Abraham; ito’y babala mismo ng Diyos sa mga tao ng mundo, na ipinapangusap sa pamamagitan ng Kanyang propeta, ito na ang huli n’yong babala.

Sinasabi Niya sa atin, “Bago Ko pahintulutan na mangyari ang bagay na ito, Ako’y may huling pagtawag, gaya ng ginawa Ko noon sa Sodoma, na lumabas na kayo mula roon. Maghanda kayo. May kung anong bagay na mangyayari”.

Nakadepende ang mundo sa kanilang dakilang siyentipikong naabot; pagha-hybrid na nagdala ng kamatayan sa mga henerasyon. Ang matatalino’t mga edukado’y sumasalig sa intelektuwal na panig: UN, NATO, League of Nations. Bawat araw ay nakikita natin na ang paghatol ay papalapit nang papalapit. Ang bagay na nakita ng propeta sa malayo’t sinaysay sa atin na mangyayari, ay nangyayari na mismo: Rusya, Digmaan, Langis, Vatican, Mga Judio, mga Bombang Nukleyar.

Wala nang pag-aagam kung anong mangyayari. Nakikita na natin ito mismo na nangyayari araw-araw, at ang takot sa mundo ay isang realidad na at lumalaki nang lumalaki araw-araw.

Pero katulad nga nang ginawa Niya sa panahon ni Hezekias, noong mangusap ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang propeta at binalaan ang mga tao, “Maghanda kayo, dahil ang mga kahatulan ay napipinto nang bumagsak.” Ibinubunsod ng Kanyang propeta na ang mga tao’y maghanda na para sa panahon na ‘yun na parating.

Ibinunsod ni Noe ang mga tao na maghanda noong panahon niya. Isa ’yung pagtawag ng kahabagan bago ang paghatol. Ang Diyos ay may inilaang daan, na isang propeta para pangunahan sila.

At sa tuwina’y ipinapadala Niya ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng Kanyang propeta, gaya ng ginawa Niya noong panahon ni Noe. Ginawa Niya ang siya ring bagay noong panahon ni Noe. Noong panahon ni Eli-…ni Moises, nakita natin na ginawa Niya ang siya ring bagay. Ipinadala Niya sa kanila ang Kanyang propeta, at inihiwalay nila ang kanilang sarili mula sa di-pananampalataya. Ngayon, ganoon ang uri na lumabas. Ganoong uri ang sumampalataya Rito.

Inihiwalay natin ang ating mga sarili mula sa lahat ng di-pananampalataya. Ang Diyos ay naglaan ng isang daan para sa Kanyang Nobya ngayon. Ipinangako Niya sa atin sa Kanyang Salita, “Bago ang paghatol, ipapadala Ko sa inyo ang isang propeta para tipunin ang Aking munti’t mapagpakumbabang Kawan, at iuupo Ko sila sa isang gilid, at sila’y magiging payapa, na hinihintay ang napipintong paghatol at ang pag-alpas”.

Tayo ang munting Kawan na ’yun. Tayo ’yun na iniibig ng Ama at tayo’y naghihintay nang may malaking pananabik para sa Kanyang nalalapit na Pagdating. Ang mundo’y gumuguho mismo sa paligid natin, pero tayo’y nasa kapahingahan at may kapayapaan.

Alam natin na tayo’y nasa Kanyang sakdal na kalooban. Kahit na nasaan pa tayo sa mundo, ang Diyos ay naglaan ng daan para lahat tayo’y makapaglakip na sama-sama sa palibot ng Kanyang Salita, sa palibot ng Kanyang Tinig. Ito ang inilaang daan ng Diyos.

At ang propetang ito’y dinidirekta sila sa inilaang daan ng Diyos. Ngayon, ’yun ang pamamaraan ng Diyos ng paggawa ng mga bagay-bagay. Kita n’yo?

