Lahat na post ni admin5

22-0213 Ang Ikatlong Tatak

MENSAHE: 63-0320 Ang Ikatlong Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Birheng Nobya,

Nitong nakaraan ay nananalangin ako at hinihiling sa Panginoon kung anong ipasusulat Niya sa akin at ipasasabi na sa kung anong paraan ay magiging isang pagpapala at isang pampatibay ng loob sa inyo, na Kanyang Nobya. Wala akong masabi, at hindi ako alam ang aking sasabihin. Pakiramdam ko’y hindi ako karapat-dapat na isulat man ang kaunting mga salitang ito na isinusulat ko, pero isang napakadakilang karangalan sa buhay ko ang gumawa ng anuman para sa Kanya.

Naniniwala ako na ang tiyempo ng pakikinig sa Pitong Tatak ay ganap na ganap. Nakikita natin ang dakilang plano ng Diyos na nahahayag at nalalantad sa harapan natin. Mensahe’t Mensahe’y nagiging dakilang Kapahayagan at Kapahayagan. Nakikita natin Siya na inihahayag ang Kanyang Sarili sa atin at pinangungunahan tayo. Batid natin na ginagawa natin nang eksakto ang bagay na ibinilin Niya sa atin na gawin, “ang manatili sa Salita.” Walang ibang mas hahalaga pang paraan para gawin ito kundi Pindutin ang Play.

Nararamdaman ko na ang pagtawag na inilagay Niya sa aking puso ay ang ingatan ang Mensaheng ito, ang Kanyang tinig, ang mga teyp na ito sa harapan n’yo sa tuwina; upang ipaliwanag sa inyo ang kahalagahan ng pakikinig sa mga teyp. Alam ko na hindi ko ito maiparating nang maigi, pero ALAM KO ako’y tama sa pagsasabi sa inyo na “Pindutin ang Play,” dahil hindi ko ito sariling mga hinuha, sariling ideya, ni hindi ko rin sariling mga salita, kundi ang Mga Salita ng Diyos Mismo na nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang ika-7 mensaherong anghel, na sinasabi sa atin:

Minsan kapag tayo ay nagbasa lamang, at, ngayon, maging napakaingat. At kapag kayo ay nagbasa, kunin ang mga teyp, makinig sa kanila ng talagang mabuti. Sapagka’t, makukuha n’yo iyan sa teyp, sapagka’t lagi nilang pinaririnig muli ang mga teyp na iyan, at sila ay talagang mabuti at malinaw. Kaya, makukuha n’yo iyan ng mas malinaw roon.

Gaya ng sinasabi ko na nang maraming beses noon, hindi ako kontra sa pagmiministeryo o anumang bagay na inilagay ng Diyos sa Kanyang Iglesya. Sasaliwa ’yan sa Salita ng Diyos kung ganoon. Naniniwala ako na sila’y pinahiran at tinawag ng Diyos. Pero ako’y naniniwala na ang pakikinig at ang paglalagay ng mismong Tinig ng Diyos sa harap ng kanyang mga tao ang pinakamahalagang bagay mismo na magagawa ng sinumang tao na tinawag ng Diyos.

Hindi sapat na sasabihin lang, “Sinasabi ko sa kongregasyon ko na i-play ang mga teyp.” Kung ikaw ay nananampalataya:

•        Wala nang hihigit na pahid kaysa sa pakikinig ng Tinig ng Diyos sa teyp.

•        Lahat ng Kapahayagan ay kinakailangan na manggaling sa Tinig na ’yun.

•        Ang Pag-agaw sa pananampalataya na kailangan natin ay manggagaling sa kung ano ang sinasabi ng Tinig na ‘yun.

Papaanong hindi nanaisin ng sinumang ministro ang makinig sa Tinig na ’yun, kasama ang kanyang iglesya, at magsasabi ng AMEN SA BAWAT SALITA?

Ang bawat isa’y dapat may bagay na sa pakiramdam nila’t sa paniwala nila’y ang PINAKAMAHALAGANG bagay na magagawa nila para maging Nobya ni Cristo. May bagay nga na kinakailangan na PINAKAMAHALAGA sa Diyos at Kanyang sakdal na Kalooban. Yun ba ang pagmiministeryo ng inyong pastor? An pakikinig sa ibang mga ministro? Hindi natin sinasabi na mali ’yan, hindi nga, at ’yan ay ganap na mainam batay sa Salita, pero naniniwala ba kayo na ANG PINAKAMAHALAGANG bagay ay ang pakikinig sa pinagtibay na Tinig ng Diyos sa teyp?

Kung ’yan ang pinaniniwalaan n’yo na PINAKAMAHALAGANG bagay na magagawa n’yo, kung ganoon bakit hindi nais ng ministeryo na mag-play at makinig sa PINAKAMAHALAGANG GANAP NA MENSAHE kasama ang kanilang mga kongregasyon?

Tanungin n’yo ang inyong sarili, o ang inyong pastor ng tanong na ito: Naniniwala ba kayo na ang sipi na ito’y totoo, o ito’y isang mali lamang at nagkamali lang ng pagkakaintindi si Kapatid na Branham, o nagtatangka siyang iyabang ang sarili niya?

Kita n’yo, tamang-tama kung anong magaganap ngayon! At, sa iglesya, ano Iyan? Ang nagkatawang-taong Salita na naging laman sa kalagitnaaan ng Kaniyang bayan muli! Kita n’yo? At ayaw nilang sadyang paniwalaan Ito.

Kung naniniwala kayo na ang sipi na ito’y totoo, at sa inyo ay TINIG NG DIYOS ito, ang Salita na nagsalaman, kung ganoon papaanong hindi makikita ng sinuman na WALA NANG MAS HAHALAGA PA sa pakikinig sa Tinig na ’yun.

Gumising kayo natutulog na birhen, alinman kayo sa kamit n’yo ang Kapahayagan na ito o kayo’y gaya sa sinabi niya: “sadyang ayaw paniwalaan Ito.”

Gaya ng sinabi sa atin ng propeta, tayo ang bagong Aklat ng Mga Gawa, ang bagong Sanga na ’yun, ang Kanyang mga Hinirang. Kaya tuloy, marami sa atin ang sa tingin nila’y pinangungunahan tayo ng Espiritu Santo ngayon bilang mga indibiduwal o pinangungunahan tayo sa pamamagitan ng pagmiministeryo, hindi sa pamamagitan ng Kanyang propeta.

May lubos na katotohanan dito, PERO itinama rin ito ng propeta, at inihayag sa atin ang katotohanan.

May kumausap sa akin dito hindi pa katagalan. Sabi, “Pero Kapatid na Branham…” [Napalunok si Kapatid na Branham—Pat.] Pasensya na po. Sabi, “Haya’t hindi na noong dumating na ang Espiritu Santo, wala nang Mga Anghel ang nangunguna sa iglesya, o nangunguna sa mga indibiduwal. Wala, na.” Sabi, “Ang Espiritu Santo na ang nangunguna sa atin.”

Isa ’yang maling pagkakaintindi sa pagitan ng Anghel at ng Espiritu Santo. MALI PO YAN, patuloy pa rin na pinangungunahan ng Mga Anghel ang Iglesya, at hanggang ngayon ay pinangungunahan pa rin ang Iglesya. Tama.

Pinangungunahan at pinapatnubayan ng Kanyang anghel ang Kanyang Iglesya. Lahat tayo’y may kanya-kanyang lugar at katawagan, pero ang anghel lang ang tanging mangunguna sa Nobya.

Pakinggan n’yo kung anong sinabi ng propeta ng Diyos tungkol sa lahat ng mga pagmiministeryo kumpara sa PAGTAWAG SA KANYA NA GAWIN ng Diyos,

Tulad na lamang ng isang tao na isang—isang teleponista, hindi siya eksaktong isang elektrisista. Maaari siyang makagawa ng kaunting trabaho niyan. At tulad, kung ang isang tao ay isang laynman, buweno, siya tiyak…Isang tao ay isang tagahukay ng butas ng poste, at hindi kailanman gumagawa ng anumang trabahong panglinya, mas makabubuting lumayo siya sa linya; ngunit maari siyang gumawa ng ilang gawain niyan o ilang bagay.

