Mesagj: 64-0614m Bondye K Ap Devwale A
- 25-1102 Bondye K Ap Devwale A
- 24-0218 Bondye K Ap Devwale A
- 22-0731 Bondye K Ap Devwale A
- 21-0516 Bondye K Ap Devwale A
- Sitasyon pou jou / Pen chak jou
- 19-0630 Bondye K Ap Devwale A
- 19-0623 Bondye K Ap Devwale A
- 16-1127 Bondye K Ap Devwale A
Ankenn responsablite pou Tradiksyon ki fèt nan Branham Tabernacle
Minamahal na Salitang Nahayag,
Naiisip ba natin Ito! Ang parehong Haliging Apoy na dumating sa mga taong na sumulat ng Bibliya ay ang parehong Haliging Apoy na naririnig natin araw-araw, na nagbibigay-kahulugan sa lahat ng hiwaga ng Bibliya sa atin: Ang Salita ng Diyos na Nahayag!
Binalutan ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang mga propeta noong unang panahon upang ipahayag ang Kanyang mga Salita sa kanila. Iyon ang ginawa Niya noon. Ngunit sa ating panahon, ang ating propeta, si William Marrion Branham ay ang buhay na Salita sa mga tao, na natatakpan ng Haliging Apoy.
Ang pagpapahid ay isang tao. Ang salitang Cristo ay nangangahulugang “isang pinahiran,” kita n’yo, “ang pinahiran.” Kung gayon, si Moises ay si Cristo noong kanyang mga araw, siya ang pinahiran. Si Jeremias ay si Cristo noong kanyang mga araw, na may bahagi ng Salita para sa panahong iyon.
Ipinapaliwanag ng Diyos ang Kanyang Sariling Salita. Sinalita Sila ni Kapatid na Branham; Ipinaliwanag Sila ng Diyos. Taglay Niya ang Salita. Hindi isang grupo, ngunit si William Marrion Branham! Mayroon ang Diyos na ISANG TAO. Hindi Siya makakakuha ng dalawa o tatlong magkakaibang isipan na may magkakaibang ideya. Kumuha Siya ng ISANG TAO, at siya ay naging buhay na Salita ng Diyos na natatakpan ng laman ng tao.
Wala na tayo sa likod ng tabing na iyan, mga maliliit. Ang Diyos ay dumating na sa ganap na anyo ninyo. Ang lumang denominasyonal at tradisyonal na tabing ay napunit mula sa Salita ng Diyos, kaya’t maaari na Itong maipahayag! Sa huling araw na ito, ang tradisyonal na tabing na iyan ay napunit, at narito ang Haliging Apoy. Narito Siya, ipinakikita ang Salita para sa araw na ito. Ang tabing ay napunit.
Panoorin ang mga teyp habang bumababa ang mga ito, panoorin ang bawat isa, kung paano Ito dumating nang mas malinaw at mas malinaw; kung mayroon kayong mga tainga na makakarinig, makakakita, mga matang makakakita.
Iyan pa rin ang bumubulag sa mga tao ngayon. Gusto nilang sabihin na naniniwala silang ang propeta ng Diyos ang nagdala ng Salita, ngunit ngayon ang pagpapahid ay nasa iba upang pamunuan tayo, hindi ang propeta.
Sinabi sa atin ng propeta na hindi maaaring sirain ng Diyos ang Kanyang Salita. Sa mga huling araw, kailangan itong maging pareho muli. Hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang daan, o baguhin ang Kanyang Salita. Sinabi Niya na hindi Siya nagbago. Palagi Niyang isinugo ang Kanyang mga propeta hindi lamang upang dalhin ang Kanyang Salita, kundi upang pamunuan ang Kanyang Nobya.
Tulad ng ginawa sa bawat panahon, ang Diyos ay natatakpan sa laman ng tao. Pansinin, ginawa Niya. Ang mga propeta ay Diyos, natatakpan. Sila ang Salita ng Diyos (tama ba?) na natatakpan sa laman ng tao. Kaya, hindi rin nila napansin ang ating Moises, kita n’yo, si Hesus.
Ngayon, hindi lamang ito isang nakasulat na Salita para sa atin, ito ay isang realidad. Tayo ay nasa Kanya. Ngayon ay tinatamasa natin. Ngayon ay nakikita natin Siya. Ngayon ay nakikita natin Siya, ang Salita, na nagpapakita ng Kanyang sarili.
Kung gayon, tayo ay nagiging bahagi Niya. Tayo ang lambong na tumatakip sa Kanya. Tayo ay bahagi Niya; hangga’t si Cristo ay nasa iyo, tulad ni Cristo na mula sa Diyos.
Isinasamba natin si Cristo sa likod ng ating balat na tabing. Tayo ay mga nakasulat na sulat, ang nakasulat na Salita. Tayo ang Salita na naisulat, nahayag.
At kapag nakita mo ang Salita na nahayag, nakikita mo ang Amang Diyos, dahil ang Salita ay ang Ama. Ang Salita ay Diyos. At ang Salita, na nahayag, ay ang Diyos mismo na kumukuha ng Kanyang Sariling Salita at ipinapahayag Ito sa mga mananampalataya. Walang makapagbibigay-buhay Dito kundi ang mga mananampalataya, mga mananampalataya lamang.
Ang Diyos, na natatakpan ng laman ng tao, ay nagsasalita at naghahayag ng Kanyang Salita sa atin araw-araw. Ang Diyos sa laman ng tao ay naninirahan sa bawat isa sa atin.
Kapatid na Joseph Branham
Mensahe: 64-0614M – “Ang Paglalantad ng Diyos”
Oras: 12:00 P.M. Oras sa Jeffersonville
*Tandaan ang daylight savings time