tag Quote of the Day

Quote of the Day
Setyembre 23, 2026

Ikaw na Anak ni David Maawa Ka sa Akin 61-0215

Sinabi ng Diyos sa kanila noon pa sa Egipto, “Ibinibigay ko sa inyo ang lupaing iyon.” Pero hindi Niya sinabi, “Pupunta Ako roon at lilinisin Ko ang lahat, aayusan Ko ang mga bahay, isasabit Ko ang mga kurtina, at lahat. Lumipat na lang kayo.” Hindi, hindi. Kinailangan nilang ipaglaban ang bawat pulgada ng lupaing kinuha nila. Tama iyon, nakikipaglaban, at kunin ito sa bawat…ipaglaban ang bawat pulgada. Pero sinabi Niya, “Kahit saan tumuntong ang talampakan ng inyong paa, iyan ay pag-aari.” Ang bawat hakbang ng paa ay pag-aari.

Ganoon din ngayon. Ang banal na kagalingan ay pag-aari natin. Ang Banal na Espiritu ay pag-aari natin. Ari-arian natin ito, ngunit ipaglalaban mo ang bawat pulgada nito. Oo, ginoo. Pero kapatid, ang bawat hakbang ng paa ay pag-aari. Patuloy lang sa pakikipaglaban. Kunin mo ito. Sabi ng diyablo, “Wala na ang mga araw ng himala.”

Sabihin mo, “Nagsisinungaling ka. Sinabi ng Diyos na Siya ay Siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman.” Angkinin mo ito. Kahit saan tumuntong ang iyong paa, iyan ay pag-aari. Tama iyon.

An Independent Church of the WORD,