Ngunit kapag ang tunay na Bagay ay dapat nang ihayag sa huling araw, sa huling bahagi ng Iglesya, ay kapag sinabi ng Diyos na isusugo Niya sa atin, ayon sa mga Kasulatan. At sinaliksik natin iyan nang paulit-ulit at paulit-ulit, na inihula Niya na ang Espiritu ni Elias ay magbabalik sa ibang tao.

Kapag may kung sino na susubukang makipagtalo at sasabihin sa inyo, “may mas hahalaga pa sa pakikinig lamang ng mga teyp. Hindi naman sinabi ni Kapatid na Branham na mag-play ng mga teyp sa simbahan. Kinakailangan ng pagmiministeryo pa rin para pasakdalin ang Nobya;” o anumang bagay na maaaring sabihin sa inyo ng kung sino, na susubukan at pagdududahin kayo, at kesyo ang pakikinig sa pinagtibay na Tinig ng Diyos na nasa mga teyp sa loob ng inyong simbahan ay mali…

Tulad na lamang ng ilang taong nagsimulang, nagpipilit na makipagtalo sa inyo; kung alam n’yo kung saan tatayo, alamin kung ano ang pinaniniwalaan niya.

Kung sinasabi nila na naniniwala silang, “Ang Mensahe ay ang Salita. Si William Marrion Branham ang Ikapitong mensaherong anghel ng Diyos. Ang Mensaheng ito ang kanilang Batayang Ganap. Itong Mensaheng ito ang paghahayag ng Anak ng Tao sa sarili niya sa laman gaya ng Kanyang ipinangako na Kanyang gagawin…”

Ito’y tulad lamang ng pagkuha ng isang koneho at pakakawalan siya sa isang kulungan, at tinakpan mo ang lahat ng butas. Basta tumayo sa may tarangkahan; kailangan niyang bumalik. Iyan lang lahat ang mayroon doon. Kita n’yo? Kailangan niyang bumalik mismo sa may tarangkahan muli, pagka’t iyan lang ang tanging paraan na siya’y makalalabas. Ilalabas niya ang ulo niya rito, at halos mabali ang leeg niya; at pumunta sa banda roon, banda roon. Tumayo lamang at panuurin siya, at siya’y darating mismo pabalik. Kita n’yo? Iyan lang lahat.

Manatili kayo sa Katuruan na nasa Teyp. Sabihin n’yo lamang ang sinasabi ng mga teyp. Huwag n’yong iibahin ang isa mang Salita. Huwag kayong magdadagdag, o mag-aalis ng isang Salita. Ito’y Tinig ng Diyos para sa inyo. Ito ang Nagkatawang-taong Salita na nagsalaman. Ito ang Mga Salita na hindi nagkakamali. Siya ang inyong pastor. Ang Kanyang anghel ang nangunguna mismo sa inyo. Ito’y Ganito Ang Sabi ng Panginoon.

Habang kayo ay naroon sa Salitang iyan, kayo ay ligtas.

Halikayo at pag-igihin ang inyong mga ilawan at punuin ito ng Langis sa Linggong ito nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang padadagundungin at hihimayin ng piniling anghel ng Diyos ang Ang Ikatlong Tatak 63-0320, at ihahayag Ito sa Kanyang Nobya.

Bro. Joseph Branham.

Mga Kasulatan na kailangang basahin bilang paghahanda sa pakikinig ng pangangaral, “Ang Ikatlong Tatak.”

Mga Kasulatan:

Sn. Mateo 25:3-4

Sn. Juan 1:1, 1:14, 14:12, 17:17

Mga Gawa ika-2 Kabanata

I Timoteo 3:16

Mga Hebreo 4:12, 13:8

I Juan 5:7

Levitico 8:12

Jeremias ika-32 Kabanata

Joel 2:28

Zacarias 4:12

22-0206 Ang Ikalawang Tatak

MENSAHE: 63-0319 Ang Ikalawang Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Bagong Sanga,

Nangyari na; ang bagay na lahat ng mga banal na nauna sa atin ay hinihintay. Ang Orihinal na Puno ay nag-usbong na ng isang bagong sanga. Tayo’y dumating na. Tayo ang Bagong Sanga. Ang Espiritu Santo’y bumaba, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa atin. Ang Orihinal, na apostolikong, Pentecostal na Pananampalataya ay napanauli na sa pamamagitan ng ika-7 anghel. Ngayon, ang Kanyang propeta’y nagbabahay-bahay, nagpuputol ng tinapay kasalo tayo. May dakilang mga tanda, mga kababalaghan, at Kapahayagan sa ibabaw ng Kapahayagan na ibinubuhos sa atin.

Pinapanatili natin ang ating mga ilawan na pinag-igi’t puno ng Langis. Tayo’y nananatili sa Orihinal na Salita, gaya ng binilin Niya sa atin na gawin. Ang iba’y nagnanais marahil ng Iglesya, pero ang ATING NAIS AY WALA NANG IBA KUNDI ANG ORIHINAL NA TINIG NG DIYOS.

Ngayon, isipin lamang iyan ngayon. Tayo’y sadyang— sadyang magsumikap na patagusin kung ano ang pinaniniwalaan natin na ipaaalam sa atin ng Espiritu Santo. Ngayon tandaan, “Walang bagay na ihahayag; ang Diyos ay walang gagawin, at lahat na, hanggang ang una ay Kaniyang ihahayag iyan sa Kaniyang mga lingkod, na mga propeta.” At bago Siya gumawa ng anumang bagay, inihahayag Niya ito.

Walang maihahayag sa Nobya; sa pamamagitan muna ng Kanyang propeta. Kung mayroong anumang hiwaga ang kailangang mahayag, anumang bagong kapahayagan, anumang kailangan natin para maging Kanyang Nobya at makasama sa pag-agaw, kinakailangan na dumating unang-una Ito sa propeta at pagkatapos KANYANG ihahayag Ito sa atin, na Kanyang Nobya.

Ihayag ang ano? Ang Hiwaga ng Pitong Kulog. Anong ibig sabihin nun? Isa lang ang ibig sabihin nito sa dalawang bagay. Ito’y alinman na nasa teyp na at mahahayag kapag panahon na para mahayag sa atin,

Ngunit naiisip kong, kapag ang mga hiwagang yaon ay dumating, sinabi ng Diyos, “Hawakan mo Iyon ngayon. Maghintay sandali. Ihahayag ko Iyon sa araw na iyon. Huwag mong isulat Iyon, huwag na, Juan, sapagka’t sila ay mahihirapan Doon. Hayaan—hayaan mo lamang iyon, kita n’yo. Datapuwa’t ihahayag Ko Iyon sa araw na yaon kapag kailangan nang gawin iyon.”

O, kapag ipapadala Niya ang Kanyang propeta pabalik sa lupa para ipakilala tayo sa Kanya, pagkatapos nga’y ihahayag ng Kanyang propeta sa atin ang hiwaga ng Pitong Kulog.

At pagkatapos ay mayroong darating na pitong mahiwagang Kulog na hindi man lamang naisulat sa anumang paraan. Iya’y tama. At ako ay naniniwala na, sa pamamagitan niyaong Pitong Kulog, ay mahahayag sa mga huling araw upang sama-sama tipunin ang Nobya para makapag-agaw na sa pananampalataya. Sapagka’t, kung ano ang mayroon tayo ngayon, atin—hindi natin makakayang gawin ito. Mayroong ilang bagay. Kailangan nating humakbang pa ng mas malayo.

Hindi ’yun isang grupo ng mga kalalakihan na naghahayag ng hiwaga na ’yun, ang Kanyang ika-7 mensaherong anghel ito, si William Marrion Branham. Hindi dahil sa sinabi “ko” na ganoon nga; ito’y dahil ANG SALITA MISMO ANG NAGSASABI!!

 “Kinuha ang Aklat at, ang mga Tatak, at binuksan yaon,” at ipinakita sa ikapitong anghel; dahil dito, ang mga hiwaga ng Diyos, ay ang ministeryo ng ikapitong anghel.

Sinasabi mismo rito. Ang mga hiwaga ng Diyos ay ang ministeryo ng wala nang iba kundi ng ikapitong anghel. Ang Pitong Kulog ang maglalakip sa Nobya at magbibigay sa atin ng pag-agaw sa pananampalataya.

