24-0519 Mga Tanong at Mga Sagot #4

BranhamTabernacle.org

Minamahal na Pamilyang makaTeyp, 

Ang ibig kong sabihin ay ikaw, ang aking pamilya, at ang pamilya sa mundo kung saan tayo…kung saan napupunta ang ating mga teyp. 

Kami iyon, ang Pamilyang maka Teyp ng propeta; ang kanyang mga anak na nakakalat sa buong mundo, ang kanyang mga anak kay Kristo. Ang mga pinagkalooban ng Ama ng Kapahayagan ng Kanyang sarili sa mga huling araw na ito. 

Gusto kong pagsama-samahin silang lahat sa mga araw na ito, kita n’yo, gagawin ni Ama, at pagkatapos ay magkakaroon tayo ng—magkakaroon tayo ng Tahanan kung saan hindi na natin kailangang gumala pa. 

GUSTO KONG MAGSAMA-SAMA SILA LAHAT. Ito ay nangyayari ngayon. Ang Mensahe na ito, ang Kanyang Salita, ang mga Tape na ito ay gumagawa ng eksaktong ganyan: pinagsasama-sama ang Nobya, pinagkakaisa tayo bilang ISANG YUNIT mula sa buong mundo. Walang iba kundi ang Kanyang Tinig; ang Tinig ng Diyos sa mga teyp, na makapagsasama-sama ng Kanyang Nobya. 

At ikaw, kapag napuspos ka ng Espiritu, narito ang isa sa pinakamagagandang tanda na alam ko: ikaw ay umiibig kay Kristo at naniniwala sa bawat Salita na Kanyang sinasabi na Katotohanan. Kita mo? Iyan ang katibayan na nasa iyo ang Banal na Espiritu. At ang iyong buhay ay puno ng kagalakan, at—at naku, lahat ay iba (kita mo?) kaysa sa dati. Iyan ay ang Espiritu Santo. 

Ang ating puso, isip at kaluluwa ay puno ng kagalakan, pag-ibig at Pahayag, halos hindi natin mapigilan ang ating mga sarili. Bawat mensaheng ating naririnig ay nagdudulot ng higit na Pahayag. Nakikita natin kung sino tayo at kung ano ang ginagawa natin para maging nasa Kanyang Perpektong Kalooban. Walang makagalaw sa atin mula sa inilagay ng Diyos sa ating mga puso. Ang Pagpindut sa Play ay ang inilaan na Paraan ng Diyos para sa araw na ito. Walang paghula, walang pag-asa, walang pagtatanong sa Banal na Espiritu, “Ang narinig ko ba ay ang tunay na Salita?” “Kailangan ko bang suriin ito sa Salita?” 

hindi tayo. Ang naririnig natin sa mga tape AY ANG SALITA. Ang Salitang iyon na ating naririnig sa mga teyp ay ang TANGING SALITA na pinagtibay ng Banal na Espiritu Mismo, ang Haliging Apoy, upang maging Ganito ang Sabi ng Panginoon sa Nobya. 

Kung may magsasabi sa atin, “Napakaraming sinabi sa mga tape na si Kapatid na Branham lang ang nagsasalita, hindi ang pinahirang Salita. Iyon lang ang tao. Inakay tayo ng Banal na Espiritu sa kung ano ang Salita at kung ano ang sinasabi ni Kapatid na Branham.” 

Hindi sa amin. Naniniwala lang tayo sa sinabi ng propeta na huwag nating kalimutan. 

Nais kong huwag mong kalimutan ang Salitang iyon. Kung ano ang sinabi ni Moises, pinarangalan ng Diyos, dahil ang Salita ng Diyos ay nasa kay Moises. 

Hindi natin malilimutan ang sinabi ng propeta, at pinaniniwalaan natin Ito; sapagkat Ito ay nakaukit ng bakal na panulat sa ating mga puso. Kung ano ang sinabi niya sa mga teyp, pinarangalan Ito ng Diyos, at pinaniniwalaan namin Ito.

Wala nang hihigit pang karangalan kundi ang maupo at marinig ang Tinig ng Diyos na nagsasalita sa atin. Siya ay magsasalita sa Kanyang Nobya ngayong Linggo sa 12:00 P.M., oras ng Jeffersonville, at sasagot sa mga tanong: 64-0830E Mga Tanong At Sagot #4. Nais kong anyayahan ka na makiisa sa amin. Isa itong desisyon na hinding hindi mo pagsisisihan. 

Bro. Joseph Branham