tag Quote of the Day

Quote of the Day
Setyembre 14, 2026

60-0911E – Limang Tiyak na Pagkakakilanlan ng Tunay na Simbahan ng Buhay na Diyos

At, iyan, ang Diyos ang Doktor. Siya ay isang Doktor ng kaluluwa. Siya ay isang Doktor ng kaligtasan. At tinuruan Niya ang isang tao sa Kanyang Sariling Teolohiya, si Pedro, isang lalaking walang pinag-aralan na hindi man lang mabasa ang kanyang pangalan nang ito ay isinulat sa harap niya. Ngunit ibinigay Niya sa kanya ang Banal na Espiritu, at binigyan siya ng lapis upang isulat ang Doktrina. Kaya, noong Araw ng Pentecostes, isinulat niya ang Reseta. Tingnan natin kung ano ang isinulat niya. Dr. Simon Pedro, tingnan natin kung ano ang iyong Reseta para sa kaligtasan. Tingnan natin kung para saan Ito isinulat.

Ngayon, nang marinig nila ito, sila ay nasugatan sa kanilang mga puso, at sinabi kay Pedro at…sa iba pa…sa mga apostol, Mga kapatid, ano ang magagawa namin?

(Mag-ingat kayo, nasa inyo ang mga susi.) Nang magkagayo’y sinabi ni Pedro sa kanila, Magsisi kayo, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesus Cristo para sa kapatawaran ng mga kasalanan, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Sapagkat ang pangako ay para sa inyo, at sa inyong mga anak,…sa kanila na nasa malayo, maging gaano man karami ang tawagin ng Panginoon nating Diyos.

Iyan ang Reseta. Huwag itong gawing mali; papatayin mo ang iyong pasyente. Iyan ang problema sa maraming taong ito na nagsasalita nito, “Ama, Anak, at Espiritu Santo.” Pinapatay nila ang maraming espirituwal na tao, na ginawang mali ang pamamaraan.

An Independent Church of the WORD,