Kung ang Mga Kulog ang maglalakip sa Nobya, at ang hiwaga ng Mga Kulog ay kailangan manggaling mula sa ika-7 anghel, kung ganoon wala nang mas hahalaga pa sa Nobya na gagawin kundi ang PINDUTIN ANG PLAY. Yan ang maglalakip sa Nobya para sa Pag-agaw.

Manatili kayo sa Orihinal na Salita sa teyp. PINDUTIN ANG PLAY.

At ang mga teyp ay maghahayag ng higit hinggil Dito, habang kayo’y nag-aaral.

Purihin ang Pangalan ng Panginoon! Luwalhatiin ang Diyos! Gustung-gusto natin ang kalugud-lugod na pakiramdam na ’yun na nakukuha natin sa pakikinig sa Tinig ng Diyos na nagsasalita sa atin sa mga teyp. Nararamdaman mismo natin ang Espiritu Santo na pumupuspos sa buong paligid natin habang lumalakad tayo sa palibot kalakip Ito. Ating inuuwi Ito kasama natin. Hawak-hawak natin Ito sa ating unan.

Inaanyayahan namin kayo na makinig kasama namin sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang ang Espiritu Santo’y dumarating nang dagli sa ating mga tahanan at inihahayag sa atin ang lahat ng pangangailangan natin, habang pinakikinggan natin ang: Ang Ikalawang Tatak 63-0319.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na kailangan basahin bago pakinggan ang Mensahe:

Sn. Mateo 4:8 / 11:25-26 / 24:6

Sn. Marcos 16:16

Sn. Juan 14:12

2 Mga Taga-Tesalonica 2:3

Mga Hebreo 4:12

Apocalipsis 2:6 / 6:3-4 / ika-17 Kabanata / 19:11-16

Joel 2:25

Amos 3:6-7

22-0130 Ang Unang Tatak

Mensahe: 63-0318 Ang Unang Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Reyna ng Langit,

Ako, na iyong Hari, ay Pakukulugin Ko sa INYO sa Linggo at sasabihin sa INYO, na KAYO ang Aking Nobya. KAYO ay Aking itinalaga na noong una. KAYO ay Aking tinubos. KAYO ay Aking inaring ganap at inilagay ang inyong mga pangalan sa Aking Aklat ng Buhay ng Cordero bago pa itatag ang sanlibutan. KAYO ang Aking minamahal na Reyna.

KAYO ay matagal Ko nang hinihintay para Aking maipanumbalik muli ang lahat na nawaglit ng Aking unang Adan. Lahat ng kanyang mana na kanyang nawaglit. Lahat ng pakikiisa at karapatan niya sa Buhay. Pinagkalooban Ko siya ng ganap, na sukdulang pamamahala sa lupa. Siya ay isang diyos sa lupa kung papaano na Ako’y Diyos ng kalawakan.

Ang lupang ito’y nasa ilalim ng kanyang pamamahala. Magagawa niyang magsalita, magagawa niyang pangalanan, magagawa niyang pigilan ang kalikasan, magagawa niya ang anuman na nais niya. Pero nawaglit niya ang lahat ng Ito.

Ngayon, gaya ng Aking ipinangako sa INYO sa Aking Salita, Aking pinanumbalik muli ang lahat ng kanyang nawaglit pabalik sa INYO. Ito’y natubos na. Lahat ng legal na pagmamay-ari na lahat na nawaglit ni Adan noon ay sa INYO na ngayon. Ang legal na pagmamay-ari ng abstract title deed na iyon ng Buhay na Walang Hanggan, na ang ibig sabihin ay pagmamay-ari NINYO na ngayon ang lahat ng nawaglit ni Adan.

Ako’y naging inyong Kamag-anak na Manunubos. Aking inaangkin ang Akin. Kinuha Ko ang aklat ng katubusan mula sa Kamay ng Aking Ama, tinanggal ang mga selyo mula sa aklat at ipinadala ito pababa sa Aking ikapitong mensaherong anghel para ito’y ihayag sa INYO. Kanyang ipapanumbalik muli sa INYO ang orihinal na Pananampalatayang Biblia at kanyang ihahayag sa INYO ang lahat ng Aking mga lihim.

Aking pinatunayan at pinagtibay ang mga ito sa inyo sa pamamagitan ng Aking unang lubos na pinanauling Adan; ang Aking ikapitong mensaherong anghel. Nagawa niyang makapagsalita at lumikha ng mga squirrel, makapagpanumbalik ng buhay sa isang isda, kontrolin ang kapaligiran at paurungin ang mga unos sa kung saan nanggaling ang mga ito. Nagawa niyang makapagbigkas at ibangon ang patay. Akin nga ring pinahintulutan na ang AKING litrato’y makuhanan kasama siya para ipakita sa mundo, na ito ang AKING unang pinanumbalik na muling Adan, siya’y pakinggan n’yo. Ngayon KAYO, na Aking Reyna, ay pagmamay-ari na ang lahat ng nawaglit ni Adan.

Tandaan n’yo, ang Aking ikapitong mensaherong anghel ay mapapasa lupa sa panahon ng Aking Pagdating. Kanyang ipakikilala KAYO sa Akin. Ang huling pakakak na ’yun ay tutunog at ang mga patay kay Cristo’y babangon. Sila na mga buhay at nangatitira ay kukunin paitaas kasama sila, para salubungin Ako sa alapaap kasabay ng paglalahad ng Aking ikapitong anghel ng kanyang Mensahe. Ang huling Selyo’y bukas na. Ang huling pakakak ay patutunugin; Ako ay darating para angkinin na ang Aking mga pagmamay-ari, KAYO, at pagkatapos KAYO ay Aking dadalhin sa ATING Panghapon na Kasal.

Aking minamahal na Reyna, halikayo para pakinggan Ako na magsalita sa INYO at ihayag sa INYO ang lahat ng kailangan ninyo. Aking inimbak na ang Pagkain na ito para sa INYO para KAYO’Y maging Aking Reyna. Ako’y mangungusap sa INYO nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, kung saan Aking Pakukulugin sa INYO ang Ang Unang Tatak 63-0318.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na dapat basahin bilang preparasyon para sa pakikinig sa Mensahe:

Sn. Mateo 10:1 / 11:1-14 / 24:6 / 28:19

Sn. Juan 12:23-28

Mga Gawa 2:38

2 Mga Taga-Tesalonica 2:3-12

Mga Hebreo 4:12

Apocalipsis 6:1-2 / 10:1-7 / 12: 7-9/ 13:16 / 19:11-16

Malakias ika-3 at ika-4 na mga Kabanata

Daniel 8:23-25 / 11:21 / 9:25-27

22-0123 Ang Puwang Sa Pagitan Ng Pitong Kapanahunan Ng Iglesya At Ng Pitong Tatak

MENSAHE: 63-0317E Ang Puwang Sa Pagitan Ng Pitong Kapanahunan Ng Iglesya At Ng Pitong Tatak

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Sumisigaw at Nagbubunying Nobya,

Tayo’y nasa Salita at nagtatamasa ng pinaka dakilang panahon ng ating mga buhay. Pagtuturo, pagpapakabanal, at kapahayagan. Wala nang mas hahalaga pa kaysa sa pakikinig sa Tinig ng Diyos sa teyp.

Ang Mensaheng ito ay lahat-lahat sa atin. Ito’y nagbibigay sa atin ng ganap na kaluguran. Ang tanging bagay na makakapatid ng uhaw ng ating kaluluwa ay ang pakikinig sa Diyos na nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang propeta.

Bawat araw ay nagkakaloob Siya sa atin ng mas higit na kapahayagan ukol sa Kanya at sa atin. Isang mas malalim na muling katiyakan na, sa “pagpindot ng play,” napapakinggan natin ang Kanyang Salita at ginagawa natin mismo ang Kanyang inutos sa atin na gawin. Tayo’y Kanyang mga tupa, at ang mga tupa’y hindi niya mapapangunahan ang kanyang sarili; kinakailangan niya ng isang tagapanguna. At ang Espiritu Santo’y pinangungunahan tayo patungo sa Kanya Mismo, ang Kanyang Tinig na nangungusap ng Mga Salita na hindi nagkakamali sa teyp.

