tag Quote of the Day

Quote of the Day
Setyembre 27, 2026

Tanggapin ang Regalo ng Diyos 53-0219

Naalala ko isang araw nang tumingin ako doon sa itaas at nakita kung ano ang ginawa Niya para sa akin, gumapang akong mapagpakumbaba sa Kanya. Nandoon nakalagay ang pangalan ko sa ibabaw ng isang aklat, at, oh, kung ano ang nakasulat sa ilalim nito. Sabi ko, “Panginoon, patatawarin mo ba ako?”

At tila, kinuha Niya ang Kanyang mga kamay, ibinaon sa Kanyang tagiliran, at sinabi, “Oo.” At isinulat Niya sa buong aklat, “Pinatawad,” isinara ito, at ibinalik sa dagat ng pagkalimot. Masaya na ako mula noon. Ginagawa ko ang aking makakaya sa aking mapagpakumbabang paraan upang sabihin sa bawat tao sa mundo: “Iniibig ka ni Jesucristo, at Siya lamang ang pumipigil sa poot ng Diyos mula sa iyo. Tanggapin Siya bilang iyong personal na Tagapagligtas.”

At kapag nagawa mo na iyon, ngayon, Siya na–rin ay pinaglatay sa Kanyang likod, “sa pamamagitan ng Kanyang mga latay tayo ay pinagaling,” o “tayo ay pinagaling na,” hindi tayo pagagalingin pa lang, tayo ay pinagaling na. Ang bawat tao ay pinagaling na. At ngayon, ang tanging bagay na kailangan mong gawin, ay paniwalaan muna iyon sa iyong puso bago mo ito masabi. Kung sinasabi mo lang ito mula sa iyong mga labi, hindi ka nito mapapakinabangan.

An Independent Church of the WORD,