tag Quote of the Day

Quote of the Day
Setyembre 22, 2026

Isang Panahon ng Pagpapasya 59-0418

At alalahanin, si Rebekah, na halos hindi niya alam ang ginagawa niya, gayunman ay pinainom niya ng tubig ang parehong hayop, ang kamelyo, na magdadala sa kanya sa kanyang nobyo, sa kanyang asawa, sa kanyang minamahal. At palaging ang isang hayop na pambuhat sa Biblia ay kumakatawan sa isang kapangyarihan. Gaya ng hayop na umahon mula sa dagat sa Pahayag, iyon ay isang kapangyarihang umangat sa gitna ng mga tao.

At ang hayop na ito ay dinidiligan. Si Rebekah na dinidiligan ang parehong hayop na sinasakyan niya, na nagalis sa kanya mula sa kanyang lugar dito patungo sa kanyang bagong tahanan, ay isang tipo ng Iglesia ngayon, na dinidiligan at pinagpapala ang parehong Banal na Espiritu na siyang mag-aangat rito at magdadala rito sa Kanyang bagong tahanan. Ang Iglesia na nagpupuri at nagpapala at nagdidilig na may pagpapasalamat sa Banal na Espiritu na nagdala ng Salita sa inyo…

An Independent Church of the WORD,