22-0102 Ang Batayan

Mensahe: 62-1230M Ang Batayan

PDF

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Nobya ng Isang Tao na Mensahe,

Isa na namang Makahulogang taon ang lumipas para sa Nobya. Kanyang pinagkaisa tayo mula sa buong palibot ng mundo sa pamamagitan ng nag-iisang bagay na makapagdadala sa Kanyang Nobya sa pagkakaisa, Ang Mensaheng napapanahon, ang mismong Tinig ng Diyos na tinatawag palabas ang Kanyang Nobya.

At ngayon, naniniwala akong Siya’y handa na hagipin ang pangwakas na kasukdulan sa gawi roon, upang magpalitaw ng isang Pananampalataya na aagaw sa Iglesya tungo sa Kaluwalhatian. At Siya’y nakapaloob sa mga Mensahe.

Ang Kapahayagan ng Mensaheng ito ay nakaangkla na ngayon nang malalim sa ating mga puso. Ang mga gawa nati’y eksaktong nakalakip sa Salita. Alam natin na ang ating pagtuturo’y ganap sa Salita, na hindi nagdaragdag ng kahit ano Rito o nag-aalis man ng kahit na ano mula Rito. Para sa atin, wala nang iba’t ang Salita sa teyp.

Inihahanda na Niya tayo para sa pangwakas na kasukdulan sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng Pananampalataya na kailangan natin para sa Pag-agaw. Ang Pananampalatayang ’yun, ay nasa atin na NGAYON. Ang buhay ni Cristo ay muling pinagbubunga sa halos nagkatawang-tao na paraan, sa atin, gaya noon kay Cristo.

Makikita natin ang Buhay Niya. “Ang mga gawang Aking ginagawa ay gagawin n’yo rin, siya na sumasampalataya.” Hindi ang nagkukunwang sumasampalataya,hindi siya na nag-aakalang siya’y sumasampalataya, kundi, “Siya na sumasampalataya.” “Siya na sumasampalataya sa Akin, ang mga gawang Aking ginagawa ay gagawin din niya.” Bakit? Siya’y naka-angkla na sa gayon ding Bato. Ano nga ba ang Batong iyon? Ang Salita, sa tuwina. Ika’y nakaangkla roon. Ito’y ang iyong Hilagang Bituin kapag ika’y naligaw sa dagat.

Tayo’y nakaangkla nang maigi sa Bato na ’yun. Tiyak tayo Rito. Positibo tayo Rito. Hindi natin tinatanggap ang Salita ng iba, nananatili tayo sa Ganito Ang Sabi Ng Panginoon. Tayo’y nakarating na sa ating Batayang-Ganap.

Tayo’y ganap na napupunuan at kuntento. Wala nang pagbabaka-sakali gaya noon sa panahon ng Mga Hukom, at gaya ng nangyayari sa maraming tao sa panahon ngayon, kung saan ang bawat tao’y gumagawa ng kung anong tama sa kanyang paningin, kung saan ang bawat isa’y may sariling batayang-ganap at ginagawa ang bagay na gusto niyang gawin. Hindi binabago ng Diyos ang Kanyang patakaran, hindi Niya ’yan maaaring gawin at maging Diyos pa rin. Kung ang Diyos ay magsasabi ng anumang bagay o gagawa ng anumang bagay, kinakailangan na gawin Niya ito nang pareho sa bawat pagkakataon.

Ang Diyos sa tuwina’y nagpapadala ng isang propeta para pangunahan ang Kanyang bayan. Ipinadala Niya sa atin ang Kanyang ika-7 anghel na propeta; ang Anak ng Diyos na inihahayag ang Kanyang Sarili sa katawan ng tao, para tawagin palabas at pangunahan ang Kanyang Nobya. Ang Mga Teyp ay ang Tinig ng Diyos sa Kanyang Nobya. IYON ANG ATING BATAYANG-GANAP.

Nagpunta siya roon. Alam Niya. At gusto ko ’yan, ang paraan ng pagdating niya. Nakarating siya sa kaniyang batayan, ang kaniyang posteng pinagtatalian.

Tinatawag ng Diyos ang Kanyang Nobya na maglakip-lakip. Hindi Niya iibahin ang Kanyang programa. Hindi Siya magpapadala ng isang grupo ng kalalakihan para tipunin ang Kanyang Nobya. Ang Kanyang Nobya’y magtitipon-tipon lamang sa palibot ng purong Salita, at ’yun ang Tinig ng Diyos sa Mga Teyp. Ito ang tunay na ministeryo ng Diyos para sa panahon ngayon.

Wala nang mas iinam pang paraan para simulan ang Bagong Taon kaysa sa pagtitipon na magkakasama at makikinig sa ating posteng talian, sa ating Batayang-Ganap, na mangungusap sa atin. Nais kong imbitahan ang bawat isa na halina’t makinig kasama namin nang 10:00 A.M., oras sa Jeffersonville, para pakinggan ang Mensahe: Ang Batayan 62-1230M.

Kung hindi kayo makasama sa amin, hinihikayat ko kayo na pumili ng isang Mensahe para i-play sa inyong mga tahanan, o himukin ang inyong pastor na pumili ng isang Mensahe para kayo rin ay makaupo nang sama-sama, sa ilalim ng pinakadakilang pahid na mayroon, at makinig sa pinagtitibay na Batayang-Ganap ng Nobya.

Bro. Joseph Branham