Hindi tayo nakikinig na sama-samang lahat sa mga Mensaheng ito na nagkataon lang, tayo’y Kanyang pinili na gawin ito. “Ang lakad ng matuwid ay itinatag ng Panginoon.” Mayroong dahilan. Hindi natin ’yun maisasawalang-bahala. Ang Mensahe sa teyp ang buong nais mismo ng Nobya. Sa pakikinig Dito, Ito’y nagbibigay sa atin ng malakas na kamay ng Pananampalataya na manghawakan at sampalatayanan ang bawat Salita.

Bakit tayo naniniwala na napaka importante para sa lahat na tinatawag ang kanilang mga sarili na “Nobya ng Diyos” na makinig sa mga teyp?

Maliwanag na sinasabi sa atin ng Salita na ang Biblia mismo’y isinulat ng mga propeta. Hindi Ito sarili nilang mga kaisipan, hindi kanilang mga ideya, kundi ang Espiritu Santo na kumikilos sa kanila para isulat ang Biblia. Sinasabi rin sa atin ng Biblia na ang Panginoong Diyos ay WALANG BAGAY na gagawin maliban na Kanyang ihayag ang Kanyang Salita sa Kanyang propeta. May mga iba na mapapangusap Ito at mapapahayag Ito, pero ang magagawa LANG nila ay sabihin kung ano ang sinabi na ng propeta ng Diyos.

Kung naniniwala kayo na si William Marrion Branham ay ang pinagtibay na ika-7 mensaherong anghel, kung ganoon ang mga bagay na sinabi niya SA TEYP ay hindi kanyang mga salita, kundi ang mismong kaisipan ng Diyos Mismo na ipinahayag. Inyong isinasandig ang inyong Eternal na destinasyon sa bawat Salita na kanyang sinasalita sa mga teyp, yamang sinasampalatayanan n’yo ito na GANITO ANG SABI NG PANGINOON. Hindi Ito maaaring dagdagan o bawasan man, ni kailangan man ng interpretasyon; Ito ang Anak ng Tao na nangungusap mismo sa pamamagitan ng isang tao na Kanyang pinili para tuparin ang Kanyang Salita.

Nalalaman ng tunay na Nobya ang kahalagahan ng pakikinig sa mga teyp. Para sa atin, ang mga teyp ang pangunahin at ang lahat ng iba pang pagmiministeryo’y pangalawahin. Bawat isa’y kailangan tanungin ang kanilang sarili kung ang kanilang Eternal na destinasyon ba ay nakadepende sa pagsampalataya sa bawat Salita na ipinangusap ng propeta ng Diyos. Kung nananampalataya ako na ito ang Tinig ng Diyos na nagsasalita at tinatawag ang Kanyang Nobya, kung ganoon wala nang mas hahalaga pa sa PAGPINDOT SA PLAY, yamang ako ay hahatulan sa bawat Salita na SINABI NG PROPETA NG DIYOS…hindi sa kung anong sinabi ng propeta ng Diyos na sinabi ng kung sinong ibang tao.

Kung naniniwala kayo na may higit pa kayong kailangan kaysa sa mga teyp, kung ganoon ay hindi ganoong kaimportante sa inyo na bigyang diin ang pakikinig sa mga teyp, bagkus mas mahalaga pa pala ang pagmiministeryo. Mayroon ka lamang isang pangunahin dapat.

Sa pakikinig natin sa teyp sa Linggong ito, ang Diyos Mismo ay mangungusap sa atin at sasabihin sa atin na kamit-kamit natin ang legal na abstract title deed ng Buhay na Walang Hanggan. Kamit-kamit natin ang lahat ng naiwaglit noon nina Adan at Eba. Ito’y dadalhin sa atin sa kapahayagan, at mula sa Kamay ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapatibay.

Pagkatapos sasabihin Niya sa atin kung anong nangyari sa Langit. Kung papaanong kinuha Mismo ni Jesus ang Aklat, tinanggal ang selyo, pagkatapos ay ipinadala ito sa propeta na Kanyang pinili at sinabi sa Kanya na ibigay ito sa Kanyang Nobya…grabeng pagbubunyi nga!!!! Ang lahat ng nasa lupa at nasa Langit ay maririnig ang ating pagsigaw at paghiyaw habang nakikita natin ang ating mga pangalan na nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Cordero.

At kinuha Niya ang Aklat, (luwalhati!) binuksan ang Aklat, at kinalag ang mga Tatak; at ipinadala Ito pababa sa lupa, sa Kanyang ikapitong anghel, upang ihayag Ito sa Kanyang mga tao! Hayan na kayo. Oh, naku! Ano’ng nangyari? Ang mga hiyawan, at mga sigawan, ang mga aleluya, ang pinahiran, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang kaganapan!

At ang matandang si Juan, na siyang nakatayo roon, ang ating kapatid, umiyak! “Bakit,” sabi niya, “lahat ng bagay sa Langit, lahat ng bagay sa lupa, at lahat ng bagay sa dagat, narinig akong humihiyaw ng, ‘Amen! Amen! Mga Pagpapala, kapurihan, at kalakasan, at kapangyarihan, ay mapasa Kanya na nabubuhay magpakailan pa man.’”

Saan n’yo mapapakinggan ang dakilang kapahayagan na ito? SA MGA TEYP LAMANG. May bagay mismo na espesyal sa Nobya sa tuwing napapakinggan nila ang Diyos Mismo na nagsasalita sa pamamagitan ng mga labi ng tao at sinasabi sa kanila, “KAYO ANG AKING SINISINTANG NOBYA.”

Halikayo at maupo sa presensya ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng Pagpindot sa Play, sa Linggo nang 12:00 P.M., oras sa Jeffersonville, habang pinakikinggan natin ang Kanyang ikapitong mensaherong anghel na ipinapangaral ang: Ang Puwang Sa Pagitan Ng Pitong Kapanahunan Ng Iglesya At Ng Pitong Tatak 63-0317E.

Tayo’y sisigaw at magbubunyi at magsasabi ng hallelujah.

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na kailangang basahin bilang preparasyon sa pakikinig sa Mensahe:

Levitico 25:47-55

Jeremias: 32:1-15

Zacarias 3:8-9 / 4:10

Mga Taga-Roma 8:22-23

Mga Taga-Efeso 1:13-14 / 4:30 Apocalipsis 1:12-18 / ika-5 Kabanata/ 10:1-7 / 11:18

22-0116 Ang Diyos Ikinukubli Ang Kaniyang Sarili Sa Kasimplihan, Pagkatapos Ay Inihahayag Ang Kaniyang Sarili Sa Gayun Din

MENSAHE: 63-0317M Ang Diyos Ikinukubli Ang Kaniyang Sarili Sa Kasimplihan, Pagkatapos Ay Inihahayag Ang Kaniyang Sarili Sa Gayun Din

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Munting Kawan ni Elias,

Tayo’y kakaibang mga tao, naiiba’t kakatwa sa mundo, at maging sa maraming mga mananampalataya, pero sa kabila nun, tayo’y espirituwal na pagkasaserdote, isang maharlikang bansa, nag-aalay ng espirituwal na mga handog sa Diyos, ng mga bunga ng ating mga labi na nagbibigay papuri sa Kanyang Pangalan. Nais nating sabihin sa mundo na tayo’y lubos na masaya, lubos na nagpapasalamat, at lubos ang karangalan na Isa Tayo Sa Kanila.

Ipinagbili natin ang lahat ng ating mga perlas, yamang ibinigay Niya sa atin ang Perlas na may dakilang halaga, ang Kapahayagan ukol sa Kanyang Sarili. Nakikita natin ang mismong Salita ng Diyos na nahayag. Ang mismong pangako ng huling araw, ang mismong Liwanag sa gabi na magliliwanag.

Inihayag sa kaibuturan ng ating mga puso na ang Tinig na napapakinggan natin sa teyp ay ang Anak ng Tao na inihahayag ang Kanyang Sarili. Ang Tinig na ’yun ay sinasabi sa atin: Manatili kayo rito, tumingin kayo sa naiimbak na Pagkain na Ito na aking inilatag para sa inyo sa mga teyp. Kung mayroon kayong anumang katanungan, bumaling kayo pabalik sa mga teyp na ito. Marahil ito’y nakakalito nang kaunti sa inyo, pero i-play n’yo ang teyp at makinig na maigi. Kung kayo’y Nobya, ihahayag sa inyo Ito ng Espiritu Santo. Alalahanin n’yo, hindi kailangan ng mga teyp ng interpretasyon, sabihin n’yo lamang ang sinasabi ng mga teyp. Ako ang inyong pastor at kayo ang munti kong kawan, manatili sa kung ano ang itinuturo sa teyp.