Halikayo at umalpas sa paparating na paghatol kasama namin at pakinggan ang: 63-0724 Hindi Hinahatulan Ng Diyos Ang Tao Nang Hindi Muna Siya Binabalaan, sa Linggong ito nang 12:00 pm, oras sa Jeffersonville. Ito’y ang Tinig ng Diyos na nagsasalita at sinasabi sa atin: Ito ang Aking inilaang daan para sa panahon na ito.

Bro. Joseph Branham

Isaias 38:1-5

Amos Kabanata 1

22-0424 Siya Ay Nagmamalasakit. Ikaw Ba’y Nagmamalasakit?

Minamahal na Nobyang Nagi-Exodo

Gaya ng mga anak na Hebreo na nagtipon noon nang maaga para pumulot ng manna na inilaan para sa kanila noong magdamag, para bigyan sila ng makakain para sa parating na araw, tayo rin ay nagtitipon para sa Espirituwal na Manna na ipinagkaloob sa atin para panatilihin tayong malakas para sa ating paglalakbay.

Ang Nobya ay nagkakaisa nang sama-sama’t may paglalakip sa Diyos, na ang kahayagan ng Nobyo ay nahahayag sa Nobya. Tayo’y nanghahawakan sa bawat Salita na binigkas at naging Isa sa KANYA.

Ang kasamaan ng mga bansa ay apaw-apaw na. Siya’y napakarumi. Panahon na ngayon para sa ating exodo patungo sa Lupang Pangako, sa ating Tahanan. Inihahanda na ng Nobya ang Kanyang Sarili.

Gaya ng ginawa ng Diyos sa Kanyang unang exodo, sa Kanyang ikalawang exodo, at ngayon sa Kanyang ikatlong exodo, pumili ang Diyos at nagpadala ng propeta na may kalakip na Sobrenatural na tanda ng Haliging Apoy, para hindi magkamali ang mga tao, at mapagkilala nila na ‘yun ang Kanyang pinili para pangunahan ang Kanyang Nobya.

Kun ano ang sinabi ng Kanyang propeta ay ‘yun ang Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Ang Diyos ‘yun, na bumababa sa Haliging Apoy, na pinapatotohanan at inihahayag ang Kanyang Salita. Pinahiran ng Haliging Apoy na ‘yun ang Kanyang propeta at tumayo bilang Makalangit na Saksi para patunayan na siya ang isang pinili para pangunahan ang Kanyang Nobya patungo sa Pangakong Lupain.

Naniniwala tayo na ang lahat ng mga iglesya’y dapat nagbubuklod nang sama-sama sa ilalim ng Tinig na Ito, at hindi bukod-bukod. Anong naghihiwalay sa atin? Hindi ang kulay ng ating balat. Hindi ang klase ng pagkain na kinakain natin. Kundi ang tao na lumihis mula sa subok nang daan ng pagtuturo ng Ebanghelyo, sa bawat tao.

May NAG-IISA LAMANG NA DAAN para maliwanag na ipakita kung alin ang tama o ang mali. Ang tanging paraan para magawa n’yo ito, ay ang hindi paglalagay ng kahit anong interpretasyon sa Salita, bagkus ay basahin lamang Ito at pakinggan Ito, at sampalatayanan ang bawat Salita.

Pero sinabi niya na hindi nila ginagawa ito dahil sa selos, dahil sa espirituwal na pagkabulag. Ayaw nilang makakita. Ayaw nilang pakinggan Ito.

Ang Diyos ng Langit ay magbabangon, at ang tinig ko ay malalagay sa magnetikong teyp ng dakilang panahon ng Diyos sa ibayo, at kokondenahin nito ang henerasyon na ito sa huling araw. Dahil, ito’y—ito’y nasa magnetikong teyp, kung ganun ito’y malalagay sa Walang Hanggang teyp.

Ang Diyos ito, Mismo, na nahayag sa laman ng tao, sa pamamagitan ng Dugo ni Jesus Cristo, para papaging banalin ang isang buhay nang sa gayon ay Kanyang mapaaninag ang Kanyang Sarili, at ngayong panahon na ito ay kanilang pinapako ang siya ring Salita na ‘yun na nahayag.

