tag Quote of the Day

Quote of the Day
Nobyembre 9, 2026

Pagkampi kay Hesus 62-0601

Natatandaan mo ba kung ano ang panaginip na iyon, na nakuha ko ang interpretasyon,? “Bumalik ka at mag-imbak ng Pagkain.” Saan ang kamalig? Ang tabernakulong ito. Saan mayroong anumang katulad nito sa probinsya, sa paligid dito kahit saan, na maihahambing sa Mensahe na mayroon tayo?

Ngayon, siyempre, ang ating maliliit na kapatid dito na nasa labas, ang iba pang maliliit na simbahang ito, ay tayo. Iisa tayo.

Saan ka pupunta, para hanapin Ito? Ipakita ang paghahambing Nito kahit saan. Pupunta ka mismo sa mga kredo ng denominasyon. Lalayo ka mismo sa Pangalan ng Panginoong Hesus. Lalayo ka mismo sa iba pang mga bagay na ito. Kita mo? At dito nakaimbak ang Pagkain.

Buweno, isang Mensahe na ipinangangaral ko rito sa inyong lahat…Tingnan mo, nangangaral ako mula isa hanggang anim na oras sa inyo, tungkol sa isang Mensahe. Bueno, kung kailangan kong gamitin ang isa sa mga Mensaheng iyon, gugugol ako ng isang linggo para kunin Ito, kaunti lang dito at kaunti lang doon, kita n’yo, dahil nakaimbak Ito rito.

Nasa mga teyp ito. Ikakalat ito sa buong mundo sa mga teyp, kung saan ang mga tao ay nasa kanilang mga bahay. Ang mga teyp na iyon ay mahuhulog mismo sa mga kamay ng mga itinalaga ng Diyos. Maaari Niyang gabayan ang Salita, igabay Niya ang lahat nang eksakto sa direksyon nito. Iyan ang dahilan kung bakit Niya ako pinabalik upang gawin ito: “Mag-imbak ng Pagkain dito.”

Tinapay sa Araw-araw

At ang pagkaing iyon ay magiging imbakan para sa lupain laban sa pitong taon ng taggutom, na mangyayari sa lupain ng Ehipto; upang ang lupain ay hindi mapahamak dahil sa taggutom.
Genesis 41:36

An Independent Church of the WORD,