Alam ko na marami ang hindi nauunawaan kung ano ang ginagawa natin sa pakikinig lagi sa parehong Mensahe tuwi-tuwina, pero ayos lang ’yan, sila’y ating mga kapatid na lalaki’t mga kapatid na babae pa rin at minamahal natin sila at hindi dapat tayo magsalita ng anumang laban sa kanila. Ang bawat isa’y kailangang gumawa sa paraan na pakiramdam nila’y pinapatnubayan sila ng Panginoon na gawin. Ang Diyos ang kumikilos at nagpapatnubay sa atin bilang mga indibiduwal.

Sinabi ng propeta na kailangan nating isangguni ang lahat sa Salita, at patunayan ito sa pamamagitan ng Salita, gaya ng ginawa niya noon. Ang Salita para sa panahon na ito, at lagi sa tuwina, ay ang Biblia. Sinasabi sa atin ng Biblia na sa huling mga araw Kanyang ganap na ihahayag ang lahat ng mga hiwaga at mga lihim na nasa Kanyang Biblia sa pamamagitan ng isang propeta na Kanyang isusugo. Siya Mismo ay mangungusap sa pamamagitan ng propetang ito at ihahayag ang Kanyang Sarili sa laman gaya ng ginawa Niya noon kay Abraham. Ang Kanyang Salita’y hindi magiging mga salita ng isang tao, kundi ang mismong Mga Salita ng Diyos Mismo. Kinakailangan na GANITO ANG SABI NG PANGINOON, kaya ang Biblia at ang Tinig na ’yun ay magiging isa’t siya rin.

May kalaliman na tumatawag sa kalaliman na nasa ating mga puso para pakinggan ang pinagtibay na Tinig na ‘yun. Nais nating pakinggan ang Tinig ng Diyos nang direkta mula sa Kanyang piniling propeta. Ganoon na lamang ang pag-ibig sa ating mga puso na pakinggan ang Tinig na ’yun at magpahinga at malaman na hindi na natin kailangang kuestyunin ang anumang pinakikinggan natin, sadya lamang manampalataya sa BAWAT SALITA.

Walang ibang lugar na magagawa natin ’yan. Hindi ’yun sa dahil may magsasabi sa atin ng bagay na mali o pangungunahan tayo sa mali, dahil sila man ay may Espiritu Santo, pero nalalaman natin na maaari silang makapagsabi nang hindi sinasadya sa atin ng bagay na mali. Pero kung pakikinggan natin ang pinagtibay na Tinig ng Diyos sa teyp, kahit na hindi natin alam ang sinasabi, sinabi ng Diyos Ama na magsabi lamang tayo ng AMEN, SINASAMPALATAYANAN NAMIN ANG BAWAT SALITA. Hindi natin puwedeng magawa ’yan sa iba pang tinig.

Tayo’y inatasan ng Tinig na ’yun din:

Huwag kayong makinig sa akin; bagkus ay makinig sa bagay na sinasabi ko. Ang bagay na sinasabi ko ay ang Mensahe. Huwag n’yong pansinin ang mensahero; antabayanan n’yo ang Mensahe. Panatilihin n’yo ang inyong mga mata, hindi sa mensahero, kundi sa Mensahe. Kung ano ang sinabi Nito, ’yan ang bagay na kailangan n’yong pagtuunan.

Kung ano ang sinabi niya AY ang Mensaheng napapanahon. Kinakailangan nating panatilihin ang ating mga mata sa Mensahe; Yun ang bagay na kailangang tingnan.

Siya’y naghahayag sa atin ng mga bagay na hindi pa tulad noon. Bawat Mensahe na marinig natin ay parang isang bagong Mensahe na hindi pa natin napapakinggan. Gayong napakinggan na natin ang mga ito nang daan-daang beses na noon, hindi natin maipaliwanag ’yun, na para bang unang beses pa lang nating napapakinggan ito at Siya’y nagbibigay sa atin nang higit at higit na Kapahayagan.

Hindi natin lubos-maiisip na mayroong iba na ayaw makinig ng mga Mensaheng ito kasama natin. Hayan nga ang pagkakaisa at Kaisahan ng Nobya at ng Kanyang Salita. Tayo’y ganap na kuntento mismo nang hindi pa natin nararanasan sa buong buhay natin.

Muli tayo’y nasa ilalim ng dakilang pag-aasam. Tila ba ang Mga Tatak ay binubuksan pa lang ngayon. Kanyang ipakikita sa atin ang mga bagay na hindi pa natin nakikita noon at magdadala ng Liwanag sa mga bagay na narinig na natin nang marami’t, maraming beses na noon; pero ngayon, nakikita na natin Ito nang malinaw.

Alam natin na ang lahat ng kailangan natin para sa Kanyang nalalapit na parating na Pag-agaw, ay ang Tinig na ’yun sa mga teyp.

Isinugo ng Diyos ang Kanyang propeta sa pamamagitan ng isang pangitain sa likurang bahagi ng disyerto sa Arizona kung saan siya’y iniangat ng pitong anghel, at pagkatapos ibinalik sa Jeffersonville para ihayag ang mga natatagong hiwaga ng Pitong Tatak sa Nobya.

Halikayo at tumutok kasama namin habang ang Diyos ay mangungusap sa atin nang labi-sa-tainga sa Linggong ito nang 10:00 A.M., oras sa Jeffersonville, at pakikinggan natin ang: Ang Diyos Ikinukubli Ang Kaniyang Sarili Sa Kasimplihan, Pagkatapos Ay Inihahayag Ang Kaniyang Sarili Sa Gayun Din 63-0317M.

Sisimulan natin ang Mensahe sa talata #94, pagkatapos ng gawain ng pagdededika.

Bro. Joseph Branham

1 Mga Cronica 17:1-8

Isaias 35:8 / 40:1-5 / 53:1

Malakias ika-3 Kabanata

Sn. Mateo 11:10, 11:25-26

Sn. Juan 14:1-6

1 Mga Taga-Corinto ika-13 Kabanata

Apocalipsis ika-21 Kabanata

22-0109 Ito Ba Ang Tanda Ng Wakas, Ginoo?

MENSAHE: 62-1230E Ito Na Po Ba Ang Tanda Ng Katapusan, Ginoo?

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Templo ng Diyos,

Itong Mensahe na ito ay walang limitasyon sa kapangyarihan. Ito’y ganap mismo sa Sarili Nito. Ito ang kahuli-hulihang Salita sa lahat ng mga bagay. Wala nang iba pa para sa Nobya kundi ang Tinig na iyon na narekord sa teyp. Ito ang napapanahon na pinagtibay na Mensahe ng Diyos. Ito ang ating Batayang-Ganap.

Tayo’y nasa ating paglalakbay patungo sa Pangakong Lupain, na pinangungunahan ng Espiritu Santo, ang Haliging Apoy. Ang ating Pagkaing Espirituwal ay inimbak na para sustinihan tayo sa ating paglalakbay. Lahat ng ating pangangailangan ay nailaan na.

Puspusang naghanda noon si David bago ang kanyang kamatayan ukol sa lahat ng bagay na kinakailangan para ipatayo ang bahay ng Panginoon. Iniutos Niya na kinakailangan na ito’y higit na kahanga-hanga, sa kabantugan, at sa kaluwalhatian, sa lahat na mga bansa.

Pagkatapos nangusap siya kay Solomon, at ibinigay sa kanya ang lahat ng inihanda niya para sa pagpapatayo ng Templo para sa Panginoon. Ibinigay niya sa kanya ang disenyo ng portiko, at ng mga bahay na nilalaman nun, ng mga kabang-yaman, ng itaas na mga silid, ng panloob na mga tanggapan, at ang dako ng luklukan ng awa.

