Quote of the Day
Setyembre 20, 2026
58-1004 – Ang Pananampalataya ay Ating Tagumpay
Magkaroon ng pananampalataya. Hindi lamang pananampalatayang lumulutang, hindi lamang pananampalatayang nagkukunwari, kundi isang tunay na pananampalataya.
Ngayon, ang pananampalataya ay isang mananakop. Ang pananampalataya ay isang mananakop. Hindi lamang ito isang—isang tagapamayapa. Ito ay nananaig. “Ang pananampalataya ay ang tagumpay na dumadaig sa mundo.” Ano ang ginagawa nito? Ano ang pananampalataya? Ano ang, ang “mananaig”? Ang mananaig at ang tagumpay ay pareho. Ang mananaig, ang ibig sabihin nito ay “patumbahin; daigin; pinosasan; itapon sa bilangguan.” Nangangahulugan ito na ang kasalanang dating naghari sa iyo, ay pinaghaharian mo na ngayon. Nangangahulugan ito na napagtagumpayan mo na ito. Ikaw ay… Hinagupit mo na ito. Ikaw ay mas dakila kaysa sa kung ano ito.