Quote of the Day
Setyembre 18, 2026
62-0401 – Karunungan Laban sa Pananampalataya
Hindi maaaring pagpalain ng Diyos si Seth hanggang sa ihiwalay Niya siya kay Cain. Minarkahan Niya si Cain at ipinadala siya sa lupain ng Nod. At si Cain, sa kanyang matalinong karunungan, ay naging mga siyentipiko at lahat ng iba pa, ay nagpatubo ng ani mula roon. At si Seth, sa ilalim ng kanyang katuwiran, at ng pag-ibig at pananampalataya sa Salita ng Diyos, nagpatubo siya ng isang ani na nagbunga ng isang propeta na nagbabala sa mga huling araw, tama iyan, iniligtas ang bawat mananampalataya. At ang karunungan ay sumira sa bawat isa sa kanila. Sila, bawat isa, ay namatay. Bawat isa, gaano man karaming mga digri at sikolohiya ang mayroon sila, lahat ng iba pa, sila ay namatay sa mga paghatol ng Diyos.
At lahat ng bagay sa labas ng tunay, ipinanganak na muli na Espiritu ng Diyos, na naniniwala sa bawat Salita Niyan at naninindigan Dito, ay mapapahamak sa mga paghatol ng Diyos. Nakikita ninyo ang maliliit na gulo na ito na naglalakbay sa kalye, at lahat ng ito ay nagpapatuloy, at nagpapatuloy nang ganoon, tandaan, wala itong anuman sa mundo kundi pagkain para sa paghatol. Ito ay mabubulok. Kailangan itong mangyari. Ito ay nakatakdang mangyari. Mga kababaihan, gumising kayo.