Ibinigay niya sa kanya ang disenyo ng lahat na tinanggap niya sa pamamagitan ng espiritu, ukol sa mga dako sa bahay ng Panginoon. Lahat ng mga silid na nakapalibot, ng mga kabang-yaman ng bahay ng Diyos, at ng mga kabang-yaman ng mga nakatalagang bagay.

Ang tungkol din sa mga bahagi ng mga saserdote at mga Levita, at sa lahat ng gampanin ukol sa gawain sa bahay ng Panginoon. Ibinigay rin niya sa kanya ang lahat ng mga sisidlan ng gawain sa bahay ng Panginoon. Ginto at pilak para sa lahat ng mga kagamitan sa bawat uri ng gawain. Ang timbang ng ginto at pilak para sa bawat kandelero. Ginto at pilak para sa bawat dulang ng tinapay na handog, mga pang-ipit, mga mangkok, mga saro at mga palanggana.

At sa dambana ng kamangyan, ay gintong dalisay ayon sa timbang; at ginto sa anyo ng karo sa makatuwid baga’y ang mga querubin, na nakabuka ang mga pakpak, at lumililim sa kaban ng tipan ng PANGINOON.

Ang lahat ay inihanda na at inimbak para sa gusali. Walang bagay na kulang. Kinakailangan niyang sundin ang plano-ng-gusali nang eksakto para ipatayo ang Templo ng Panginoon.

Pero sa panahon natin ngayon, ang Diyos ay nagtatayo ng isa uling Templo, ang Kanyang Nobya. Ang Templo na ito ay hindi mawawasak, bagkus ay mabubuhay nang Walang Hanggan kasama Siya. Siya ay naghanda at nag-imbak nang masagana para sa lahat ng kinakailangan para itayo ang Kanyang bagong Templo.

Pagka-Diyos, Binhi Ng Serpiyente, Ang Pitumpung Sanlinggo Ni Daniel, Pitong Kapanahunan Ng Iglesya, Pitong Tatak, Ang Pagkilala Sa Iyong Araw, Pag-aasawa at Diborsyo, Ang Paghahayag Ng Diyos, Ang Tanda, Ang Batayang-Ganap, Mga Pinahiran, Espirituwal Na Pagkain, Si Cristo Ang Hiwaga, at daan-daan pang iba, na kinakailangan na sundin nang eksakto.

Kanyang inimbak na ang lahat na kailangan natin, anupa’t kailangan mismo natin na sundin ang plano nang eksakto, na hindi magbabago ng isang tuldok man o kudlit man.

Ngayon, ito ang sinasabi ko sa umagang ito, ay ang pag-iimbak ng Pagkain. Pag-iimbak ng Pagkain, para mayroon kayong makakain, para mayroon kayong mapagpistahan. Kunin Ito sa inyong mga teyp. Ilagay sa isang malamig na silid. Marahil, kapag ako ay nasa malayong malayo, ay maaalala n’yo pa rin na ang mga bagay na ito ay totoo. Maupo sa inyong silid at makinig. Naunawan n’yo? At ito ay Pagkain, na iniimbak, doon sa kamalig.

Sinabi niya na ang tabernakulo’y mistula bang tahanan para sa kanya kaysa sa iba pang lugar. Yun ay dako kung saan ang Pagkain ay inimbak.

Doon sa mga pagtitipon na aking pinupuntahan, hindi ninyo ako maririnig na ipinangangaral ang mga Mensaheng ito. Hindi, ipinangako ko sa inyo, na pupunta sa tabernakulong ito. Dito ay kung saan ko ipinangangaral ang aking mga Mensahe. Mayroon pa akong tatlo o apat dito, na ibinigay sa akin ng Panginoon, mayroon akong mga Kasulatan patungkol dito, na hindi ko pangangahasang ipangaral ito saan man kundi dito mismo. Dito kung saan nag-umpisang lumaganap ang Salita ng Dios. At, hanggang sa baguhin ito ng Dios, ako’y mananatili rito at ipangangaral ito mismo rito. Iya’y tama.

Ang propeta ng Panginoon ay nagsalita’t nagsabi na mayroong grupo ng mga tao na naniniwala sa kanya, at mga gutom at nanghahawakan sa bawat salita na kanyang sinalita. Kayo ang grupo na ’yun ng mga tao. Kayo ang kanyang kongregasyon. Kayo ang munti niyang kawan.

Ako’y patuloy na nananalangin at nararamdaman ko na ang Panginoon ay pinangungunahan tayo na sumunod sa Mga Mensahe na Kanyang inutos sa Kanyang propeta na masaganang iimbak sa Kanyang kamalig para itayo ang Kanyang Nobya.

Magpapatuloy tayo sa pagsunod sa Kanyang propeta sa pakikinig natin sa: Ito Ba Ang Tanda Ng Wakas, Ginoo? 62-1230E. Inaanyayahan ko kayo na sumama sa amin sa Linggo ng 10:00 A.M., oras sa Jeffersonville, para pakinggan itong espesyal na inihain at inimbak na Pagkain na magtatayo sa inyo tungo sa pagiging Templo ng Panginoon.

“Hindi na magluluwat ang panahon.” Kung ganoon nga, ihanda natin ang ating mga sarili, mga kaibigan, para katagpuin ang ating Diyos. Napakasagana ng Pagkain ang nakahain ngayon. Ating pakinabangan Ito. Ating pakinabangan Ito ngayon.

Bro. Joseph Branham

22-0102 Ang Batayan

Mensahe: 62-1230M Ang Batayan

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nobya ng Isang Tao na Mensahe,

Isa na namang Makahulogang taon ang lumipas para sa Nobya. Kanyang pinagkaisa tayo mula sa buong palibot ng mundo sa pamamagitan ng nag-iisang bagay na makapagdadala sa Kanyang Nobya sa pagkakaisa, Ang Mensaheng napapanahon, ang mismong Tinig ng Diyos na tinatawag palabas ang Kanyang Nobya.

At ngayon, naniniwala akong Siya’y handa na hagipin ang pangwakas na kasukdulan sa gawi roon, upang magpalitaw ng isang Pananampalataya na aagaw sa Iglesya tungo sa Kaluwalhatian. At Siya’y nakapaloob sa mga Mensahe.

Ang Kapahayagan ng Mensaheng ito ay nakaangkla na ngayon nang malalim sa ating mga puso. Ang mga gawa nati’y eksaktong nakalakip sa Salita. Alam natin na ang ating pagtuturo’y ganap sa Salita, na hindi nagdaragdag ng kahit ano Rito o nag-aalis man ng kahit na ano mula Rito. Para sa atin, wala nang iba’t ang Salita sa teyp.

Inihahanda na Niya tayo para sa pangwakas na kasukdulan sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng Pananampalataya na kailangan natin para sa Pag-agaw. Ang Pananampalatayang ’yun, ay nasa atin na NGAYON. Ang buhay ni Cristo ay muling pinagbubunga sa halos nagkatawang-tao na paraan, sa atin, gaya noon kay Cristo.

Makikita natin ang Buhay Niya. “Ang mga gawang Aking ginagawa ay gagawin n’yo rin, siya na sumasampalataya.” Hindi ang nagkukunwang sumasampalataya,hindi siya na nag-aakalang siya’y sumasampalataya, kundi, “Siya na sumasampalataya.” “Siya na sumasampalataya sa Akin, ang mga gawang Aking ginagawa ay gagawin din niya.” Bakit? Siya’y naka-angkla na sa gayon ding Bato. Ano nga ba ang Batong iyon? Ang Salita, sa tuwina. Ika’y nakaangkla roon. Ito’y ang iyong Hilagang Bituin kapag ika’y naligaw sa dagat.

Tayo’y nakaangkla nang maigi sa Bato na ’yun. Tiyak tayo Rito. Positibo tayo Rito. Hindi natin tinatanggap ang Salita ng iba, nananatili tayo sa Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Tayo’y nakarating na sa ating Batayang-Ganap.

Tayo’y ganap na napupunuan at kuntento. Wala nang pagbabaka-sakali gaya noon sa panahon ng Mga Hukom, at gaya ng nangyayari sa maraming tao sa panahon ngayon, kung saan ang bawat tao’y gumagawa ng kung anong tama sa kanyang paningin, kung saan ang bawat isa’y may sariling batayang-ganap at ginagawa ang bagay na gusto niyang gawin. Hindi binabago ng Diyos ang Kanyang patakaran, hindi Niya ’yan maaaring gawin at maging Diyos pa rin. Kung ang Diyos ay magsasabi ng anumang bagay o gagawa ng anumang bagay, kinakailangan na gawin Niya ito nang pareho sa bawat pagkakataon.

