Quote of the Day
Setyembre 19, 2026
56-0930A – Pakinggan Ninyo Siya
Wala nang natitira, gaya ng nakikita ko sa—sa Salita ng mga propeta, isang bagay na natitira, o isang bagay na humahadlang sa pagdating ng Panginoong Jesus Cristo sa mismong oras na ito, wala nang natitira sa Bibliya, lahat ay natupad na, naghihintay na ngayon sa pagdating ng Panginoong Jesus. Paano tayo dapat gumawa ngayong hapon? Dapat tayong magsalita at kumilos ngayon na parang ito na ang huling oras na mararanasan natin. At sino ang nakakaalam kung ano ito, maaaring para sa ilan sa atin, at maaaring para sa ating lahat. Ngunit kumilos tayo na parang ito na ang ating huling oras, manalangin tayo nang higit pa kaysa dati, at maging magpapala tayo sa iba, at sikaping gawin ang lahat ng ating makakaya, dahil tandaan, ito ay isang beses lamang na tayo ay mortal.
Mula rito, mula sa oras na lisanin natin ang mundong ito, pupunta tayo sa ibang mundo, at hindi na tayo magkakaroon ng pagkakataong manalo ng kahit isang kaluluwa sa mundong iyon, lahat ng mapapanalo ay mapapanalo na ngayon din. At kung ito na ang ating huling oras, ano ang dapat nating gawin sa oras na ito?