At pagkatapos nawa sila na nakikinig sa pamamagitan ng teyp, sila’y makinig nawa nang maigi. At nawa’y masalo natin kung ano ang sinisikap ng Espiritu Santo na ihayag sa atin.

Atin NANG nasalo kung ano ang sinisikap ng Espiritu Santo na ihayag sa atin, at lahat tayo’y tutungo sa Pangakong Lupain. Ang bawat isa sa atin! Kayo man ay isang maybahay, o kayo man ay munting dalagita, o kayo man ay matanda nang babae, o kabataang lalaki, o isang matandang lalaki, o ano man kayo, tayo’y tutungo at tutungo, ano’t anuman. Wala ni isa sa atin ang maiiwan. Bawat isa sa atin ay talagang tutungo!!!

Napaka imposible para hindi tuparin ng Diyos ang Kanyang Salita sa atin, kung tinupad natin ang ating salita sa Diyos. Kung tunay kayong sumasampalataya Rito, walang anumang bagay na makapagbubunsod sa inyo na pagdududahan ito. Panahon, espasyo, walang kahit na ano na makapagbubunsod sa inyo na pagdududahan ito.

Lubos Niya tayong pinagmamalasakitan na Siya’y nagsugo ng propeta para idirekta tayo, na Kanyang mga hinirang, sa pamamagitan ng paglalaan ng daan para makaalpas. Hindi lamang Siya nagmalasakit para ilabas tayo, Kanyang inilaan ang lahat-lahat na kailangan natin habang nasa paglalakbay tayo. Kanyang pinagtagumpayan ang bawat kaaway para sa atin. Kanyang pinagagaling tayo kapag tayo’y may sakit. Siya’y nag-imbak ng natatagong Manna para pakainin tayo araw-araw; Kanya pa ngang ginapi ang kamatayan, na ang kailangan n’yo na lang gawin ay maging sinsero at sampalatayanan Ito.

Tayo’y predestinado sa Buhay na Walang Hanggan. Pinakikinggan natin Ito at nagagalak tayo Rito. Ito ang ating Ginhawa. Ito ang Bagay na pinaka aasam-asam natin sa buong buhay natin. Ito ang Perlas na iniwan natin ang lahat para rito. Nais natin Ito dahil alam natin na ito ang may pag-ibig na malasakit ng Diyos para sa atin.

Mayroon ba kayong kailangan na ANUMAN, sa espirituwal, sa pisikal, o marahil mas malapit pa na paglakad, o mapuspos o muling mapuspos ng Espiritu Santo? Halikayo at makiisa sa amin sa palibot ng Salita ng Diyos at laang daan para sa panahon na ito at kunin n’yo ang kailangan n’yo, KUNG KAYO AY NAGMAMALASAKIT. Ipinangako Niya na ipapadala Ito, at Kanyang ginawa ito! Kanyang ipinangako na ipapadala Ito, at Kanyang ginawa ito! Kanyang ipinangako Ito sa Kanyang Salita, at heto Ito! Siya’y nagmamalasakit, ngayon kayo rin ba?

May kung anong bagay sa inyong puso na nagsasabi sa inyo, “tapos na ang mga suliranin ko. Ako’y gagaling na. Ako’y mapupuspos na. Ako’y mas magiging malapit pa sa Kanya. Ako ang Kanyang Nobya.”

Halikayo at samahan kami sa Linggo nang 12:09 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin ang: Siya Ay Nagmamalasakit. Ikaw Ba’y Nagmamalasakit? 63-0721.

Ito’y magiging malaking piging ng pag-ibig sa pakikinig n’yo sa Kanya na sasabihin sa inyo na nagmamalasakit Siya sa inyo, sa sikat man ng araw o sa kapanglawan, Siya’y nagmamalasakit sa inyo.

