tag Quote of the Day

Quote of the Day
Setyembre 26, 2026

Nahihiya 65-0711

Ang isang taong minsan nang nakipag-ugnay sa Diyos, na siyang Salita, at ang Salita ay naging maliwanag at naipakita sa kanya, walang anumang ikahihiya tungkol doon. Hindi ka nahihiya. Hindi ako nahihiyang sabihin na pinaniniwalaan ko ang bawat Salita ng Diyos. Hindi ako nahihiya kapag sinasabi ng Panginoon na magsalita ka ng anumang bagay, pumunta ka at sabihin mo at gawin mo; hindi ako nahihiyang sabihin na ako’y napuspos ng Espiritu Santo; hindi ako nahihiyang sabihin na nakapagsalita ako ng ibang mga wika; hindi ako nahihiyang sabihin na ang ating Panginoon ay nagpakita sa akin ng mga pangitain; hindi ako nahihiyang sabihin na Siya’y siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman.

“Kapag kayo’y dinala sa harap ng mga pinuno at mga hari, alang-alang sa Aking Pangalan, huwag ninyong isiping anong inyong sasabihin, sapagkat ibibigay iyon sa inyo sa oras na iyon. Hindi kayo ang nagsasalita, kundi ang Aking Ama na nananahan sa inyo. Ngunit ang sinumang nahihiya sa Akin at sa Aking Salita, sa henerasyong ito, ikahihiya ko rin siya sa harap ng Aking Ama at ng mga banal na Anghel.” Tulongan nawa tayo ng Diyos na huwag mahiyâ, kundi tulungan Niya tayong maging buhay na patotoo.

An Independent Church of the WORD,