Ang Diyos sa tuwina’y nagpapadala ng isang propeta para pangunahan ang Kanyang bayan. Ipinadala Niya sa atin ang Kanyang ika-7 anghel na propeta; ang Anak ng Diyos na inihahayag ang Kanyang Sarili sa katawan ng tao, para tawagin palabas at pangunahan ang Kanyang Nobya. Ang Mga Teyp ay ang Tinig ng Diyos sa Kanyang Nobya. IYON ANG ATING BATAYANG-GANAP.

Nagpunta siya roon. Alam Niya. At gusto ko ’yan, ang paraan ng pagdating niya. Nakarating siya sa kaniyang batayan, ang kaniyang posteng pinagtatalian.

Tinatawag ng Diyos ang Kanyang Nobya na maglakip-lakip. Hindi Niya iibahin ang Kanyang programa. Hindi Siya magpapadala ng isang grupo ng kalalakihan para tipunin ang Kanyang Nobya. Ang Kanyang Nobya’y magtitipon-tipon lamang sa palibot ng purong Salita, at ’yun ang Tinig ng Diyos sa Mga Teyp. Ito ang tunay na ministeryo ng Diyos para sa panahon ngayon.

Wala nang mas iinam pang paraan para simulan ang Bagong Taon kaysa sa pagtitipon na magkakasama at makikinig sa ating posteng talian, sa ating Batayang-Ganap, na mangungusap sa atin. Nais kong imbitahan ang bawat isa na halina’t makinig kasama namin nang 10:00 A.M., oras sa Jeffersonville, para pakinggan ang Mensahe: Ang Batayan 62-1230M.

Kung hindi kayo makasama sa amin, hinihikayat ko kayo na pumili ng isang Mensahe para i-play sa inyong mga tahanan, o himukin ang inyong pastor na pumili ng isang Mensahe para kayo rin ay makaupo nang sama-sama, sa ilalim ng pinakadakilang pahid na mayroon, at makinig sa pinagtitibay na Batayang-Ganap ng Nobya.

Bro. Joseph Branham

21-1226 Bakit Sa Munting Betlehem

Querida Turma,

Eu gostaria de vos pregar e ensinar hoje, por meio da minha carta. Revisemos primeiro o que nós aprendemos no Domingo passado.

Como é que vocês apanham uma semente predestinada de Deus? AO APERTAR O PLAY.

O que é que Josué disse aos ministros dele para fazerem? “Vão a Jericó, ministrem ao povo  AO APERTAR O PLAY, e tu e tua casa serão salvos.”

Os mensageiros dele regressaram, e disseram: “Eu obedeci às tuas ordens. E havia lá uma mulher que nós encontrámos, quando nós  tocámos as Fitas.

Nós não temos vergonha. Nós não nos importamos quem A vê. Nós queríamos que todos A vissem e A ouvissem.  Nós A colocámos em nossas casas, em nossas igrejas, em toda parte onde nós vamos, para que toda gente que passa ao lado saiba que nós estamos identificados com nosso Sinal; Jesus Cristo, Sua Palavra, O Espírito Santo, A Mensagem da Hora, As Fitas, A Voz De Deus.

Nós podemos ver que a ira está prestes a passar na terra, e tudo o que não estiver debaixo daquele Sinal, perecerá. Mas quando Ele ver aquele Sinal, Ele passará por cima de nós. O mesmo é a exigência de Deus da hora. A Mensagem do tempo do entardecer é aplicar o Sinal.

Quão parecido Ele nos disse que isso seria, turma?

•  Só para dizer que eu creio Nela… não é suficiente.

•  Caminhar à volta onde Ela está… não é suficiente, isso vos torna pior.

•  Eu não roubo.

•  Eu frequento o Tabernáculo Branham.

•  EU CREIO NA MENSAGEM.

•  EU CREIO EM TODA PALAVRA QUE TU DISSESTE IRMÃO BRANHAM… WOW!!!

Isso é bom, isso só significa que tu és capaz de ler.

Não avancem apenas a esta distância e dizer: “Eu creio na Mensagem.” Que vocês obedeçam o mensageiro. Entrem em Cristo!

Recebam a Mensagem, levem-Na dentro do vosso coração, para que vocês tenham o Sinal, para que a Própria Vida que estava em Cristo esteja dentro de vocês. “Quando eu ver Isto, Eu passarei por cima de vocês.”

O que é que Deus tem estado a dizer à Sua Noiva de Mensagem após Mensagem? AS FITAS, AS FITAS, AS FITAS. É bom pregar a Mensagem e ensinar a Mensagem, mas vocês devem TOCAR A MENSAGEM.

Como é que alguém pode afirmar que ele está apaixonado pela Mensagem e não quer tocar a Mensagem diante das pessoas? Eles não têm a mesma relação de amor que eu tenho com A Mensagem, sendo que eu quero que toda gente se reúna e ouça essa Voz vindicada pela Coluna De Fogo.

Nós temos uma Fé inabalável em Sua Palavra. Nós não somos Eva. Nós não somos incrédulos ou nem nos comprometemos com Satanás. Nós nos agarramos em toda Palavra de Deus que está na Bíblia, e toda Palavra nas Fitas. Porque as Fitas são os Próprios pensamentos de Deus, pronunciados e revelados à Sua Noiva, e nós não precisamos de interpretação. Ela é o único lugar que nós sabemos que nós podemos dizer  AMÉM à toda Palavra.

Esta Mensagem é o pão fresco que desce do Céu, para nossa viagem. Ela é o Pão da Vida, e todos os dias nós recebemos um frescor de Cristo, a partir do Céu, o Espírito Santo, que vem e enche nossas almas.

Nós estamos sentados juntos com um objectivo, a Palavra de Deus, e nós nos alimentamos dessa Palavra. Nós estamos em Bethlehem espiritual de Deus, a comer o Pão espiritual de Deus, e nossas almas estão a pontuar cada Palavra que Ele pregou, com um “Amém!” Nós estamos a desfrutar deste Alimento de anjo Celestial que foi armazenado por nós, para nós banquetearmos.

Venham juntar-se a nós na Sua Mesa e banquetear neste Alimento de anjo Celestial connosco neste Domingo às 10:00 da manhã, no horário de Jeffersonville.

Se vocês aqui, o povo que escuta Fitas, que estão a ouvir as Fitas, eu gostaria que vocês ouvissem essa, do: Porquê é que Jesus teve de vir a Bethlehem. Porquê é que Ele teve que o fazer?

O Pai nos falou mais através do Seu profeta mais uma vez e convidou todos v ocês  Pessoas Que Escutam Fitas para virem ouvir a Mensagem: Porquê A Pequena Bethlehem? do Dia 14 de Dezembro de 1963, de manhã.

Minha pregação e meu ensinamento já acabaram agora, agora vamos  APERTAR O PLAY.

Irmão Joseph Branham

21-1219 Tanda

MENSAHE: 63-0901M Tanda

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nobyang Tanda,

Wala pa kailanman na panahon na gaya nito noon sa kasaysayan ng mundo. Ang buong kalawakan ay saksi rito, sa paglinya ng limang planeta. May bagay na nagaganap noong Diysmbre 12, 2021 sa kalangitan, habang may bagay na nangyayari sa lupa. Nagkakalakip na sama-sama ang Nobya sa palibot ng mundo habang ang Diyos ay nangusap sa pamamagitan ng Kanyang propeta, at ang Kanyang Nobya’y nagkaroon ng Komunyon at Paghuhugasan ng Paa sa magkakasama sa kanilang mga tahanan.

Grabeng kapaligiran at presensya ng Panginoon ang pumaroon sa ating mga tahanan. May mga ilang tape boys na nakituloy sa ating tahanan at ginawa nating isang bahay-sambahan sa Panginoon ang ating tahanan. Ipinahid natin ang Tanda sa ating mga tahanan at sa ating mga pamilya. Pinuno ng Espiritu Santo ang ating tahanan, ang ating puso, at ating mga kaluluwa sa Kanyang presensya. Nagmistula ngang para tayong mga anak ni Israel na naghahanda para sa ating exodong paglalakbay.