Bro. Joseph Branhan

Sn. Juan 5:24 / 15:26

1 Pedro 5:1-7

Mga Hebreo 4:1-4

22-0410 Isang Patnubay

MENSAHE: 62-1014E Isang Patnubay

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Mga Pinapatnubayang Kordero,

Ang huling pakikibaka ay napipinto na. Patungo tayo sa dako na hindi pa natin natutunguhan. Tayo’y tumutugaygay sa isang ilang, at tayo’y nasa ating daan na sa kung saan, at hindi natin kayang umusad nang walang Tagapatnubay. Huwag kayong mag-alala munting kawan, ang Diyos ay naglaan ng isang Tagapatnubay para pangunahan tayo.

Ang Tagapatnubay na ito’y maghahayag ng mga bagay sa atin, at isasaysay sa atin ang mga bagay na Kanyang narinig; magagawa Niya na ulitin ang ating mga salita pabalik at sabihin kung anong sinabi natin. Dapat tayong sumunod sa Tagapatnubay na ito, dahil Siya ang tanging Isa na nakakaalam ng daan.

Noong si Jesus ay nasa lupa, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad na marami pa Siyang mga bagay na sasabihin at ihahayag sa atin, kaya ipadadala Niya sa atin ang Espiritu ng katotohanan, at kanyang Papatnubayan tayo patungo sa lahat ng mga katotohanan na ito. Sinabi Niya na mapagkikilala Siya ng Kanyang Nobya yamang ihahayag Niya at patototohanan ang Kanyang Sarili nang sadyang gaya ng ginawa Niya noong pumarito Siya noon sa laman noong unang pagkakataon.

Makikilala Niya ang bawat pag-iisip na nasa puso natin. Makikilala Niya kung sino tayo at kung anong ginawa natin. Malalaman Niya ang lahat ng tungkol sa atin. Siya ang Tagapatnubay ng Diyos, ang Espiritu Santong nabubuhay at naghahayag ng Kanyang Sarili sa laman ng tao.

Gaya Mismo ng sinabi ni Jesus, “Hindi Ako ang gumagawa ng mga gawa; ito’y ang Aking Ama na nananahan sa Akin. Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ang Anak ay walang magagawa sa Kanyang Sarili;  kundi ang Kanya lang nakikita na ginagawa ng Ama, ay siya ring ginagawa ng Anak. Ang Ama ang gumagawa, at Ako’y gumagawa ngayon.”

Kaya gayon din na ang Kanyang anghel ay hindi magsasalita ukol sa sarili nito, bagkus kung anuman ang marinig nito, ’yun ang sasalitain nito. Tatanggapin niya ang lahat ng mga bagay na ito mula sa Ama, at pagkatapos ay ipakikita niya ang mga ito sa atin. Kanyang ihahayag ang lahat ng mga hiwaga na natago sa Salita.

Sinabi sa atin ng Ama na Siya’y magkakaroon ng ISANG TAO na rerepresenta sa Kanya rito sa lupa, na isang Tagapatnubay, at siyanga’t ang Kanyang Nobya ay maliwanag na mapagkikilala Siya at susunod.

Tanging ang Diyos lamang ang kanyang luluwalhatiin. Malinaw na sasabihin niya, hindi siya Ito, na ikapitong anghel, na Ito’y ang kahayagan ng Anak ng tao. Ito’y ang hiwaga ng Diyos na nahahayag. Hindi Ito isang tao, Ito’y ang Diyos. Hindi siya ang Anak ng tao; siya an mensahero mula sa Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay si Cristo, na Siya ang Isa na ’yun kung saan tayo’y kumakain.

Marami ang magsasabi na sila raw ang pinahiran na ’yun na mangunguna sa Nobya, pero hindi ibig ng Diyos na kayo’y manalig sa inyong kaunawaan at sa inyong mga kaisipan, o sa anumang gawang-taong kaisipan. Ang Diyos ay nagpapadala ng isang Tagapatnubay, at ibig ng Diyos na alalahanin n’yo na ’yun ang Kanyang itinalagang Tagapatnubay.

