Quote of the Day
Nobyembre 6, 2026
Mga Regalo 56-1207
Ngayon, ang Diyos na nananahan kay Cristo ay ginamit ang Kanyang tinig upang magsalita sa pamamagitan Niya. Sinabi ni Jesus tungkol sa Kanyang mga himala:
“Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, hindi makagagawa ang Anak ng anuman sa Kanyang sarili, kundi ang nakikita Niyang ginagawa ng Ama; sapagkat ang anumang ginagawa ng Ama, ay siya ring ginagawa ng Anak.”
Tama ba iyon? (Juan 5:19).
Kung gayon, wala Siyang ginawa sa pamamagitan ng Kanyang sariling kalooban. Walang propeta ang gumawa ng anumang bagay sa pamamagitan ng kanyang sarili hangga’t hindi muna ipinakikita ng Diyos kung ano ang dapat niyang gawin.
Anong malaking pagkakamali ang nagawa ni Moises nang kumilos siya nang wala ang pangitain mula sa Diyos! Pinatay niya ang Ehipsiyo, sa pag-aakalang mapalalaya niya ang mga Israelita sa pamamagitan ng sarili niyang mga kamay. Inakala niyang napakalaki ng kanyang pananampalataya at kaya niya itong gawin dahil tinawag siya para sa gawaing iyon.
Gaano man kalaki ang pagkatawag sa iyo para sa isang gawain, kailangang ang Diyos pa rin ang manguna at gumabay sa iyo. Nakikita ba ninyo?
Nabigo ang lahat ng kanyang pinag-aralan, ang kanyang kaalaman sa militar, at ang kanyang pagsasanay bilang isang dakilang pinuno ng Ehipto. Gayunman, nabigo pa rin siya, sapagkat may sariling programa ang Diyos, at kailangan nating kumilos ayon sa programa ng Diyos.
Anuman ang ating gawin, gaano man tayo katalino, kailangan nating magpakumbaba at kumilos ayon sa programa ng Diyos. Amen!
Pang-araw-araw na Tinapay
“Anomang bagay na aking iniutos sa inyo ay inyong isasagawa: huwag mong daragdagan, ni babawasan man.”
Deuteronomio 12:32