Quote of the Day
Setyembre 15, 2026
59-0412E – Ano ang Naririnig Mo, Elias?
Ang hindi natin nakikita ay ang makinig sa mahinahong Tinig na nagsasalita sa atin, pagkatapos ay ibalot ang ating sarili sa Kanyang katuwiran, at lalakad palabas na nagsasabing, “Panginoong Diyos, kinausap Mo ba ako? Ako ba ang tinutukoy nito, O Panginoon? Nandito ako ngayong gabi, ako ay may sakit, ako ay nangangailangan. Oh, kung nakatayo lang sana ako sa Bundok Carmel at nakita si Elias pagkatapos ng lahat ng pag-aayuno at panalangin na bumaba ang Apoy mula sa Langit, bumaba ang isang tanda mula sa Langit at patunayan na Ikaw pa rin ang Diyos, ang Diyos na kasama ng mga batang Hebreo sa nagliliyab na hurno, ang Diyos na nasa nagliliyab na palumpong kasama ni Moises, ang Diyos ding iyon ay narito sa Bundok Carmel, kung makikita ko Kang ginagawa iyon, o gagawin ko ang ginawa Mo noong Ikaw ay nahayag sa laman dito sa lupa, sasambahin Kita nang buong puso ko.” Pagkatapos ay maririnig mo ang Diyos na nagsasalita sa iyo kapag ginawa mo iyon.