Hindi dadalhin ng ating Tagapatnubay ang isa sa daan dito, at ’yung isa naman ay sa daan na ’yun doon at sasabihin: dapat n’yong pakinggan ang mangangaral na ito, pagkatapos kailangan n’yong pakinggan ang mangangaral naman na ’yun; ni hindi nga sila nagkakasundo sa isa’t isa. Papaano nila masasakdal kayo?

May tanging ISANG GANAP NA SALITA na magdadala sa atin at magpapanatili sa atin na sama-sama, ito ang Kanyang SAKDAL NA PINATOTOHANANG SALITANG TINIG SA TEYP.

Sinasabi nila na sa panahon ngayon ang Espiritu Santo’y pinangungunahan ang bawat isa sa atin bilang mga inidibiduwal, na totoo naman. Kung ganoon ay bakit kakailanganin n’yo ng mangangaral kung pinangungunahan kayo ng Espiritu Santo? Pakinggan n’yo ang sarili n’yo: mas pipiliin ko pa na magkaroon ng isang mangangaral na pangungunahan ako’t magtuturo sa akin at hindi ang pinagtibay na propeta ng Diyos? Mas pipiliin ko na kunin ang kanyang interpretasyon ukol sa Salita kaysa sa makinig mismo nang direkta mula sa Tinig ng Diyos Mismo dahil mas naipapaliwanag niya ito nang mas mainam?

Hindi ko kinokondena ang pagmiministeryo, o sinasabi na sila’y huwad, o sinasabi na hindi na dapat kayo makinig sa pagmiministeryo. Patawarin n’yo ako kung hindi ko nasasabi ito nang tama. Sinasabi ko lamang na hindi sila maaaring maging kahuli-huliha’t, pangwakas n’yong salita, na inyong Patnubay. Ang mga tao’y hindi magkakasundo-sundo kahit kailan. Bawat isang tao’y may ibang ideya, ibang pangunguna. Papaano ’yun makakapagsakdal sa Nobya? Kung pakikinggan n’yo silang lahat, at nalalaman na lahat sila’y hindi magkasundo-sundo sa sinasabi nila na sakdal na Salita ng Diyos, haya’t papaano ’yan makakapagsakdal sa Nobya? Papaanong ’yan ang magiging Patnubay n’yo?

Kung itatagubilin natin sa Espiritu Santo na panatilihin tayong sama-sama sa Kanyang Salita, tayo’y magkakaisa sa puso, sa isang kaisipan, sa isang paglalakip, sa pamamagitan ng isang Espiritu; ang Espiritu Santo,  ang Patnubay ng Diyos na pangungunahan tayo tungo sa buong Katotohanan. Pero kinakailangan n’yong sumunod sa inyong Tagapatnubay.

Huwag na huwag makikipagtalo sa Salita ng inyong Patnubay. Sumunod sa Kanya. Kung hindi kayo susunod, kayo ay maliligaw. At, tandaan, kapag iniwan ninyo Siya, kayo’y nag-iisa, kaya gusto nating maging malapit sa Patnubay.

Pinangungunahan tayo ng Espiritu Santo para sumunod sa Kanyang Tagapatnubay, na ang Espiritu Santo na nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang ikapitong mensaherong anghel. Hindi ito Salita ng isang tao, Ito ang Tinig ng Diyos para sa Kanyang Nobya at Ito lang ang TANGING BAGAY NA MAKASASAKDAL SA NOBYA.

Sumama kayo sa amin sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, sa pagpapasimula natin ng ating sanlinggo ng Pasko ng Pagkabuhay na makikinig sa ating Tagapatnubay. Kanyang pangungunahan tayo sa dako na hindi pa natin nararating noon.

62-1014E Isang Patnubay

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na kailangan basahin bago ang gawain:

Sn. Marcos 16:15-18

Sn. Juan 1:1 / 16:7-15

Mga Gawa 2:38

Mga Taga-Efeso 4:11-13  / 4: 30

Mga Hebreo 4:12

2 Pedro 1:21

Exodo 13:21