tag Quote of the Day

Quote of the Day
Setyembre 24, 2026

Ganap na Kalakasan Sa pamamagitan ng Ganap na Kahinaan 61-1119

At, kapatid, nabuksan na ang takip ng impiyerno. Tama iyon. At umaagos ang mga agos ng kapangyarihan ng demonyo mula sa lahat ng dako. Nalupig na nito ang mga bansa. Nalupig na nito ang pulitika hanggang sa mabulok ito sa pinakaugat. Nalupig na nito ang mga iglesya hanggang sa wala na silang alam kundi denominasyon.

Sinasabi mo, “Kristiyano ka ba?”

“Ako’y isang Metodista.”

“Kristiyano ka ba?”

“Ako’y—ako’y Pentecostal.”

Hindi na iyon nangangahulugan, gaya ng sinabi ko kamakailan, nang higit pa sa pagiging baboy, o inahing baboy, o kabayo, o kung ano pa. Wala iyong kinalaman Diyan. Ikaw ay isang Kristiyano kapag ikaw ay ipinanganak na muli at napuspos ng Banal na Espiritu, hindi bago iyon, at ikaw ay lubusang nakapagpasakop sa Espiritu. Kung hindi ka nagpapasakop sa Espiritu, kung gayon hindi ka ipinanganak na muli at wala ka ng Banal na Espiritu.

An Independent Church of the WORD,