Ang Salita ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Kanyang anghel at inilagay sa ating mga tahanan. Nasa buong paligid natin ang kamatayan, pero alam natin na ligtas tayo at ito’y lalagpas sa ating mga tahanan. Tayo’y naghahanda nang umalis para sa ATING Pangakong Lupain.

Hindi pa tayo nakaramdam ng ganoong kalapit gaya ng naramdaman natin noong gabing ’yun. Alam natin na may bagay na nangyayari. Alam natin na ibinubunsod na Niya tayo na maghanda para sa Kanyang Pagparito, pero kinakailangan nga na itong oras na ito mismo, ang araw na ito, ang buwan na ito, ang taon na ito. Ang lahat ay ganap nasa kinalalagyan nito. May kahulugan. Nangyayari ito bilang isang tanda sa sanlibutan.

Bawat espirituwal na kaganapan ay isang palatandaan mula sa Diyos. Maging maingat. Pansinin iyan, kita n’yo. Magmasid, bawat espirituwal na kaganapan, lahat ng bagay na nagaganap, ay isang palatandaan. Tayo’y hindi naririto sa pamamagitan ng pagkakataon. Ang mga bagay na ito ay sadyang hindi nangyari sa pamamagitan ng pagkakataon. Ito’y isang palatandaan. Ito’y isang palatandaan, upang makapunta—makapunta sa pagkaligtas, kaagad-agad. Si Noe ay isang palatandaan sa henerasyon niya; si Elias ay isang palatandaan sa kaniya; si Juan ay isang palatandaan sa kaniya. Kita n’yo? Lahat ng bagay, ang Mensahe ng kapanahunan, ay isang palatandaan. Masdan Ito, tingnan kung anong ginagawa Nito. Kita n’yo? Ito’y isang palatandaan. Lahat ng bagay ay mayroong kahulugan.

Nong mag-umpisa si Moises sa Kanyang pagmiministeryo sa Israel, dagli-dagling nagtipon ang Israel mula sa buong Egipto, papunta ng Goshen. Nagsisibalikan sila sa tahanan dahil nalalaman nila na may bagay na napipintong mangyari.

Isa ngang ganap na tipo sa panahon ngayon, sa pagtitipon-tipon ng Nobya sa palibot ng dalisay at di-nahaluang Salita para sa kapanahunang ito; dahil tayo man ay alam natin, may bagay na napipintong mangyari.

Sila’y nanggagaling sa silangan at kanluran, nanggagaling sila mula sa malalayong lupain, para makipagpiging sa Hari, para kumain bilang Kanyang panauhin sa palibot ng Kanyang Inimbak na Pagkain sa KANYANG DULANG.

Ipinadala Niya ang Kanyang anghel na propeta kalakip ang isang Mensahe para tawagin palabas at pangunahan ang Kanyang Nobya patungong Pangakong Lupain. Ipinagkilanlan Niya ang Kanyang Sarili sa gitna natin sa isang Haliging Apoy. Pagkatapos, ipinadala Niya ang Kanyang Tanda para sa Kanyang Nobya upang magpasailalim, dahil ang Kanya lamang kinikilala ay yaong Tanda na ’yun.

Ano ang Tanda para sa panahon na ito?

Kikilalanin lamang Niya ang—ang Tanda. Iyan ang Mensahe ng kapanahunan! Iyan ang Mensahe ng araw na ito! Iyan ang Mensahe ng panahong ito! Sa Pangalan ni Jesus Cristo, tanggapin Ito!

Ang Nobya at si Cristo’y lumalakip na sa pagiging Isa. Ang ministeryo ng Nobya, at ang ministeryo ni Cristo, ay siya rin. Kinikilala ng Diyos Mismo ang Mensahe ng Kanyang mensahero. Kinikilala Niya ang Kanyang Nobya. Ang negatibo’y nagiging positibo. Bawat pangako sa Kanyang Salita ay ATIN. Kinakailangan Nitong tumalima sa atin.

Tayo’y nagiging yaong ganap na Salitang Nobya sa pamamagitan ng inilaang daan ng Diyos sa panahon na ito: Kanyang Tinig, Kanyang Salita, sa Teyp. Hindi kailanman binabago ng Diyos ang Kanyang programa. Siya sa tuwina’t nagpapadala ng isang propeta para pangunahan ang Kanyang bayan. Mayroon Siyang iba na tinawag at pinahiran, pero ang marapat na gagawin nila’y salitain LAMANG kung ano ang sinabi ng propeta, dahil ang kanyang Mga Salita’y GANITO ANG SABI NG PANGINOON para sa bayan.

Papaano kayo makatitiyak na 100% SIGURADO kayo na ang pinakikinggan n’yo ay ang GANAP na Salita ng Diyos? May nag-iisang paraan lamang para sa akin: Pindutin ang Play.

Tunay na may iba na tinawag para ipangaral ang Salita, dahil nasa Salita ’yun at hindi maaaring tutulan, pero ang maipapangaral lang nila’y ang Salita na napakinggan nila sa Teyp na mula sa mensahero ng Diyos. Hindi sila maaating mangaral, magturo, magbigay ng interpretasyon, mag-alis o MAGDAGDAG NG ANUMAN DITO dahil Ito’y ang GANAP NA SALITA NG DIYOS. Yun ang sinasabi ng Salita.

Hindi mali na makinig sa isang ministro, gaya ng sinasabi ng iba, ni hindi rin mali na magtungo sa simbahan. Marapat lang na magtungo kayo sa simbahan, pero ang nais ng Nobya’y mapakinggan ang pagkain para sa tupa, at marami ang naniniwala na ang tanging paraan para mapakinggan ang purong Salita ay Pindutin ang Play.

Pagpalain ng Diyos sila at ang kanilang ministeryo na itinawag sa kanila ng Diyos na gawin. Mangyari nga na hindi ako laban sa kanila at iniibig ko sila at naniniwala ako na ako’y magpapalipas ng Walang Hanggan kasama ang lahat ng predestinadong Nobya. Akin lamang itinataguyod ang ministeryong teyp.

Marami ang nagsasabi na kinakailangan mong magkaroon ng ministro para maging Nobya. Sang-ayon ako, mayroon nga ako, si William Marrion Branham, dahil siya ang pinaka dakilang ministro na may pinaka dakilang ministeryo sa mundo. Dahil hindi ito kanyang salita, kanyang mensahe, kanyang mga pag-iisip, ni Ito’y kanyang interpretasyon. Ito lamang ay ang pinatotohanan na Salita ng Diyos para sa ating panahon. At oo, ito ang pinaka dakilang BUHAY NA MINISTERYO na mayroon.

Ang tanong ko ay ito: Maaari ba na kayo’y nakikinig lang sa Mga Teyp at kayo’y Nobya ni Cristo, o kinakailangan na may kamit akong iba pa maliban sa Tinig ng Diyos sa teyp?

Sa gana ko’t aking sambahayan, kami’y isang TEYP NA TAHANAN, at naniniwala na kami’y ang Kanyang Nobya at ang buong KAILANGAN NAMIN ay ang Tinig ng Diyos sa teyp.

Kung nais n’yong samahan kami sa inyong tahanan, simbahan, sasakyan o saanman na idako kayo ng Panginoon, para pakinggan ang GANITO ANG SABI NG PANGINOON, samahan n’yo kami sa Linggo ng 9:00 A.M., oras sa Jeffersonville, para pakinggan ang Salita ng Diyos sa ganap Niyang Nobya at ihahatid sa atin ang Mensaheng: Tanda 63-0901M

Bro. Joseph Branham

Mga Kasulatan na dapat basahin bago pakinggan ang Mensahe:

Genesis 4:10

Exodo ika-12 kabanata

Josue ika-12 kabanata

Mga Gawa 16:31 / 19:1-7

Mga Taga-Roma 8:1

1 Mga Taga-Corinto 12:13

Mga Taga-Efeso 2:12 / 4:30

Mga Hebreo 6:4 / 9:11-14 / 10:26-29 / 11:37 / 12:24 / 13:8 , 10-20

Sn. Juan 14:12