Quote of the Day
Setyembre 29, 2026
53-0729 Mga Tanong At Mga Sagot Sa Genesis
Kung pupunta ako sa inyong hapag, mauupo roon, at sasabihin n’yo, “Mangangaral, halika’t kumain kasalo ko,” Naniniwala akong mahal n’yo ako. At mayroon kayong gisantes at mga patatas at mga karot at pritong manok at pastel na kalabasa at sorbetes, lahat ng nakahain dun. Aba, naniniwala akong maaari akong kumuha ng patatas kung papaanong maaari ako sa gisantes. Ang tanging bagay, naniniwala akong maaari akong kumuha ng manok gaya ng kung papaanong maaari ako sa pastel. Nakahain itong lahat sa mesa. At ang tanging bagay na kailangan kong sabihin, “Maaari mo bang iabot sa akin ang ilang pastel?” At naniniwala ako nang may mabuting malayang puso, sa pagmamahal n’yo sa akin, na sasabihin n’yo, “Oo naman, kapatid ko, kumuha ka lang ng malaking piraso nito.” Tama ba? Kung sasabihin ko, “Maaari mo bang iabot sa akin ang patatas?” “Aba, sige lang, kapatid ko, heto.”
At bawat pagpapala ng pagtutubos na kaakibat sa pagkamatay ni Jesus Cristo at binili ng Kanyang pagtutubos sa Kalbaryo, nakalapag ito sa mesa at nakaupo ang bawat mananampalataya sa harap nito. Hallelujah! Kung kailangan ko ng kagalingan, sasabihin ko, “Ama, abutan Mo po ako ng kagalingan,” at ibubuhos ko ito sa aking plato at kakain ng isang maganang…Ngayon, kung gusto n’yong mamatay nang gutom, sige.